043 | narration

701 25 23
                                    


Joyce's


Pagkatapos ng first part ng pageant, agad kong pinuntahan si Mamc sa assigned dressing room nila ni Yang. Naabutan ko naman si Yuna na masamang nakatingin kay Mamc. Abugh, kita mo tong babaeng to! Bitter siguro to noh? Tinaasan ko lang siya ng kilay saka nag hairflip at pumasok na sa room. "Mamc, baka di ako makapagpigil at may masasakal akong babaita dun sa labas!" bungad ko kay Mamc na ngayo'y pinapaypayan ang sarili niya.

Kumunot naman ang noo niya sa sinabi ko. "Nako Mamc! Kapag si Yuna talaga mananalo, kakalbuhin ko yon! Grabe makatingin sayo kanina! Tusukin ko mata nun eh!" gigil na gigil akong nag-retouch ng mukha ni Mamc. Tinawanan lang niya ako.

"Huwag mo ng pansinin yun Mamc! Maiistress ka lang! Baka pumangit ka, hindi ka na magugustuhan ni Hyuck!" pang-aalaska ng gaga sakin. Pinandilatan ko lang siya saka lumayo ng konti sa kanya. "Oh ayan na mamc, you're glamorous again hihi. Galing ko talaga." proud na proud kong sabi sa sarili ko.

"Ang ingay niyo naman!" sabi ni Yang nang makapasok siya sa room. Pinandilatan naman siya ni Mamc ng mata kaya nagmadali itong umiwas ng tingin. At kelan pa to tumiklop pagdating kay Mamc? HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!

"5 minutes more and babalik na kayo!" sabi ng organizer ng pageant kaya nagmadali naman akong nagpaalam kay Mamc. "Chanak city fighting heyadwae!" pagchecheer ko sa kanilang dalawa. Naabutan ko rin si Renjun na nagreready na kaya agad ko siyang nilapitan at niyakap. Niyakap niya naman ako pabalik.

"Hindi mo alam kung gaano ko ka-need yung hug ngayon." sabi ni Injun nang kumalas ako sa yakap. "Kaya mo yan!! Ikaw pa ba?" nginitian niya naman ako. He ruffled my hair and I gave him a thumbs up. At nang makita ko si Yuna? Binigyan ko rin siya ng isang malupit na thumbs up pero ibinaba ko rin into thumbs down. Teka, meron bang thumbs down? Ah basta!

Bumalik naman ako kung saan naroon sina Lucas. "Ang kulit mo, Na Jaemin! Sabing ayokong makipagdate sa playboy eh!" at heto na naman tayo,  nagbabangayan na naman po sina Tuesday at Jaemin. "Sige na nga! Pero pupunta ka dito bukas ha?"

"Oo na! Kabanas ka, ang dami mong pakulo sa buhay!" sabi ni Tuesday at dumikit kay Jeno. Tiningnan ko naman siya pero nagkibit-balikat lang siya kaya umiling ako.

Naramdaman ko namang may umakbay sakin. Cologne pa lang alam ko na kung sino yun. "Stop minding abouth their lovelife. Sa atin ka naman mag focus, pwede ba baby?" wala naman ako sa mood para makipagbangayan kay Hyuck kaya isiniksik ko na lamang ang ulo ko sa balikat niya.

"Hoy bawal PDA dito! Strictly banned!" pagsaway ni Jisung sa amin. Binelatan lang siya ni Hyuck. "Teka, umamin nga kayo, may something ba sa inyo?" tanong naman ni Chenle pero alam kong ayaw namin sagutin ang tanong ni Chenle kaya nagkibit-balikat lang din ako.

Napasapo naman silang lahat sa noo. "Tangina niyong dalawa, wala kayong kwentang kausap." sabi ni Lucas pero tinawanan lang namin siya.

Maya-maya pa, nagsimula na ulit ang pageant hanggang umabot na kami sa announcing of winners ng Mister and Miss Intramurals.

