CHAPTER 11: Trying To Make Things Better

81 2 0
                                    

Today is my birthday‚ and like what mom has promised‚ she’s trying to make things up. She made a reservation in a fancy restaurant for our lunch. She also made a reservation in a salon and bought a movie ticket for the three of us. She also mentioned that before heading to the movie theater‚ we’ll do some shopping first. Kaya kahit na tinatamad pa akong bumangon ay pinilit ko pa ring imulat ang aking mga mata at salubungin ang nakakasilaw na liwanag ng araw na tumatagos mula sa nakasarang bintana ng kwarto ko.

Kahit inaantok pa ako ay pikit-mata pa rin akong naglakad papuntang banyo para maghilamos at maligo na rin after preparing my clothes.

After half an hour ay natapos na ako sa morning routine ko kaya agad na rin akong bumaba para mag-almusal. Ngunit nasa may hagdan pa lamang ako ay bigla na akong natigilan nang may mapansin ako.

Inilibot ko ang tingin ko sa apat na sulok ng bahay‚ only to find out that I was right—nobody’s around. No wonder ang tahimik ng buong bahay at walang regalong bumungad sa ‘kin pagkabukas ko ng pinto ng kwarto ko. But the question is‚ where are they? It’s past 9am and they are supposed to be here‚ because like what I said‚ they made a reservation in a restaurant and we should be there before 12noon.

Tsk! Don’t tell me na nakalimutan nila? Tss! What a shame!

So‚ since mag-isa lang naman ako ngayon sa bahay dahil mukhang hindi tuloy ang plano namin for this day ay minabuti ko na lamang na pumuntang kusina para sana ipaghanda ang sarili ko ng almusal‚ slash tanghalian. Pero bago pa man ako tuluyang makatapak sa loob ng kusina ay sinalubong na ako ng dalawang magkasabay na putok ng confetti at ang laman nitong pira-piraso na nagkalat na sa mismong kinatatayuan ko.

HAPPY BIRTHDAY!

Nang marinig ko ang sigaw nina mama’t papa ay doon lamang nag-sink in sa akin ang lahat. Kaya naman ay dali-dali kong inilibot ang tingin ko sa bawat sulok ng kusina. May tarpauline sa mismong dingding sa tapat ko hindi kalayuan sa akin kung saan nakalagay ang mga katagang ‘HAPPY 19th BIRTHDAY‚ MIKA!’ with my picture on the left side. May balloons din sa magkabilang gilid nito at maging sa mga dingding at sa sahig ay nagkalat ang mga lobo. Sa ceiling naman ay may mga nakadikit na lobo na may curly na design sa dulo.

Habang iginagala ko ang tingin ko sa buong kusina ay nahagip ng mata ko ang medyo may kalakihang bilog na mesa sa pinakagitna kung saan may mga nakahaing agahan na akala mo ay bibitayin ang sino mang kakain sa dami nito.

Did they prepare all of this? wala sa sariling tanong ko sa aking isipan.

Is this a dream? If this is a dream‚ then I don’t want to open my eyes and wake up. I want to live in this dream.

Sa buong buhay ko ay ngayon lang sila nag-effort ng ganito. Ngayon lang nila pinaramdam sa ‘kin na special ang araw na ‘to and it’s worth celebrating for. Buong buhay ko kasi ay pakiramdam ko ay ayaw nila sa ‘kin at kasumpa-sumpa ang araw na isinilang ako. But now‚ tila ba ay unti-unti nang nawawala ang pakiramdam na ‘yon. Pero syempre‚ ‘yong sama ng loob ko sa kanila‚ hindi basta-bastang mawawala ‘yon dahil lang sa ginawa nilang ito. Hindi madali ang makalimot at magpatawad lalo pa kung hindi pa nawawala ang sakit at hindi pa tuluyang naghihilom ang sugat.

Agad akong napabalik sa kasalukuyan nang maramdaman ko ang pagdampi ng mga labi nina mama’t papa sa magkabilang pisngi ko.

Happy birthday‚ ‘nak‚” they greeted me.

T-Thanks‚”  nag-aalangan kong tugon.

Hindi ako sanay na ganito sila—iyong sweet at thoughtful. Nasanay na rin siguro ako na wala silang pakialam sa ‘kin.

Paano Ba Maging Masaya?Where stories live. Discover now