Chapter 20 - Victoria

29.1K 564 62
                                    

 Victoria P.O.V.

"What the hell??!" Sigaw ni Miranda at hindi makapaniwalang nakatingin sa amin ni Helena.

"Shit!" hindi ko malaman kung paano kung tatakpan ang hubad na katawan ko.

Pwede bang lumubog na ako sa kinatatayuan ko at lamunin ng lupa?

Alam kong nasaktan si Miranda sa nakita nya kaya nagmamadaling tumalikod sya at patakbong umalis.

Mabilis na pinulot ang dress ko na nasa sahig at sinuot ito, nakatingin lang sa akin si Helena habang nagbibihis ako.

Nang nakapagbihis na ay sumulyap ako sa kanya at ng pipihitin ko na ang door knob.

"Hayaan mo na lang sya..." narinig ko na sabi nya pero hindi ko sya pinansin at tuluyan na akong lumabas ng kwarto.

Kailangang makausap ko si Miranda, although hindi ko naman alam kung ano ang pwede kong sabihin para ipaliwanag yung naaabutan nya.

Alam ko naman na wala akong ipaliwanag kung may something man between me and Helena, I was embarassed lang na doon pa nya kami nakita sa kwarto nya na may ginawa.

Kahit na alam na namin magpinsan kami syempre hindi pa din basta pwede mawala yung feelings na minsan na minsan ay pinagsaluhan namin. Muntik na nga may nangyari sa amin doon sa condo nila dati.

Pagbaba ko ay luminga linga ako sa paligid, pero ang daming tao kaya parang imposibleng makita ko agad sya.

Napansin ko sina Tita Erin at si Mommy na magkausap,mabilis na lumapit ako sa kanila.

"Tita, napansin nyo po ba si Mira?" tanong ko.

Saglit silang tumigil sa pag uusap at tumingin sa akin 

"Nakita ko kaninang lumabas iha." sagot ni Tita, hindi ko alam kung napansin din nya na hindi ok si Miranda.

"Ahh ok, salamat po."  sabi ko sabay talikod at lumabas ng bahay. Hinanap ko sya sa may garden  at parking area pero wala sya dun..hindi ko din nakita ang kotse nya, kaya naisip ko na baka umalis na sya.

Pagal na naupo ako sa  may chair sa may garden.

Nakaramdam ako ng lungkot at the same time ay inis sa sarili ko.

Bakit kasi hindi ko pinigilan si Helena sa ginawa nya kanina, bakit parang wala akong kontrol sa sarili ko everytime na lumalapit sya sa akin.

Inis na ginulo ko ang buhok ko. Alam ko hinding hindi na ako mapapatawad ni Miranda kahit kalian, imagine, sa kwarto nya pa namin ginawa yun.

"Did you see her?"  isang tinig ang pumukaw sa akin at kahit hindi ko lingunin ay alam kong si Helena yun.

Hindi ako sumagot  at hinilot ko ang sentido ko, pakiramdam ko ay sumakit  ang ulo ko dahil sa nangyari.

Umupo sya sa tabi ko at hindi ko pa din sya pinansin.

"Hey, cheer up." narinig kong bulong nya sa akin....and I swear nagtayuan ang lahat ng balahibo ko sa katawan. My gosh, bakit ba ganito kalakas ang epekto ng presensya nya sa akin? Ito ba ang tinatawag na extreme sexual attraction?

Pero sa halip na magpadala sa naramdaman ko ay galit na tumingin ako sa kanya.

"Pwede ba tantanan mo na ako? Gumugulo lang lahat dahil sayo!" maanghang na sabi ko, naniningkit ang mata ko sa inis.

Hindi sya sumagot at nakatitig lang sa akin, maya maya ay sumandal sya sa upuan and she closed her eyes.

Hindi ko tuloy mapigilang pagmasdan ang mukha at magandang katawan nya. I must admit, this girl was almost physically perfect...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 17 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Party girls (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon