Chapter 4 - Victoria

36.9K 625 43
                                    

Victoria P.O.V

"Girl come on mag start na yun show!" sabi ni Margaux, ang baklitang manager ko. Part time ramp model ako ng isang kilalang jeans, suot namin ang latest design nila na irarampa namin sa Mall of Asia.

Lumingon ako, tinignan ko ang kasunod ko sa line na si Miranda, Ngumiti ako sa kanya and she smiled back.

Faded skinny jeans na may design na iba't ibang klase ng gems ang nakapalibot dito ang suot namin with matching shades, 3-inch heels at black na bra.

We looked hot... I know right.

Exposed ang aming flat stomach and hour glass figure, isa isa na kami rumampa sa stage. Bakas ang paghanga sa crowd ng lumabas ako, nakangiti akong naglalakad while swaying my hips.

Nakita ko sina Syd, Ice and Gabrielle sa bandang unahan nagchecheer sa akin. Napangiti ako ng makita sila, very supportive talaga ng mga buddies ko.

After I turned around ay diretso uli kami sa backstage. Tumabi si Miranda sa akin while gazing at my body. 

"You were amazing back there Victoria." she exclaimed.

"Thanks Miranda.." hindi ko mapigilan magblush sa papuri nya, hindi ako usually nadadala sa mga papuring naririnig ko pero pagdating sa kanya sumisikdo ang puso ko. This girl had a great affect on me.

"Saan ka after dito?" I asked her.

"Hmmm." tumitig sya sa mga mata ko.

My Gosh don't look at me like that Miranda...baka matunaw ako sa tingin mo.

Ilang sandali din ang aming mala kalamay sa lagkit na titigan moment at ang ngiti namin abot tenga ata.

"Girls girls balik na kayo sa stage para sa final ramp nya." silip ni Margaux sa amin.

Bahagya ako nakadama ng pagkainis, panira talaga ng moment tong si Margaux kahit kailan.

Sabay na kami tumayo ni Miranda..nagulat ako when she held my hand.

Nahiling ko na sana ay hindi na matapos ang moment na to, hindi ko mapigilan kiligin...a small smile escaped my lips.

Kung hindi pa obvious, yes I have this biggest crush on her. Model din sya at pareho kami ng manager. She's tall, she's sexy and bukod dun she's very charming. She's always smiling showing those cute dimples of her.

Her eyes were always glowing lalo na if she sees something that would excite her. I love her aura..so full of life..kaya Kahit siguro maghapon ko lang sya titigan at panoorin, masaya na ako at hindi ako magsasawang gawin.

Pero syempre secret lang yun feelings ko sa kanya..nobody knew I'm like this..that I'm gay, especially my parents and relatives na conservative. Especially sa culture ng lahi namin, this is something unacceptable.

For sure baka itakwil pa nila ako pag nalaman nila. Well, Except sa mga friends ko na sina Syd, Ice and Gabrielle... I know their sexual preferences.

Si Syd and Ice ay parehong out and proud , although si Gabrielle ay somewhat closet gay pa din...like me. Kaya happy ako when I'm with them, nagiging totoo ako sa sarili ko.

Isang girl pa lang ang napapakilala ko sa kanila na nakarelasyon ko..pero matagal na yun at kinalimutan ko na din yun sya cause she was a cheater. 2nd time ko pa lang maattract ng sobra sa isang tao...at kay Miranda nga iyon.

I don't know if she's gay or not...madalas kasi feeling ko ay M.U. kami or may mutual understanding. Nararamdaman ko naman na masaya din sya pag magkasama kami at super touchy nya, madalas sya nakahawak sa kamay ko o minsan nakahug.

Party girls (on-going)Onde histórias criam vida. Descubra agora