CHAPTER 5: Temporary Happiness

71 4 0
                                    

Pikit-mata kong nilalanghap at pinapakiramdaman ang sariwa at may kalamigang hanging dumadampi sa aking pisngi nang bigla akong mapadilat dahil sa biglaang pagpatong ng kung anong bagay sa balikat ko.

Aren’t you cold? someone asked from behind kaya agad akong napalingon sa bandang likuran ko sa mismong pinanggalingan ng boses.

Agad na namilog ang mata ko nang sa paglingon ko sa aking likuran ay bumungad sa akin ang lalaking nakatabi ko kanina sa bus na siyang gumising sa ‘kin. Sinundan ko ito ng tingin hanggang sa makaupo ito sa tabi ko. Pero mas lalong namilog ang mata ko nang mapagtanto ko kung ano ang bagay na nasa balikat ko—it’s his jacket.

Oh‚ sh*t! Hindi pa pala ako nakakapagpalit. That’s why I’m cold.

So‚ you prefer to be alone in this falls. Aren’t you feeling lonely?” he asked out of the blue‚ trying to befriend me and iniate a conversation.

Agad na umarko ang kilay ko sa tanong ng katabi ko.

Why would I be? I prefer this way and this is what I called a true paradise‚ walang pag-aalinlangang tugon ko.

I see. Wait... Did I disturb you and ruined your moment? he suddenly asked as his eyes widened when he realized that he ruined my moment alone.

No. I don’t think so‚” sagot ko na taliwas sa katotohanan.

Agad na akong tumayo mula sa aking pagkakaupo at muli kong binalingan ng tingin ang lalaking katabi ko na masyado nang nagiging feeling close.

And besides‚ paalis na rin naman ako. So‚ this place is all yours‚” dagdag ko pa at maglalakad na sana ako palayo ngunit hindi ko na nagawa pang ihakbang ang paa ko nang pigilan ako ng kausap ko.

Wait‚” pigil nito sa ‘kin kasabay ng kaniyang biglaang pagtayo.

Salubong ang kilay ko nang muli kong ibaling ang tingin ko sa lalaking pumigil sa aking makaalis. Ngunit agad ding nawala ang pagkakasalubong ng kilay ko nang may maalala ako na maaaring dahilan ng pagpigil niya sa ‘kin nang tangkain kong umalis.

Oh. I almost forgot. Here’s your jacket.” Mabilis kong iniabot sa lalaking kausap ko ang jacket na kanina lamang ay nakapatong sa balikat ko na kaagad din naman nitong tinanggap. “Thank you for lending me your jacket. I have to gonagmamadaling paalam ko.

Sa nakikita ko sa ekspresyon ng mukha ng kausap ko ay tila yata may nais pa siyang sabihin at hindi niya inaasahan na aalis ako kung kailan naman siya dumating para samahan ako. Kaya naman ay halos lakad-takbo na ang ginawa ko para lamang agad na makaalis sa lugar na ‘yon sa kadahilanang ayaw ko sa presensya niya. Masyado siyang feeling close. Iyong tipong magtatanong siya at magkokomento sa ginagawa ko para lamang makapagbukas ng usapan sa pagitan namin.

Katulad nga ng sinabi ng gurong umaasikaso ng field trip ay agad na kaming dumiretso sa sunod naming destinasyon matapos naming mananghalian.

Habang nasa biyahe papunta sa aming destinasyon ay hindi ko maiwasang mamangha sa tanawin sa labas na tanaw ko mula sa bintana ng bus. Sa sobrang ganda nito ay namalayan ko na lamang ang sarili kong nakangiti at masayang pinagmamasdan ang mga tanawing aming nadadaanan. I must admit‚ I really love the nature.

Pagkarating namin ng Enchanted Kingdom ay kani-kaniyang takbuhan at hilahan ang mga kasama ko papunta sa mga ride samantalang ako ay mas pinili ko na lamang na pumunta sa isang sulok kung saan walang masyadong taong dumadaan para makinig ng musika sa phone ko.

Medyo madilim na nang umalis kami ng Enchanted Kingdom at bumiyahe pabalik sa kani-kaniya naming bahay.

Bandang alas nuwebe na nang makarating ako ng bahay. Nakapatay na ang lahat ng ilaw at tahimik na ang buong kabahayan sa village kaya maingat akong pumasok ng bahay. Maging sa pag-akyat ng kwarto ko ay ingat na ingat ako para hindi makagawa ng kahit na anong ingay na maaaring gumising kina mama.

Agad kong ibinagsak ang sarili ko sa kama pagkarating ko ng kwarto.

Ngayon ko lamang unti-unting nararamdaman ang pagod sa maghapon. Ang nakakapagtaka lamang ay bakit parang ang ilap sa akin ng antok. Hindi ko tuloy maiwasang alalahanin ang lahat ng nangyari sa araw na ito habang nakatitig sa kisame.

Habang inaalala ko ang mga nangyari sa araw na ito ay hindi ko maiwasang mapabuntong-hininga at matanong ang sarili ko kung masaya na ba ako na ang isa sa mga nakasulat sa bucket list ko ay nangyari na. And while thinking about it‚ all I could say was that... I guess I am not happy at all. Yes‚ I might have been able to smile and enjoy the trip‚ but that was all. It was just a temporary happiness. It does not last that long.

Pansamantala lamang ang kasiyahang naramdaman ko. And now that I am back to the place which I loathe the most‚ parang bula ring nawala ang lahat ng tuwa at saya na idinulot sa akin ng field trip. And it only mean one thing. Going on a trip is not the answer to my question and it is not the key to unlock my happiness. But still‚ I am grateful because even just for a day‚ I experienced how it feels like to be happy and to enjoy life.

A/N: Aww... Sad. Akala ko ‘yon na e. Ang arte naman kasi nitong si Mystika. Panay pa ang English. Makalayas na nga lang sa eksenang ‘to🥱 Annyeong🙋🏻‍♀️ Enjoy the remaining chapters of Mystika’s miserable life. Char!😂

Paano Ba Maging Masaya?Where stories live. Discover now