041 | narration

752 23 15
                                    




Joyce's




"Babyyyy, wake up." naaninag ko naman si Haechan na parang tinatawag ako. We were in a garden and I saw him standing right infront of me. "Ang hirap mo naman gisingin." anong sinasabi ng baklang to? Eh gising na kaya ako! "Hahalikan ba kita? Wag na nga lang! Baka iwasan mo na naman ako."

Teka―ba't parang totoo? Idinilat ko naman ang mga mata ko at nakita ang mukha ni Haechan na malapit si mukha ko. Almost centimeters na! Mabilis ko namang hinawakan ang magkabilang pisngi niya. "Totoo ka ba?" tanong ko sabay himas sa mukha niya. "A-Awraaayy, oo naman!" daing niya.

"Weh? Talagaaaa? Sabihin mong nananaginip lang ako!" sabi ko sabay kurot ng dalawang pisngi niya. "A-Awraaayy huhu, hindi ka nga nananaginip! Ako to!"

Inalis ko na ang mga kamay ko sa mukha niya. He rubbed his cheeks. "Ang sakit ha." nakonsenysa naman ako sa ginawa ko kaya hinawakan ko ulit yung mukha niya, but gently this time. "Saan yung masakit?"

"Dito oh." turo ni Hyuck sa kanang pisngi niya. Hehehe alam kong medyo malandi to pero bahala na nga. I gently kissed his cheek before kissing the other side. Tapos naman, hinalikan ko rin yung tungki ng ilong niya. Nakita ko kung paano mamula ang buong mukha ni Hyuck sa ginawa ko kaya hindi ko napigilang matawa.

"T-Tara na, kain na tayo sa baba." naiilang na tawag sakin ni Hyuck nang makabangon na ako mula sa pagkakahiga ko. He scratched the back of his nape at nagmadaling bumaba. Naiwan akong nakangiti saka nag fist bump sa hangin. Tangina, nagmumukha na akong baliw dahil kay Hyuck.

hours later......

"Mamc, tingin ka sa salamin." sabi ko kay Mamc matapos kong maayos ang make-up niya. Minake-upan ko lang siya in advance kasi maya-maya magsa-start na yung cheerdance competition eh. "Hala Mamc, para akong si Valak!" pinalo ko naman siya. Aba, obra maestra ko kaya to tapos icocompare ba kay Valak?! "Gaga ka, Mamc! Ang ganda mo kaya! Made by Joyce Kim, oha oha." sabi ko saka proud na ngumiti.

Pumasok naman si Yangyang sa dressing room kasama si Haechan. Awtomatikong nalaglag ang panga ni Yang nang makita si Mamc. Hala ang ulupong, nastar-struck ata kay Mamc. HAHAHAHAHAHAHA LAPTRIP!

"What the―"

"Naks Alexa, naging babae ah." sabi ni Haechan. Tinaas ko naman ang kamao ko kay Hyuck kaya nag peace sign naman ito. "Pangit mo, Sandra." narinig kong asar ni Yang kay Mamc. "Aba'y gago to! Mas pangit ka ulupong!" sigaw ni Mamc.

'Tong dalawang to talaga eh! Kahit saan, palaging nagbabangayan!

"Oh ano Mamc? Okay na ba tayo? Ready ka na?" tanong ko kay Mamc. Tumango naman ito. "Whoo! Kaya ko to!" sagot niya sakin saka nagwarm up. "Sige Mamc, iiwan na namin kayo ni Yang dito ah? Fighting heyadwae!!!!"

"FIGHTING HEYADWAE MAMC!"

Lumabas naman kami ni Hyuck sa dressing room saka naglakad na papunta sa field kung saan magpeperform kami. Nakabihis at nakaayos narin ako't lahat. Maya-maya pa, tinawag naman kami ng emcee kasi kami na daw yung sasayaw. Narinig ko naman si Chenle at Lucas na sumigaw ng "CHANAK CITY FIGHTING HEYADWAE!" like paano?! Ang lakas talaga ng mga boses ng dalawang to! Pero buti nalang may taga-cheer kami hehehe.

Hinawakan naman ni Hyuck ang kamay ko. His hands are shaking kaya nilingon ko siya. "Okay ka lang ba?" tumango naman siya. Lumapit naman siya kasi may ibubulong daw siya sakin pero instead, hinalikan niya lang ang pisngi ko saka dumiretso na sa formation niya.

ABA NINAKAWAN PA NIYA TALAGA AKO NG HALIK!

Nilingon naman ako ni Jaemin. He mouthed 'Goodluck kiss' sabay kindat.  Loko-loko rin tong ugok na to oh. Umiling nalang ako saka inihanda ang sarili ko. And then the music played.




𝘾𝙃𝘼𝙎𝙀 | 𝙡𝙙𝙝Where stories live. Discover now