035 | narration

794 30 24
                                    

Joyce's

Happiness is the only thing in my heart now. Masaya ako dahil birthday ko na! Like OMG, ang tanda ko na pala noh? At gaya ng dati, may handaan parin of course tyaka andito lahat ng mga amiga ni Mama tyaka nandito rin ang barkada ni Kuya Hanbin. Namiss ko sila kaya nilapitan ko. Mabilis naman akong nilapitan ni Kuya Yunhyeong tyaka niyakap ng mahigpit.

"Happy Birthday, Mojo Jojo!" kumalas naman ako sa yakap tyaka nginitian silang lahat. "Namiss ka namin ah! Ang laki mo na! Dati kasing-tangkad mo lang si Jinhwan, ngayon mas matangkad ka na kesa sa kanya." sabi ni Kuya Bobby kaya nakatanggap naman siya ng isang batok galing kay kuya Jinhwan. Nagtawanan naman kaming lahat dahil dun. Inakbayan naman ako ni Kuya Hanbin.

"Asan na mga kaibigan mo? Matagal pa ba sila?"

"Papunta na yon kuya, na-late lang ng gising."

And as if on cue, narinig ko ang tili ng isang dolphin. Alam ko na agad na andito na sila. Kuya Hanbin motioned me to go to them kaya ayun, mabilis ko silang pinuntahan.

When I oppened the door, isang malakas na sigaw ang natanggap ko. "HAPPY BIRTHDAY JOYCE KIM!!" sabay nilang sabi. Nakita ko naman na may bitbit pang tarpaulin sina Jaemin at Jeno. Si Chenle at Jisung naman, may dala-dalang mga regalo. Of course, Mark and Tuesday were here! "Oy Mamc, nagcacall si Floreane! Sagutin mo!" sabi ni Alexa sabay bigay ng phone niya sakin.

"Happy Birthday, gagitaaaaa!" pagbati ni sahig sakin. "Thank you! Akala ko nakalimutan mo na." she unbelievably looked at me tyaka umaktong nasasaktan. "You thought I forgot?! At bakit naman ha?"

"Joke lang hehe, busy ka na kasi eh."

"I would never ever forget your birthday. Tyaka ano ka ba, makakauwi rin ako diyan."

Naramdaman ko naman na naluluha na pala ako. "Hoy wag kang iiyak! Wag na wag kang iiyak gagita ka! Birthday mo ngayon tapos iiyak ka?"

"K-Kasi naman eh....." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko kasi naiyak na ako. "Hala, umiiyak na siya! Dali group huuuuugggg!!!" sigaw ni Renjun kaya mabilis nila akong niyakap. Ugh, I feel so lucky to have friends like them.

Pagkatapos ng drama, nag end call na si Floreane tapos pumasok na kami sa bahay. Nagulat naman si Mama nang makitang pugto ang mga mata ko.

"Hala nak, anyare sayo?"

Sumagot naman si Yangyang, "Nasorpresa po ata eh, HAHAHAHAHA!" nagtawanan naman silang lahat kaya pinagpapalo ko naman si Yang. Loko to! Inaaway parin ako kahit birthday ko!

I feel happy, very very happy. Pero bakit parang may kulang.

Ngayon, kumakain na kami ng Chanak City. It's currently 6 pm and were having a total blast! Halos mapuno ang dining area namin ng tawanan, but mostly Chenle's laugh. Ang ingay kasi ng dolphin na to eh! Mapapatawa ka nalang talaga.

I sighed. Hindi ba talaga siya makakapunta?

"Uy, bakit ang problemado mo?" tanong ni Yang sakin. Kumakain pa siya ng cake ngayon ha. Ewan ko ba, hindi sila nag-uusap ni Mamc ngayon. Busy kasi si Mamc kay Jeno. Panay tawanan nga yung dalawa eh. Siguro lasing na tong si Mamc.

"Huy, bespren!" pagtawag ni Yang sa atensyon ko. "Ano?!"

"Si Hyuck ba?"

Nilingon ko naman siya saka umiling. "Di noh! Bakit naman?" tinawanan naman ako ng ugok. "Sige sabi mo eh."   panunukso niya sakin.

"Ayy!!"

"Hyung wala akong makita!"

"Hala, nag brown-out ba?"

"Obvious ba, Jaemin?"

Agad ko namang hinanap si Yang pero wala na siya sa tabi ko. Ay tangena, nasaan na ba yung ulupong na yon? "Hoy punyeta wala akong makita!" pagrereklamo ko. Naramdaman ko namang may humila sakin pero hindi ko nga kilala kung sino. HALA BAKA KIDNAPPER TO!

"HOY! SAAN MO KO DADALHIN?! BITAWAN MO KO AH BAGO KO BASAGIN YANG BUNGO MO!"

"Tumahimik ka nga, ang ingay mo."

Natahimik naman ako sa boses na yun. Kilalang-kilala ko yung boses eh. Familliar masyado.

Nakalabas na kami ng bahay and to my surprise, nasa balkonahe pala kami sa may likod ng bahay. Favorite spot ko to sa tuwing nabobored ako or kung feel ko mag emote o kumanta. May sofa na kasi dito tyaka lamesa kaya pwedeng-pwede rin akong makatulog dito.

"Happy Birthday." nilingon ko naman ang kung sinong tumawag sakin at muntikan na akong tumalon sa gulat nang makita siya. Si Haechan.

"A-Anong....a-akala ko" ni hindi nga ako makapagsalita dahil sa sorpresa niya para sakin. There were light bulbs hanging above us, may mga regalo naman na nakapatong sa sofa but one gift caught my attention. Wag niyong sabihin na si Hyuck ah kasi alam ko namang sasabihin niyo yun pero hindi kasi yun. May baby pomeranian kasi na nasa cage na tumatahol sakin.

Kinuha ko naman siya sa cage. Ang kyut niya! Para akong natutunaw dahil sa cuteness ng asong to! Nanggigigil ako!

"Awww, hello babyyyyy, ang cute mooooo!"

Tumahol naman ang aso. "Simula ngayon, tatawagin na kitang Hani. Gusto mo ba yun?" again, tumahol naman si Hani na para bang sumang-ayon siya.

"Nagustuhan mo ba yung gift ko sayo?" tanong ni Haechan sakin. "Akala ko hindi ka na dadating." lumapit naman siya sakin saka tiningnan ako sa mata. "Akala mo ba palalampasin ko tong birthday mo na wala ako?"

"K-Kasi sabi ni Yang......"

"Gusto kitang i-surprise eh."

Ngumiti naman ako kay Hyuck but he hugged me. Nagulat naman ako sa sudden move niya.

"Gusto kita, Joyce."

Natigilan naman ako sa sinabi niya. "Ha?"

"Hakdoug."

"T-Teka, gusto mo ko? Ako?" sabi ko saka tinuro ang sarili ko. Tumango naman siya. "G-Gusto rin kita, Hyuck."

Tumawa naman siya, "Tanga, alam ko."

"Wow, nasabihan mo pa ako ng tanga! Gaga ka!"

Naputol naman ang pagbabangayan namin nang tumahol si Hani. At ayun, we spent the whole night together. Ito na ata ang pinaka-dabest na birthday na naranasan ko.




-----------

kim_joyce095 977 words for you! HAPPY BIRTHDAY ULIT MAMC! 💖




𝘾𝙃𝘼𝙎𝙀 | 𝙡𝙙𝙝Where stories live. Discover now