DEPRESSION

44 1 2
                                    

•DEPRESSION•

Maraming nakaranas ng salitang ito.
Yung tipong di mo na kaya,
At gusto munang maging malaya.
Yung tipong ayaw muna,
Kasi nasasaktan kana.

Lately nagiging matamlay,
gumigive up sa buhay.
Handa ng mamatay,
kasi wala ng kadamay.

Sa pagsalo ng mga problema,
At iba pang bagay.
Alam ko anong feeling non, sapagkat napagdaanan ko din noon.

Yung tipong ang sarap umiyak.
Gusto ko na ng payak.
Yung tipong pagod kana.
Sa kakaisip ng solusyon.

Para maalis ang mga
Hinanakit at sakit
Dulot ng pag iisip.

Yung tipong napapaisip ka,
'MAY MAKAKAMISS BA SAKIN PAGNAMATAY NA AKO?'
Sa linya na yan
Madami diyang nabubuhay na tao.
Yung tipong nagbabakasakali,
Na may magtanong
Kung 'OKAY LANG BA AKO?'

Kahit di mo alam
Na madaming nagpaparamdam,
may mga tao din
Na tinatanong ka
Kahit sila na ang may alam.

Yung tipong tinatanong ka lang
Para maibsan ang mga hinanakit
At sakit na dulot ng depression.

Pero kahit ganun paman
Wag mong hahayaan
Ang iyong sarili
Na makulong sa nakaraan,
Huwag mong balikan
Ang alaalang nakakasakit
Sayo ng lubusan.

Matuto kang maging matapang,
Harapin ang bukas
Ng walang anumang pag aalinlangan.
Matuto kang maging masaya,
Kahit sa malilit na bagay lamang.

Matututong tumawa
Kahit ang mundo ay madaya.
Matutong mahalin ang sarili,
Bago ang iba
Kasi ikaw lang ang makakapagbago
Ng itong tadhana.

Matuto kang tumanaw sa Diyos,
Dahil mahal ka niyang lubos.
Huwag mong hayaan
ang iyong sarili
makulong sa Kadiliman.

Pumunta ka sa malapit
Na ilaw,
upang iyong matanaw
Kung gaano kahalaga
Ang buhay na iyong unti-unting nilulusaw.❤️

TULA PARA SA LAHAT❤️Where stories live. Discover now