Chapter 19: Babae

En başından başla
                                    

Umiyak ako.

Hindi ko alam kung gaano kabilis lumipas ang dalawang taon. Pinag-patuloy ko naman ang aking pag-aaral at malaking chamba naman na pumapasa ako. Sa umaga, ganon. Sa gabi, kung hindi man ako kasama ni Zombie sa gig nila ay mag-isa ako sa bar. Nag-iinom, nag-lalasing, nam-bababae.

Isang beses non, niyaya ako ni Zombie na sumama sa kanilang gig. Pumayag naman ako dahil tutal, wala naman akong ginagawa at hindi ko talaga ugali ang mag-aral. Sanay na naman ako sa gig nila, tatayo lang ako don, iinom. Dun ako natutong mam-babae, pero wag n’yong pag-hinalaan ng masama si Zombie, ako ang may kagusuthan non. Siguro, dahil sa uhaw ko sa laman na halos linggo linggo kong natitikman kay Maya.

May isang babae. Medyo kulot ang buhok, mahahabang pilikmata, mapupulang labi. Hindi ko tanda ang pangalan n’ya pero s’ya ang katabi ko matulog nung gabing yun. Sige, nasarapan ako pero hindi tulad ng kay Maya. Hindi ko alam ang kulang, pero may kulang. Hindi ko alam.

May isang babae. Straight ang buhok, asul ang mata, pula rin ang labi at nag-hahabaan rin ang pilikmata. Hindi ko tanda ang pangalan pero isa rin s’ya sa mga nakatabi ko sa mga gabing sinasama ako ni Zombie sa gig, oh baka isa sa mga babaeng nakakatabi ko rin pag mag-isa ako sa bar at nam-bababae mag-isa. Nasarapan rin ako pero may kulang parin. Hindi ko parin alam.

Dumaan ang ilang babae. Apat, lima, walo. Hindi ko na mabilang. Hanggang sa tinamad na ako. Sumasama na pa rin ako sa gig nila Zombie. At part-time rin akong nag-susulat ng mga lyrics nila, dalawa kami nung isa pang lyricist, si Samano, drummer nila. Minsan, nagkakatuwaan kami dahil medyo daw magka-iba ang tingin namin sa musika. Bagay na nirerespeto namin sa isa’t isa.

Paminsan minsan ay tinatawagan ko si Heav upang kamustahin si Jasmine na malusog naman daw. Minsan, dumadalaw rin ako. Isang beses, hindi ko alam pero may isang kahihiyan akong ginawa.

Pumunta ako sa bahay nila Heaven nun at walang tao sa kanila kundi s’ya. Samahan ko daw muna s’ya at pumayag naman ako. Nag-kwentuhan kami ni Heaven buong gabi. Suot n’ya ang lagi n’yang suot. Shorts... na nagpapakita ng kalangitan ng legs nya at sando na ano... ano talaga. Kinuwento n’ya na nag-hiwala na daw sila ng boyfriend n’ya pero hindi naman daw s’ya gaanong masaktan. Dahil daw bago pa man mangyari yun ay inunahan n’ya na mag-move on ang kanyang kasintahan, dati.

Di pa man tapos mag-kwento ay hinawakan ko si Heaven sa hita, tinulak ng kamay kanang kamay ko naman ang kanyang balikat at handa na s’yang halikan. Ngunit, nakita ko, nakita ko ang mga mata ni Heaven, hindi man s’ya nag-pupumiglas ay tinigilan ko na ang balak. Napa-upo nalang ako, hinawi ko ang buhok ko ng dalawang kamay at yumuko.

“Anong nangyayari sayo?” sabi ni Heaven, imbis na galit ay pag-a-alala ang nasa boses nito. “Sabihin mo.”

Hindi ako sumasagot. Patuloy ang kahihiyan at galit ko sa sarili.

“Nasa bahay kita.” Sabi ulit ni Heaven, “kaya sagutin mo ako.”

“H-hindi ko alam....” mabagal kong sagot, “ang hirap...ang hirap sa dibdib.”

“May sakit ka sa puso?”

“Hin- Oo! Teka, ano ba yan, yung sakit sa puso na heart broken o yung pang-matanda?”

Napangiti si Heav, “Ikaw, ano nga ba? Teka, sabihin mong may girlfriend ka tapos nag-break kayo?”

“Eh kung oo?”

Tumawa si Heav ng malakas, rinig na rinig sa gabing mapanglaw.

“Imposible yun,” sabi n’ya habang nakangiti, “Imposible talaga.”

“Namatay kasi ang kaibigan ko.”

