051 | narration

585 18 8
                                    




CHAPTER THEME: WRITTEN IN THE STARS BY JOHN LEGEND AND WENDY

note: nagiging adik lang kasi ako sa narration these past few days kaya eto hehehe enjoy!!

Joyce's


Sinalubong naman ako ni Hyuck sa labas ng gate namin. Ewan ko kung anong trip ng lalaking to at pinapalabas ako ng bahay eh kakapasok ko lang diba? So ayun, nagpalit nalang ako ng damit. Usual hoodie lang tapos sweatpants tapos sapatos. "Ano bang trip mo sa buhay?" tanong ko sa kanya. "Ikaw, anong trip mo? Ikaw buhay ko eh." banat niya pero sinamaan ko lang siya ng tingin. Syempre kinikilig naman ang Mamc niyo pero dapat pa-hard to get muna tayo kahit nakuha na nga niya tayo.

"Osige magpapaka-dora na ako, where are we going?"

"Sa park ba tayo?" pag-aalok niya. Inobserbahan ko naman siya at ngayon ko lang na-admire ang mga actions niya para sakin. Like seryoso, akala ko di siya sincere eh. Mahirap naman kasing magtiwala diba? But looking back on all the things that he has done, parang binibigay ko na rin ang trust ko sa kanya slowly.

I found myself being dragged by Hyuck papunta sa park ng village namin. Napansin ko namang konti lang ang mga tao ngayon, kadalasan mga family lang na kasama ang mga anak nila. Ang happy tingnan omg.

Umupo naman kami sa monkey bar, doon sa taas talaga tyaka pinagmasdan ang langit. Nilingon ko naman si Hyuck at sakto namang nakita ko siya na nakatingin sakin.

"Magsabi ka nga, may gusto ka bang aminin sakin? Or you know, gusto mo ba akong makausap ng private?" tanong ko sa kanya. Nag shrug naman siya. "Gusto kita." tanging nasabi niya sakin.

Tinawanan ko naman siya. "Gagi ka, alam ko. Pero like may gusto ka bang ilabas?"

"Kailan natin sasabihin sa kanila?"

Oo nga noh, wala pa kaming planong sabihin sa kanila ang tungkol samin. Alam ko namang nakakahalata na sila pero still, hindi pa kami umaamin. And I thought I said this relationship will be secret.

"Soon? If ready na tayo. Isipin mo, pagpepyestahan tayo kapag umamin na tayo. Chismis na naman."


"Does it even matter?"

I stared at him a few seconds before answering. "For me it does. Aamin rin tayo real soon. Tamang hintay lang." nginitian ko naman siya at ganon din siya sakin. Sumandal naman ako sa balikat niya saka tiningnan ang langit.

"Ang galing kong mamili ng time of the day noh? Ang daming stars." narinig kong sabi ni Hyuck. "Proud na proud ka naman."

Nilingon niya naman ako saka nginitian. All I felt was pure happiness and satisfaction at that time. Biruin mo yon, hinahabol ko lang siya dati pero ngayon nakuha ko na siya.

And all of a sudden, nag play naman yung kanta ni Wendy at John Legend na Written in the stars. Hinanap ko naman kung saang lupalop yun nanggaling pero sa isang bahay pala na malapit lang sa park. Grabe, napalakas ata yung speaker ah. Background music na namin yan.

"Joyce."

"Hm?"

"I love you."

Akala ko ang music lang yung malakas, yung tibok ng puso ko rin pala.






𝘾𝙃𝘼𝙎𝙀 | 𝙡𝙙𝙝Where stories live. Discover now