FOREWORD

182 6 0
                                    

     “Paano nga ba maging masaya?

Iyan ang tanong sa ating isipan na hanggang ngayon ay hindi natin magawang mahanapan ng kasagutan.

Kapag ba nakangiti o nakatawa ay masaya nang maituturing?

Kung ‘yan lang din naman ang palatandaan ng pagiging masaya‚ paano naman iyong ibang mga nakangiti nga pero hindi naman abot hanggang tainga? Paano pa kaya iyong mga nakangiti kapag kaharap ng ibang tao pero lugmok na lugmok kapag nag-iisa na? Masaya pa ba silang maituturing?

Oo nga’t masaya tayo ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon. May mga pagkakataong bigla na lamang tayong mapapaisip at mapapatanong sa ating mga sarili ng:

Masaya ba talaga ako?

Masaya ba ako sa kung anong mayroon ako?

Masaya na ba ako sa narating ko?


Magiging masaya ba ako kapag nakuha ko na lahat ng gusto ko?

Ang sagot? Hindi ko rin alam. Pero katulad ninyo ay napapaisip din ako. Ito bang mga bagay na ito ang talagang makakapagpasaya sa akin? Ang sagot? Sabay-sabay nating aalamin.


A/N: It was a short update‚ right? Well‚ don’t expect too much from this story dahil hindi ito singhaba ng isang nobela. It only composed of 11 chapters. And since it only have few chapters‚ I am anticipating that you’ll take time to read this🥺 I assure you‚ it won’t take too much of your time. Baka nga matapos ninyo agad ‘tong basahin in just a day. So please‚ lend me some of your time. Just try to read this and you’ll ask yourself the same questions that was written above afterwards. But if hindi ninyo ito magustuhan‚ then you are free to stop. I won’t feel bad‚ I promise.

So‚ enjoy.

Paano Ba Maging Masaya?Where stories live. Discover now