Chapter 6 - Ice

30.1K 518 24
                                    

Ice P.O.V.

"Kuya Bullet??" Nanlaki ang matang nakatingin ako sa kanya.

"Hi baby girl, nameet mo na pala ang girlfriend ko?" todo ngiti ni  kuya at saka umakbay kay Millicent.

"Yeah.." yun lang ang nasabi ko. Shock pa din kasi ako sa nangyari. Sumulyap ako kay Millicent nakatingin din sya sa akin at nakangiti.

"Sabi ko kasi sa kanya makikilala ka nya pag nandito na sya sa team nyo." sabi ni kuya saka tumingin ng malagkit sa girlfriend nya.

Yup girlfriend nya.

Off limits.

Ang attraction na nararamdaman ko kay Millicent ngayon pa lang ay dapat ko ng kalimutan.

"Sabay ka na sa amin Ice, diba sa Aguinaldo building ka din?" Si Millicent.

"Ahh yeah sige mauna na kayo kasi imemeet ko pa sina Syd." palusot ko na lang. Hindi pa naman ako nawawala sa sarili ko para sumabay sa kanilang dalawa.

Ewan ko kung narinig nila ang sinabi ko, parang mga timang lang kasi sila na nagtitigan habang abot tenga ang ngiti. They seemed so engrossed in their own little world.

Dala ang bag ko "Kuya.....ate Millicent...una na ako." paalam ko. 

Wow ate na talaga? Natawa ako, should I really call her ate kasi gf siya ni Kuya Bullet although magkaedad lang kami?

Minutes ago feeling ko ay nalove at 1st sight ako sa kanya, ngayon ina ate ate ko na lang.

Saglit silang sumulyap sa akin.

 "Bye Ice.."  sabi ni Millicent.

"Bye baby girl. " si kuya naman. 

Kumaway lang ako sa kanila bago tumalikod. Nagmadali akong umalis, punta muna ako ng CR para magshower at magpalit ng damit.

Sumunod sa akin si Sam "Shocks Ice gf pala sya ng kuya mo." halatang nagulat din sya.

"Oo nga eh..di naman kasi nagpapakilala ng gf si kuya sa amin, unless serious siya dito."

"So paano yan off limits na sya?" she said hinihintay ang reaksyon ko.

"Yeah ganun na nga." hindi ko alam bakit parang nalungkot ako bigla. Minsan na nga lang mataam ng ganito tapos doon pa sa taong hindi mo pwede magustuhan.

Pero mabuti na din yun hangga't maaga pa ay nalaman ko na off limits siya, hindi yun kelan hulog na ko sa kanya ay doon ko pa malalaman. Mabait pa din sa akin ang nasa itaas. Hayyy.

Pagkatapos magpalit ay tinext ko na agad si Syd kung nasaan sila. Nagreply naman sya agad at sinabing nasa bench sila malapit sa Aguinaldo building.

Pagdating ko sa bench area ay napansin agad ni Syd ang itsura ko "What happened? Did somebody die? Bakit parang biyernes santo ka dyan?"

Hindi ako sumagot..tumabi lang ako sa kanya. Binati ako nina Victoria and Gabrielle na busyng  busy sa paguusap regarding sa fund raising na gagawin nila next month.

"Ice..did you hear what I just said?" Sabi ulit ni Syd, halatang nairita kasi dineadma ko sya.

I sighed.

"May nakilala kasi ako kanina Syd.." tumingin ako sa kanya habang pinaglalaruan sa kamay ko ang Isang ballpen.

"And..?" Kunot noong tanong nya.

"Attracted ako sa kanya...pero nalaman ko na girlfriend pala sya ni Kuya Bullet." malungkot kong sagot napatingin ako sa kamay kong busy sa pagpapaikot ng ballpen.

Party girls (on-going)Where stories live. Discover now