CHAPTER 8: Her First Heartbreak

80 5 2
                                    

3 months. 3 months nang kami ni Isagani. At sa 3 months na ‘yon ay naging masaya naman kami. Kaya lang ay unti-unting nagbago ang lahat lalong-lalo na si Isagani. He changed a lot.

Hanggang ngayon ay malinaw pa rin sa alaala ko ang huling naging pag-uusap namin.

Mys‚ naman. Boyfriend mo ‘ko pero wala kang panahon sa ‘kin. Naiintindihan kong abala tayo pareho sa pag-aaral natin. Pero sana naman ay maglaan ka pa rin ng oras para sa ‘tin‚ sa akin kahit kaunti. Hindi ‘yong parati na lang ako ang gumagawa ng paraan para magkasama tayo.

Ang mga katagang iyan ang sinabi ni Isagani noong huling usap namin. Naiintindihan ko naman siya. Pero sana naman intindihin niya rin ang sitwasyon ko. Nahihirapan din ako. Hindi madali para sa ‘kin na pagsabayin ang pag-aaral ko at ang relasyon namin lalo pa ngayong tambak ang paperworks namin since palapit na ang graduation.

Ngayon ko siya kailangan. Ngayon ko kailangan ang pang-unawa at suporta niya bilang boyfriend ko. Pero bakit parang dumadagdag pa siya sa problema ko? Ngayon lang naman ako nawalan ng oras sa kaniya. Ngayon ko lang hiningi ang pang-unawa niya. Pero bakit hirap siyang ibigay ito?

Kailangan ba palagi kaming magkasama? Kailangan ba palagi kaming magkausap? Kailangan bang sa kaniya lang umiikot ang mundo ko? E paano naman ‘yong pag-aaral ko? Paano ‘yong mga pangarap ko?

Argh! Bakit ba kasi ang hirap para sa kaniya na intindihin ako? Kung talagang mahal niya ako‚ hindi ba dapat naiintindihan niya ako? Hindi ba dapat sinusuportahan niya ako sa bagay na ‘to? Hindi ba dapat sinusuportahan niya ako sa mga pangarap ko? Pero bakit parang siya pa ang pumipigil sa ‘kin na abutin ang mga pangarap ko? Bakit siya pa ang humihila sa ‘kin pababa?

Sa mga nangyayari ay hindi ko tuloy maiwasang matanong sa sarili ko kung masaya pa ba ako. Dapat ko pa bang ituloy ‘to? O mas mabuting tapusin ko na ‘to?

Noong una ay naguguluhan lang ako kaya ako humingi sa kaniya ng space. Pero ngayon ay parang unti-unti na akong nalilinawan. Hindi na siya ‘yong lalaking minahal ko. Hindi na siya ang Isaganing nakilala ko. Hindi na siya ‘yong dating Isagani na malambing‚ understanding at supportive. Ibang-iba na siya sa Isagani na minahal ko. Masyado na siyang nagiging manipulative at demanding. Gusto niya palaging gusto niya ang nasusunod. Hindi na niya ako pinakikinggan. Unti-unti na ring nawala ang pagiging sweet niya. Kapag magkasama kami‚ palaging mainit ang ulo niya.

Minsan napapatanong at napapaisip ako kung ano na ang nangyari sa ‘min. Parang kailan lang‚ ang saya-saya pa namin at hindi kami mapaghiwalay. Pero ngayon parang siya na mismo ang lumalayo. Para ngang ginagawa niya na lang na dahilan ang pagiging busy ko para may maisumbat siya sa ‘kin at malipat sa akin ang sisi ng unti-unting pagkasira ng relasyon namin. Kasi kung iisipin ay nagkakaproblema na kami bago pa man ako maging busy sa thesis namin. Napapadalas kasi ang pagiging bossy niya. Gusto niyang parating siya ang nasusunod. Gusto niyang parati siyang iniintindi. Gusto niyang... Argh! This is too much! Ayoko na! I give up!

Nakakapagod nang intindihin siya. Nakakapagod nang mag-adjust para sa kaniya. I’m sick of everything! Now‚ I just want to end this! I want to set myself free. I want to start a new life and I don’t want him to be part of it anymore. I want him to be out of my life. I’ve had enough!

As soon as I made up my mind‚ I composed a message and sent it to him immediately.

Let’s talk. I have something to tell you. Let’s meet at the Cafe nearby in a minute. I’ll wait for you there.’

Hindi ko na hinintay pa ang reply niya at agad na akong dumiretso sa Cafe kung saan kami magkikita. At wala pa mang isang minuto matapos kong marating ang Cafe ay agad na rin siyang dumating.

Paano Ba Maging Masaya?Where stories live. Discover now