032 | narration

712 26 4
                                    

Joyce's


Nag message naman si Mark na susunduin niya ako ngayon para pumunta sa school. Start na ngayon ng super duper convincing acting namin. Alam kong hindi magiging madali to dahil alam kong pagchichismissan kaming dalawa ni Mark. Alam kong sandamakmak na bashers ang aabutin ko dito pero gusto kong tulungan si Mark. Kaibigan ko yun eh. Besides, who would want to be married to a random girl he's not inlove with? Diba wala?

The only thing that is holding me back is Hyuck. Parang ayokong umakto na may kami ni Mark kasi ayokong makita niya. Baka magbago na yung turing niya sakin eh.

Nang makarating kami sa school, tinanong naman ako ni Mark. "Ready ka na?" tinanguan ko naman siya. "Bahala na." tinawanan niya lang ako saka hinawakan ang kamay ko. Syempre wala akong naramdamang kakaiba kasi magkaibigan lang naman kami. Pero wala nga ba?

Nang dumaan kami sa hallways papunta sa room ko, kasi sabi ni Mark na ihahatid niya ako sa room, samut-saring bulungan ang narinig ko. But mostly it was bashing.

"Sila na? Mygosh, nakita ko pa nga sila ni Hyuck na magkasama nung isang araw eh!"

"Baka tino-two time sila gurl!"

"Malandi!"

"They won't last that long, hindi naman siya type ni Mark oppa eh."

"She's not his ideal! Ano yan, change of heart? Come on!"

Napatawa nalang ako sa isipan ko. Hayy kung alam niyo lang. Nang maihatid ako ni Mark sa room, sinabihan niya naman ako na sabay kaming mag lunch mamaya. Syempre pumayag ako. Todohang acting na to! Wala nang pero-pero.

"Osya sige na punta kana sa room mo. Baka ma-late ka pa." sabi ko. He gave me a flying kiss and went on his way. Ay infairness ha! Nagflying kiss na siya. Pinag-praktisan niya ata tong mabuti eh. Napailing nalang ako saka pumasok na sa room, only to see all of them looking at me.

"What?"

"Kayo na?!"

Umiling naman ako at napa-'ahh okay' silang lahat. Umupo naman ako sa tabi ni Alexa na may masamang tingin sakin. Eto na nga bang sinasabi ko eh, papatayin ako ng gagang to ng mga tanong.

"Mamc, walang kami ni Mark okay? Basta, malalaman mo rin kung para saan yun."

"Sigurado ka mamc ha? Ayokong may tinatago sakin."

I hesitantly nodded and smiled at her. Akala ko nakatakas na ako sa kaba, pero hindi pa pala. Hindi ko sinasadyang lingunin si Hyuck. It's like my eyes are finding him. Pero malas lang kasi at tinitingnan niya ako na para bang may pagdududa.

Siguro nga gusto pa niya si Mark noh?




𝘾𝙃𝘼𝙎𝙀 | 𝙡𝙙𝙝Where stories live. Discover now