Chapter 14 - Ice

27.9K 510 27
                                    

Ice P.O.V.

"Y-yeah bagay sa'yo.."

Umangat ang tingin nya  at nagkatitigan kami. Ngumiti  sya ng pagkatamis tamis na halos matunaw ang puso ko.

The ice is melting....

Isang realisasyon ang pumasok sa isip ko.

Dang.

I'm inlove.

"Sige Ice lalabas na ako ha, thank you uli dito ibabalik ko na lang sa'yo." ngumiti ulit sya bago tuluyan ng lumabas ng kwarto.

Nakatingin pa din ako sa pintuan kahit kanina pa sya wala.

Inlove ako sa taong hindi ko dapat mahalin.

Parang gusto ko tuloy iuntog sa sahig ang ulo ko. Sa dinami dami ba naman ng babae sa Pilipinas, bakit sa kanya pa??

Hindi tama ito. Dapat kong pigilan kung ano man nararamdaman ko...

Dapat ko na syang iwasan bago pa tuluyang lumalim ng tuluyan eto nararamdaman ko.

Nakakalungkot.  1st time ko mainlove .....sablay pa?

I sighed.

Pumasok na ako ng bathroom para maligo. Pagkatapos ng ilang minuto ay lumabas na ako at namili ng isusuot ko today. Namili lang ako sa Nike and Adidas na shirts ko.

Tsk.

Isang white shirt at blue skinny ang napili ko.

Hindi ko na sinuklay ang buhok na medyo basa pa.

Bagay naman sa akin ang messy hair. Dala ang cellphone, car key at bag ay lumabas na ako ng kwarto.

Naabutan ko sina Kuya Andrew and Dad sa baba nagaagahan.

Napansin agad ako ni Kuya "Baby girl kain ka na."  aya nito.

Napalingon ako sa paligid "Wala na si Kuya Bullet?"

Lumunok muna si kuya"Oo kakaalis lang, nagmamadali eh."

"Baby girl  gising ka na pala." sabi ni Dad, mukhang ngayon nya lang ako napansin. May kausap sya kanina sa phone.

"Sige Dad, kuya, sa school na lang ako kakain." malungkot na sagot ko.

"Oh sige ingat sa pagmamaneho ha? Gusto mo ba ihatid ka ni Alvarez?" sabi naman ni Dad, tinutukoy ang isa sa mga drivers namin slash bodyguard.

"Huwag na Dad, dadaanan ako ni Syd dito." sabi ko saka humalik sa kanila bago ako lumabas.

Habang naghihintay sa labas ay biglang naring ang phone ko. Baka si Syd, tinext ko kasi kanina na nandito na ako sa labas.

Pero nagtaka ako ng --

Unknow number calling......

Huh. Sino naman kaya ito??

"Hello." sagot ko.

"Hey Ice..." tila mala anghel ang tinig ang sumagot sa kabilang linya. Alam ko ang boses na yun.

Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko.

"Millicent?"  kabadong sagot ko. Kung bakit ako kinakabahan ay hindi ko din alam..

"Yeah.." she said and she giggled.

Wow ....ang cute ng tawa nya.  Wala sa sariling napangiti ako.

Saan nya kaya nakuha ang number ko? Wala akong matandaan na binigay ko ang cellphone number ko sa kanya.

"Paano mo..."

Party girls (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon