075 | narration

492 12 18
                                    

【 ^ CHAPTER THEME: BUTTERFLY BY BTS (PIANO VER.)

Joyce's

Ginawa ko namang paypay ang dalawa kong kamay matapos akong ayusan ng mga maid ni Mark. Nagsa-start na yung party at wala akong ibang nararamdaman kundi kaba. Naka aircon naman ah pero bakit pinagpapawisan parin ako? Pumasok naman si Mark sa kwarto. Nakasuot naman siya ng suit na bumagay sa kanya. Silver yung theme naming dalawa kaya nag matchy2 kami.

"Nasa baba na sila. You ready?" kinagat ko naman ang ibabang labi ko. "Kingina naman, tinulungan lang kita kasi akala ko sisiw lang. Hindi ko naman inakalang aabot sa ganito."

Guilty akong tiningnan ni Mark saka hinawakan ang kamay ko. "We can really back out kung ayaw mo." umiling naman ako sa sinabi niya. "Ang layo na ng narating natin oh. At isa pa, mapapahiya ang parents mo."

Wala na siyang nagawa kundi tumango at umalis na kami ng kwarto. Bumaba naman kami sa hagdan. I breathed heavily. This is it Joyce, bahala na. Kapalan mo na ang mukha mo. Pagkababa namin, bumungad naman sakin ang maraming mga tao. All of them wearing elegant dresses and suits. They were looking at me. Ewan ko ba kung matutunaw na ako in no time sa mga titig nila eh.

Nilingon naman ako ng Mom ni Mark saka tumango. "Everyone, the beautiful and elegant girlfriend of the Lee's heir." pagi-introduce sakin ng event planner. Pumalakpak naman silang lahat. I smiled and bowed at them bilang pag-galang. Maya-maya pa, nagsimula naman ang kainan. Pinaupo lang ako ni Mark sa table habang siya naman ay kukuha ng pagkain para sakin.

Kami ay nasa unahan talaga kaya di masyadong makita ang ibang tao na nasa likod. Nasa gitna naman ay isang space na inilaan para sa isang piano. Nang matapos akong kumain, tinawag naman ako ng event planner.

"Since you are Mark Lee's soon to be wife, could you show us some of your talents? He mentioned before na marunong ka raw tumugtog ng piano. Would you mind?"

"Not at all." I replied and gave her a thin smile. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa gitna ng hall. The hall went silent for a second as their eyes were focused at me and only me. Tinanguan ko naman si Mark saka nagsimula nang tumugtog.

(she played the piano version of butterfly. please play the video)

Napapikit naman ako nang maalala ko lahat ng mga masasayang alaala ko kasama si Hyuck. Yung mga panahong diring-diri pa siya sakin kasi crush ko siya. Yung nilibre niya ako sa cafeteria nang walang rason. Yung time na inalagaan ko siya dahil may lagnat siya at masaya niyang kinain ang mga niluto ko para sa kanya. Yung confession niya noong birthday ko. Napangiti ako. Napaka-memorable talaga ng araw na yon. Yung itinakas niya ako mula kina Yang at Alexa at nag date kami sa horror booth.

Ang bilis. Ang bilis talaga. Hindi ko na namamalayang patapos na pala ang kanta kaya dumilat ako. Halos manigas ang buong katawan ko sa taong nakita ko. Hindi ako makapagsalita. Si Hyuck, siya ang nakita ko. He was dressed in a suit too, napaka-gwapo niyang tingnan. Pero naluluha siya. Para namang nabasag ang puso ko sa nakita ko. Tumulo naman ang luha niya at nagmadali siyang umalis.

I didn't even think twice and I left the scene. Nagmadali kong sinundan si Hyuck papunta sa garden nina Mark. Nakita ko siya sa may fountain na nakatalikod. Unti-unti ko siyang nilapitan at unti-unti ko ring naririnig ang mga hikbi niya.

"H-Hyuck...."

Hinarap niya naman ako and all I can see through his eyes was pain.

"Kaya ba lagi kang busy? Kaya ba hindi ka sumasama sa gala kasi busy ka kay Mark? K-Kasi....."

Hindi niya natuloy ang sinabi niya. Tumulo na nang tuluyan ang luha ko pero hinayaan ko lang ito.

"Kaya ba? K-Kasi ikakasal na k-kayo!?" pumiyok ang boses niya. Umiling naman ako sa kanya saka sinubukan siyang lapitan. "Hyuck maniwala ka, hindi kami ikakasal. Hindi ko ginusto to." I tried to explain but he wouldn't let me.

Itinabig niya ang kamay ko. "No! Don't fucking touch me." mapait siyang tumawa. "Seryoso ako sayo, Joyce. Mahal kita, alam kong alam mo yan. Pero sana naman wag kang magsinungaling sakin." pinahid niya naman ang mga luha niya saka naglakad palayo sakin.

Naiwan ako doon na nakatulala. What have I done?







𝘾𝙃𝘼𝙎𝙀 | 𝙡𝙙𝙝Where stories live. Discover now