Chapter 3 - Gabrielle

39.6K 646 44
                                    

Gabrielle P.O.V.

"Ms. Saaverdra please wake up your friend."  sabi ng prof namin sa algebra sabay turo sa natutulog na si Sydney Dawn sa tabi ko.

My gosh tulog na naman si Syd? Napuyat na naman siguro sa gig nila kagabi, meron kasi syang sariling all-girl band. Twice a week ay tumutugtog sila sa iba't ibang bar sa metro.

Kinalabit ko ang himbing na himbing na babae sa tabi ko "Hey Syd...wake up.."

Kaso hindi man lang natinag si Syd ang sarap pa din ng tulog, naghihilik pa ata.

This time niyugyog ko na sya "Syd wake up!"

Matalim ang matang sumalubong sa akin "What?!" she snapped.

"Nasa klase ka Syd mamaya ka na matulog.."  bulong ko, hindi ko na lang pinansin ang mood nya.

Luminga linga sya, tila doon lang narealize kung nasaan sya at saka naghikab ng parang walang pakiaalam sa paligid nya. Hindi naman masita ng prof namin parang siya pa ang takot sa pasaway na si Syd.

Saktong tumunog na ang bell senyales na tapos na ang klase. Sabay na kaming tumayo saka lumabas ng classroom.

"May gig na naman kayo kagabi ano?" I asked the sleepy lady beside me.

"Yeah.." maikling sagot nya. 

Maya mya pa ay may isang sexyng babae ang lumapit sa kanya "Hi baby bakit hindi mo sinasagot ang call ko?" Tanong nito habang pilit siyang niyayakap.

"Oh...Tricia? Sory ha nawala kasi yun cellphone ko." walang interes naman na sagot nito.

"I'm Joanne...not Tricia" tila naoffend na sagot ng babae. Hinila nya sa braso si Syd palapit sa kanya saka siniil ng halik.

My gosh maglaplapan daw ba sa gitna ng corridor? Napatigil din ako sa paglalakad at maang na napatingin sa kanila.

Yung ibang estudyanteng naglalakad ay napatigil din..iba iba ang naging reaksyon... may nagulat, may nailang, meron din naman natuwa lalong lalo na ang mga guys na sumipol pa.

Parang wala lang naman kay Syd yun halik na yun tingin ko nga hindi sya nagrespond..pagkatapos ng show nila ay umalis na yun babae kumaway pa.

"Syd baby...call me!" malanding sabi nito nag flying kiss pa.

Hinila ko na ang tila tulog na si Syd papunta sa direksyon ng library. Kaming dalawa lang ang magkasama ngayon, si Ice nasa practice ng football habang si Victoria ay nasa ibang klase naman. Magkikita na lang kami mamayang uwian.

Mamaya pa ang next class namin, may time pa para makatulog si Syd para gising na sya sa sunod na klase. Iiwan ko muna sya dun may aasikasuhin pa ko article para sa sunod na school newspaper namin. Kailangan na din matapos para mairelease na next week.

May student opinion polls pa kasi akong dinagdag about sa paglalagay ng "smoking area" sa loob ng Brentwood University,  an idea suggested none other than the great Sydney Dawn Bustamante herself.

Bukod pa sa mga regular columns namin na nagtatackle sa problems sa loob ng school at iba pang achievements ng mga students sa larangan ng sports, international competitions etc.

Super busy ako lalo na ako pa ang kasalukuyang student council president na responsable sa social events, community projects and school reform. Hindi na tuloy kami makalabas madalas nina Syd or makapag out of town like we used to do.

"Syd dun ka muna sa library ok? Kita na lang tayo sa next class natin sa Aguinaldo building." tumango lang sya, tila batang hila hila ko sya papunta sa direksyon ng library.

Party girls (on-going)Where stories live. Discover now