EPILOGUE

80 4 0
                                    

Mabilis na lumipas ang mga araw‚ linggo‚ buwan at taon. Ni hindi ko nga namalayang halos limang taon na rin pala ang lumipas. Pero paano ko nga naman mamamalayan ang paglipas ng panahon kung wala namang masyadong pagbabago ang nangyari sa buhay ko bukod sa kulay at ayos ng buhok ko.

Sa loob ng mahigit limang taon ay ganoon pa rin ang naging buhay ko. Parang may kung anong kulang sa pagkatao ko na hindi ko naman malaman kung ano. May mga pagkakataong parang napupunuan ang kung anong kulang sa pagkatao ko kapag masaya ako. Kaya nga lamang ay katulad ng mga nakalipas na taon ay pansamantala rin lang ang kasiyahang tinatamasa at natatamasa ko. Kaya sa huli ay bumabalik pa rin ako sa paghahanap ng kung anong kulang sa pagkatao ko na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin malaman kung ano. Umabot pa sa puntong gumawa ako ng pagkahaba-habang bucket list dahil sa pag-asang isa sa mga nakalista roon ang sagot sa matagal ko ng tanong kung ano nga ba ang kulang sa ‘kin at kung anong makapagpapasaya sa ‘kin.

So far ay marami na akong naekisan sa bucket list na ginawa ko at wala ni isa man sa mga ito ang hinahanap ko. Pero hindi ako susuko. May ilan pa akong hindi nagagawa sa bucket list ko at naniniwala akong isa na sa mga ito ang sagot.

But throughout the years that I spent searching for something unknown ay isa lang ang natutunan ko. Pansamantala lamang ang kasiyahan na mayroon tayo. Lahat may hangganan‚ lahat nagbabago at lahat nawawala. Kaya habang nasa sa ‘yo pa‚ ingatan at pahalagahan mo. Kapag naman nagkaroon ka ng opportunity to enjoy life and opportunity to be happy even just for a while‚ grab it and savour every moment of it! Forget all your worries and just be happy while you can. Dahil ang tunay na kasiyahan ay sa ‘yo mismo magmumula. Kapag nakuntento ka sa kung anong mayroon ka at natutunan mo itong pahalagahan‚ makakamit mo ang tunay na kaligayahan.

The end

Paano Ba Maging Masaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon