Chapter 19 - Gabrielle

28.3K 547 53
                                    

Gabrielle P.O.V.

Pagdating ng lunes ay maaga kami nagkita kita nina Syd at Victoria. 

Pagkatapos namin mag breakfast ay naupo muna kami sa may bench, habang hinihintay na tumunog ang bell. Wala si Ice ngayon kasi may practice sila ng mga kateam nya sa volleyball.

Busy ako sa pag iisip ng nangyari sa akin last Saturday when Syd asked a question.

"Kamusta ang weekends nyo girls?" 

"Good.." sagot ko habang nakasmile.

"Not good...." malungkot na sagot ni Victoria.

"Care to tell me why?" Syd asked her.

Mabilis na kinuwento nito yung  nangyaring pagsama nya sa pinsan nya at nangyari sa mismong house blessing nito.

Hindi maawat sa pagtawa si Syd ng nalaman niya yung  nangyari.

Parang naiimagine ko na yung itsura ni Victoria noong nahuli sila ni Miranda na may ginawang milagro sa mismong room nito.

"Syd please stop. Ang sasama mo talaga!" saway ko sa kanya na halos maiyak na sa kakatawa. Sa halip na icomfort eh pinagtawanan pa talaga niya yung tao, kawawa na nga kasi heartbroken siya.

Natigil lang siya ng narinig na namin tumunog ang bell, hudyat na ng simula ng klase.

Humiwalay na sa amin si Victoria habang sabay naman kami ni Syd papunta ng classroom.

"Victoria is so doomed." nangingiti pa din si Syd habang papasok na kami sa classroom.

"Kaya nga wag nyo na siya masyado ibully, nadedepress na nga siya." komento ko.

Wala si Prof Legaspi pagpasok namin, substitute teacher ang nandoon.

Napatingin si Syd sa akin at parang nagtatanong ang mga mata kung bakit wala si Jen ngayon. Nagkibit balikat lang ako, sa totoo ayoko muna syang isipin.

Mabilis na natapos ang morning class namin. Walang kibo pa din ako hanggang magkita ulit kami ni Victoria.

"Wala akong mukhang ihaharap sa kanya. It was all Helena's fault."  Victoria said habang nakatakip ng kamay nya sa mukha nya na tila naiiyak. Super affected pa din talaga sya sa nangyari.

Sabagay, kung sa akin din naman mangyari yun ay baka maging ganun din ang reaksyon ko. 

I caress her back "Girl, there's nothing you can do about it, nangyari na ang lahat. Just accept it and move on."  payo ko.

"Easy for you to say Gabrielle, sa ating apat ikaw kasi ang pinakastrong ang personality." she said habang nakatakip pa din ang mukha nya. For sure ay namamaga na ang mata nya kakaiyak.

I agreed. Siya kasi ang mas emosyonal sa aming lahat at soft hearted.

Bumaling sa akin si Syd "How about you Gabrielle? Mukhang maganda ang weekends mo ah?" pagiiba nya ng topic.

I told them what happened between me and Jen at nagalit sila kay Jen dahil sa ginawa nya pati na yung pagsampal nya sa akin. Pero ok na din daw yun na nakipaghiwalay na sya dahil wala naman daw patutunguhan ang relasyon naming dalawa.

Nakwento ko din yung nangyari na pagtulog ko sa bahay nina Yvonne, nagkatinginan sina Victoria at Syd at binibiro ako na baka daw hindi lang tulog ang nangyari sa amin since dinala nya ako sa kanila sa sobrang kalasingan ko dahil sa nangyari sa amin ni Jen.

Natigil ang usapan namin ng napansin ko ang grupo nina Avery na papasok din ng cafeteria.

Dumaan sila sa tapat ng table namin at napangiti ako ng napasulyap si  Yvonne sa akin, naalala ko kasi yung nangyari noong Saturday.

Party girls (on-going)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