"WOOOOOHHHH! YANGYANG AND ALEXA!!!! KAPAG HINDI KAYO NANALONG DALAWA MAGPAPAKALBO AKO!!!!!" sigaw ni Lucas kaya pinagtinginan naman kami ng mga tao sa likuran namin.

Nakita ko namang bumuka ang bibig ni Lele kaya tinakpan ko na ang tenga ko in advance. Mahirap na mga bes, masakit na nga sa tenga yung kay Lucas eh. Paano nalang kaya si Lele?

"WOOOHH!!!!! YANGYANG! KAPAG NANALO KAYONG DALAWA NI ALEXA, LILIGAWAN MO NA SIYAAAAAA!!!!"

We all waited for the final results of the pageant. Medyo naiinip narin kami, lalo na tong dalawang maiingay na to. "Ano ba yan! Ang tagal!" pagrereklamo ko. "Baby, patience is a virtue." sabi ni Hyuck. "Kapag hindi ka tumigil sa pagtawag sakin ng baby, di na talaga kita kakausapin." banta ko sa kanya.

"Kaya mo ba, baby?" panghahamon nito. "Oo naman! Are you trying to test me?" he chuckled and kissed my cheeks. "Akala ko ba di mo na ako kakausapin?" pinigilan ko nalang ang kilig ko saka iniwasan ang pagngisi niya. Argh!

"FOR MR. INTRAMURALS 20XX.....WE HAVE.....CONGRATULATIONS TO MR. LIU YANGYANG!" nagsigawan naman kami lahat nang i-announce ang pangalan ni Yang. Nakita ko namang hinalikan ni Yang ang pisngi ni Alexa. Aba tong ulupong na to! Chansing! Mga malalandooooooot!

Dumako naman kami sa Miss Intramurals. "AND NOW, THE RESULTS HAS COME! AND ANG ITINANGHAL NA MS. INTRAMURALS 20XX IS.....WALA NANG IBA KUNDI SI CANDIDATE NO.5! CONGRATULATIONS!"

Kung kanina sobrang naghihiyawan kami, ngayon naka-nganga lang kaming lahat sa sinabi ng emcee. "Ha?" nagtatakang tanong ni Tuesday. "Hakdoug." sabay naming sabi. Did he just say si Yuna ang nanalo?

"CONGRATULATIONS! THIS YEAR'S MR. & MS. INTRAMURALS ARE LIU YANGYANG AND―oh wait! May konting changes pala! I'm sorry super tanga ko talaga. Pero I'm sorry miss Yuna but unfortunately, hindi ikaw ang nanalo."

"ETO NA TALAGA! ANG ITINANGHAL NA MS. INTRAMURALS THIS YEAR AY WALANG IBA KUNDI SI CANDIDATE NO.4! MS. ALEXANDRA KIM!"

Nagsigawan naman kaming lahat nang i-announce na nanalo si Mamc! LIKE NANALO SILANG DALAWA NI YANG!

"She just got Columbia-zoned!" narinig kong sabi ni Mark. Nag-agree naman kami sa sinabi niya. Nagkamali daw sila ng pagcalculate ng scores. Lamang daw si Mamc kay Yuna ng one point.

"WAAHHH! IS THIS LIGAWAN I SMELL?"

"KISS!"

                        "KISS!"
                                                      "KISS!"

Hinalikan naman ni Yang ang noo ni Mamc kaya nagtilian kami. "Paking sheyt!" sigaw ni Jaemin saka hinawakan ang magkabilang pisngi niya. "Nakakabakla! Puta!" ani rin ni Jeno saka nagtatalon-talon. "Tanginaaaaaa! Kinikilig ako!" tili ni Hyuck sa tabi ko.

"Nababakla ka na ulit?" pagbibiro ko sa kanya. "Oo, sayo." sagot ito sakin.

"Utot." tanging nasabi ko pero kulang nalang mamula ako sa kilig.



  

𝘾𝙃𝘼𝙎𝙀 | 𝙡𝙙𝙝Where stories live. Discover now