Napawi ang ngiti ni Heav, napatulala ito sa akin at sinabing, “Sorry.”

“Di mo naman kasalanan e.”

Hindi maka-imik si Heav.

“Gusto mo ba i-kwento ko?” sabi ko.

“Ang alin?”

“Ang kwento ng tao,” sabi ko ng napangiti naman ako, “Interestanteng tao.”

Tumango si Heaven at kinunweto ko ang kwento ni Maya. Pero hindi ko sinabi sa kanya na si Maya si Bob Ong, sinabi ko nalang na isa s’yang manunulat. Ngiti, sadface, ngiti, sadface, papalit palit ang expresyon ni Heav sa aking mga kinukwento. Hanggang sa huli ay nag-punas na s’ya ng luha gamit ang panyo at suminghot ng sipon na tutulo na dapat kung hindi ko pa sinabi.

“Ganon pala.” Sabi ni Heav, “Tingin mo ba, pag nag-talik tayo makakatulong ako sayo?”

Umiling ako.

“Ako rin.” Sabi n’ya, “Kahit kelan, hindi mo pwedeng paltan ang tao sa buhay mo. Mapapaltan lang siguro yung role n’ya pero yung naging experience n’yong dalawa ay hindi. Kaya kung magkikipag-talik ka sakin ngayon at mag-papadala ka sa LUST, niloko mo lang ang sarili mo. Hmmmm...”

“Bakit ka napatigil?”

“Hindi ko alam itatawag ko sayo e.”

“Basilio, Ibarra,.....” sabi ko, “Baka gusto mo namang subukan ang Crispin?”

“Hel.”

“Ha?”

“Hel kako, itatawag ko sayo.”

“Hel, yung sa norse myth? Babae yun e.”

“Alam mo Hel,”sabi ni Heav, “para ka nang kapatid sakin e. Kayo ni Million, naalala mo pa ba s’ya?”

“S’yempre naman.”

“Kung makipag-talik ako sayo ngayon, matutuwa ba si Sampaguita?”

“May boyfriend na ‘yon e.”

“Pero hindi parin s’ya matutuwa, lalo na kung ganun lang yung rason.”

“Hmn.”

“Si Kamiseta,” sabi ni Heav at biglang tumibok ang puso ko, “Isa ring biktima ng lustful na buhay. Matutuwa kaya s’ya?”

“Hindi.”

“Naalala mo paba sila?”

“Oo naman. Di ko malilimutan yung mga yon, pati ikaw.”

“Pati si Maya, wag mo kalimutan. Wag mo paltan. Ibaon mo sa puso mo ang mga naging pag-sasama n’yo at pulutan mo ng aral na pwede mong gamitin sa susunod pang mga pagsubok. Ang mga natitira mong ala ala sa kanya ay gamitin mong armas, hindi pabigat. Okay?”

Tumango nalang ako, nakangiti. Niyapos ako ni Heav.

“Oops,” sabi ko, “may ano..”

Sinuntok ako ni Heav sa balikat. “Sira ka talaga.”

“Salamat.” Nag-init ang pisngi ko sa hiya at kilabot.

“Wag nga...” sabi ni Heav, “Pag ako nag-kagusto sayo. Incest yun.”

Tumawa kaming dalawa. Tinawa ang aming gabi. Tinawa ko lahat ng nawalang tawa ko sa lumipas nga bwan hanggang umabot ng taon. Itinawa ko ang itatawa namin sana ni Million kung mag-kasama kami at nag-papahabol sa baranggay, itinawa ko ang sana ay pag-kukwentuhan namin sa ospital ni Sam, at itinawa ko ang mga biro ko kay Kamiseta. Mga kaibigan ko. Andito pa sila. Ang korni mang sabihin pero ganun talaga. Dumagdag pa ang sa isip ko ang dalawa ko pang kaibigang nasa Makati ngayon. Hindi pa tapos.

Hindi pa tapos ang kwento ko.

Umuwi na akong Makati. Yumapos na naman sa akin si Heav at ramdam ko na naman ang kaseksihan n’ya. Next time daw ulit kami mag-kukwentuhan, pag kumpleto na kaming tatlo nila Million.

Pag-dating ko sa bahay ay naka-ngiti na ako. Agad kaming nag-lasing ni Zombie sa alak at pulutan na hinanda ni Vampire. Nag-lasing kami hanggang malasing lahat ng ibong dumadaan sa amin.

Kinabukasan.

Tumawag si Heaven.

Masamang balita.

Uuwi na.

Pag-tapos ng dalawang taon.

Uuwi na.

Ang putangina.

Uuwi na.

Si Million.

Kwento ng TaoHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin