CHAPTER 1: Her Story

184 5 5
                                    

As soon as I get up‚ I did my morning rituals lazily. I am still sleepy so I was walking half asleep. I only had a more or less 4 hours of sleep. Tinapos ko pa kasi ang lahat ng homeworks at projects that was given to us this semester. It wasn’t that hard and difficult though. Sadyang marami lang talaga siya masyado kaya inabot ako ng ala una ng madaling araw.

Because I was like a zombie in my current state ay almost seven na akong natapos. I’m just glad na 7:30 pa ang first class ko for today kaya ‘di pa naman ako late.

Oh? Aalis ka na? biglang tanong ni mama nang mapansin niya ang biglaang pagtayo ko mula sa pagkakaupo ko at ang pagmamadali kong ubusin ang gatas na inihanda niya.

“Opo. Mahuhuli na ako sa klase ko. Kailangan ko nang umalis‚” I lied.

Like what I said‚ 30 minutes pa before ang klase ko at walking distance lang ang school mula rito sa bahay kaya malabong mahuli ako sa klase ko.

Ganoon ba? Hindi mo man lang ba uubusin ‘yang pagkain mo? Sayang naman. Maraming nagugutom ngayon. Kaya kung maaari sana ay ‘wag tayong magsasayang ng pagkain. Saka ang mamahal na ng mga bilihin ngayon‚ mahabang litanya ni mama na ikinapikit ko na lamang nang mariin dahil sa inis ko.

Kay aga-aga e. That’s exactly the reason why I prefer to go to school as early as I could dahil iniiwasan ko ang ganitong scenario.

Ano ka ba naman‚ Beth! Matanda na ‘yang anak mo. Hayaan mo na siya. Saka ano bang pakialam mo sa mga kapwa nating pinoy na hindi makakain? E tayo nga hirap sa buhay. Iisipin mo pa ba ang ibang tao? iritang sagot ni papa kay mama.

Haist! Huwag mong sabihing magsisimula na naman sila sa bangayan nila? Hindi ba sila napapagod? E halos araw-araw na lang silang ganiyan. Kailan ba sila magkakasundo? O baka mas tamang tanungin kung magkakasundo pa ba sila?

Anak natin! Saka kaya lang naman tayo naghihirap dahil sa pagiging batugan mo. Idagdag mo pa ‘yang pagkababaero mo. E kung sana ginagamit mo ‘yang oras mo sa pagbabanat ng buto sa halip na nakikipaglandian ka sa kung sino-sinong babae‚ edi sana hindi tayo naghihirap ngayon. Edi sana...

Marami pang sinabi si mama na hindi ko na binigyan ng pansin. Tss. Makaalis na nga. Sigurado naman akong aabutin pa sila ng tanghali diyan sa bangayan nila.

Sa halip na makinig ako sa kakangawa ng mga magulang ko ay mas pipiliin ko pang pumasok na lamang sa klase ko. At least in school‚ I’m at peace.

So‚ I guess you already have the idea how messed up I am. How messed up my life and our family is. Yeah. We’re not a perfect family like what you saw on TVs and in fairytales. My family is a total mess and so I am. Yes. I’m a mess. I really am. I don’t know where I belong. I don’t have any idea where I should be. All I know is that I’m not supposed to be here. I am not supposed to be in this world. I am not supposed to live. My existence was unexpected. My existence was a big mistake. It was all a mistake!

My parents do not want me and did not plan to make me part of their lives. They don’t even love each other to begin with. They did a mistake once in their life and that’s what brought them together. And that mistake was none other than me.

Isa lamang akong bunga ng isang napakalaking pagkakamali. They were both drunk and were subconscious when they did such thing. Napilitan lamang din si papa na panagutan si mama dahil wala siyang pamimilian. Itinakwil ng mga magulang niya si mama dahil sa nangyari. Hindi naman maatim ni papa na pabayaan si mama lalo pa’t siya ang ama ng dinadala nito. Idagdag mo pang maging ang mga magulang ni papa ay pinilit at pinakiusapan siyang gawin kung anong tama dahil wala raw sa pamilya nila ang tumatalikod sa responsibilidad.

So‚ me‚ being an outcome of a mistake was the most unfortunate thing that happens to me. Pero kung iisipin‚ my existence itself is something that I shouldn’t be grateful at so I cannot consider myself fortunate for being able to see the world and being able to live this far. But what really annoys me the most is the fact that in my everyday life‚ I was reminded of these truths every time na may tumatawag sa ‘kin. I don’t want anyone to call me nor even just mention my name. Simply because the name Mystika reminds me of my parents mistake‚ which is apparently‚ me. Sa dinami-rami ba naman kasi ng pwedeng ipangalan sa ‘kin‚ bakit ‘yan pa?

Minsan tuloy gusto ko na lamang lumayo at maglayas para pumunta sa isang lugar kung saan walang nakakakilala sa ‘kin at walang nakakaalam ng pangalan ko. Sa lugar kung saan pwede akong mamuhay nang normal kagaya ng ibang kabataan. Sa lugar kung saan walang magpapaalala at magpapamukha sa ‘kin na isa akong bunga ng pagkakamali. Sa lugar kung saan posibleng mabago ang buhay ko. At higit sa lahat‚ sa lugar kung saan pwede akong maging masaya.

Pero paano nga ba ang maging masaya? ‘Yan ang tanong na matagal ko nang itinatanong sa aking sarili. Tanong na ngayon ay hahanapan ko na ng kasagutan‚ hoping na masagot ko nga siya. In that way ay baka sakaling magawa ko pa ring maging masaya despite of my current situation.

All I wanted is to be happy! I want to experience that happiness that my parents refused and failed to gave me. I want to find that happiness on my own. So I’m going to find a way to taste that happiness that I long for whatever it takes. I’ll find it no matter what.

A/N: Kung may something man na hindi malinaw sa inyo regarding this story‚ feel free to message me or you can just comment it below. It is my pleasure to help you understand every detail of this story. So don’t be shy or anything. Approachable po ako basta matino lamang kayong kausap at malinis ang inyong intensyon.

Paano Ba Maging Masaya?Where stories live. Discover now