Chapter 1 - Sydney

61.9K 752 12
                                    

Sydney Dawn P.O.V.

"Come on guys hurry up!" sigaw ko sa tatlong babaeng kasama ko, kasalukuyan kaming nasa loob ng isang kilalang mall sa Pasay at nagshoshopping spree.

I checked my watch and its already 5pm, kanina pa kaming 2pm dito paikot ikot sa mall. Sa totoo lang parang wala pa silang balak umalis dito.

I still have my date later with Lizzie, the sexy cheerleader from school. I couldn't afford na ma late kasi last time ay no show ako sa kanya kaya siguradong raratratan na naman ako nun pag hindi ako magpakita mamaya.

"Wait lang Syd..punta pa tayo doon." sabi ng maarteng si Victoria sabay turo sa isang mamahaling store, she was wearing this pink Versace strapless knee-length dress dress and matching white nine west heels.

"Oo nga naman Sydney minsan na lang nga tayo magsama samang lumabas." sabi naman ni Ice while putting her hands in her black skinny jeans pocket at saka inayos ang kanyang white Adidas Womens running climachill.

I looked at her in disbelief "Really Ice? Araw araw nga tayong magkasama sa school!" i said in my duh tone.

"Iba naman yun sa school iba din yun dito sa labas." singit din ni Gabrielle habang nakatingin sa direksyon ng bookstore. For sure dadaan pa sya ng bookstore mamaya bago umuwi, adik lang sa books and magazine si Gabby.

I just rolled my eyes at them.

"Labas lang ako guys, yosi break."

I told them dala ang isang kahang sigarilyo at lighter at saka sinuksok ko sa aking J brand jeans. Kasunod ang aking bodyguard ay pumunta na ako sa direction ng exit.

Habang naglalakad palabas ay hindi ko mabilang ilang girls at guys ang tumingin sa akin obvious sa mga mata ang paghanga, pero hindi ko na lang pinansin paano busy ako kakatext kay Lizzie sa kung ano anong klaseng pambobola.

When I reached the 'smoking zone' outside ay sinindihan ko na agad ang yosi na nasa bibig ko. Honestly bakit ba kailangang may smoking zone dito sa mall?

Maglakad ka nga lang sa Manila ay daig mo pa ang nagsigarilyo ng 10 beses. Kaya para sa akin ay non sense lang yan sinasabi nilang zone zone na yan, gawa gawa lang ng maaarteng ayaw mausukan kuno.

Habang busy sa paghithit ay napasulyap ako sa babaeng nasa tabi ko, nahuli ko syang malagkit na nakatingin sa akin.

Pinagmasdan ko sya mula ulo hanggang paa, she was kinda tall like me with shoulder length hair and she was wearing a white cropped tank and dark blue skinny jeans.

I saw her smiled at me, but instead of smiling back I chose to ignore her. My mouth was already full, nakapila na ang mga girls na may gusto sa akin sa school pa lang.

Hindi ko na kailangan dagdagan pa dahil sa totoo lang madalas ay nagiging sakit ng ulo ko na lang sila, mostly kasi possessive at kung maka asta ay akala mo pag aari ka na nila and that was a major turn off for me.

Pag nagsimula na sila maging demanding ay mabilis sa alas kwarto ko na silang iniiwan.

Humithit uli ako ng yosi saka ko binuga pataas ang usok.

Naramdaman ko na lang lumapit na sa akin yun girl kanina.

"Hi may lighter kaba?"

Nakangiti pa din nyang tanong sa akin, sa kamay nya nakaipit ang wala pang sinding sigarilyo.

Wow seriously? Nakita ko nga lang sya nagyoyosi kanina ah. Pero hindi na lang ako nagsalita, walang kibong iniabot ko sa kanya yun zippo lighter ko.

"Thank you.." malanding sabi nito bago sinindihan ang sigarilyong hawak at ng inaabot na pabalik ang lighter ko ay sinadya pang magdikit ang kamay namin.

Party girls (on-going)Where stories live. Discover now