Chapter 11 - Gabrielle

28.5K 570 42
                                    

Gabrielle P.O.V.

"Malaking eskandalo pa ito sa pamilya Saaverdra, goodbye government position." 

Galit na galit na tumingin ako kay Yvonne. Kung nakakamatay ang tingin ko ay kanina pa sya bangkay.

"Fine !!" Hawak nya ako sa leeg, mukhang wala na ako magagawa.

Nakangiting tumingin sya sa akin. Tila may planong iniisip

"Anyway bukas ko na lang sasabihin sayo ang unang ipapagawa, anyway relax ka muna for now." nakangiting sabi nito saka nakakalokong kumindat pa.

Hindi na ako umimik, actually ang gusto ko talagang gawin ay kalbuhin ang mahabang buhok niya pero nagpigil lang ako, as in to the 10th power.

Tumalikod na sya at saka naglakad papunta sa direksyon ng library.

Nagtitimpi na naglakad na din ako papuntang cafeteria,  itetext ko na lang si Jen at sasabihin ko na ok na yun kay Yvonne.  Hindi nya na kailangan malaman kung ano yun napagusapan naming dalawa.

Buti na lang ay naabutan ko pa sina Syd sa cafeteria, medyo patapos na din silang kumain.

Binati agad ako ni Syd "Oh tapos na ba yun dessert mo at ngayon ka lang mag main course?" natatawang sabi nya.

Nakatingin lang sa amin sina Victoria at Ice at hindi alam yun tinutukoy ni Syd.

"Shut up!" inis na sabi ko habang tinatakpan ang bibig nya, lalo akong nawala sa mood dahil kay Yvonne.

"Whoa! Hula ko nabitin." sabi nya pa habang inaalis ang kamay ko.

I just gave her a death glare.

Mabilis syang tumahimik and raised her two arms "Just kidding.." she said now smirking. Alam niya kasi na kapag wala talaga ako sa mood ay malilintikan siya sa akin.

"Syd mukhang wala na nga sa mood si Gabrielle inaasar mo pa." pagtatangol ni Victoria. 

 Victoria looked at me "So what really happened girl? You know you can tell us." saka masuyong tumingin sa akin. Obvious pa din ang lungkot sa mga mata ni Victoria dahil siguro sa sitwasyon pa din nila ni Miranda.

"Hmmm ano yun dessert na tinutukoy ni Syd?" Sabi ni Ice habang kumakagat ng sandwich.

Asar na kinutusan sya ni Victoria "Pwede ba Ice lagi kang out of line, kung baga sa ruta ng bus ay ibang direksyon ang pinupuntahan mo!"

Napakamot na lang siya ng ulo "Nagtatanong lang naman."

"So anyway where were we?.." pangungulit pa din niya. 

Sasagot na sana ako ng biglang tumunod na ang bell. Victoria groaned dahil nabitin yun usapan namin. Tumayo na kami saka nagtungo na sa mga sunod na klase.

Nagbeso sa akin sina Ice at Victoria kasi iba ang klase nila habang sabay na kami ni Syd pumunta ng Aguinaldo building.

Pagdating namin sa klase ay nandoon na si Jen  tahimik lang sya sumulyap sa akin and I gave her a soft smile. Hatala pa din ang pagkabahala sa mukha nya.

Diretso na kami umupo ni Syd sa pwesto namin, inilapag ko yun bag ko saka kinuha yun book habang si Syd sa tabi ko ay walang ginawa kung hindi magtext ng magtext. I bet kung sino sinong mga babae na naman ang binobola.

Madalas ako mapasulyap kay Jen habang nagtuturo sya, minsan ay nawawala sya sa sarili at nagkamali tuloy ng sinabi about sa lesson nya. I did try to correct her at saka sya nagpasalamat sa akin.

Party girls (on-going)Where stories live. Discover now