CHAPTER 17 - SHAMANS

Začít od začátku
                                    

"Naisagawa ko na ang ritwal at naigawad ko na sa inyong mga pisikal na katawan ang mga proteksyong kinakailangan nito laban sa mga nakaambang panganib na maaring idulot ng sinuman o kung anumang nasa paligid." Usal ni Monk Yu Shin na batid kong para sa aming tatlo.

Nakita ko namang trinatranslate din ni Jimin sa ibang mga members na walang wooden necklace ang mga sinasabi ng matandang monghe hanggang sa muli itong magpatuloy na magsalita.

"Hindi makakaramdam ng gutom at hindi madadapuan ng kahit anong sakit ang inyong mga tunay na katawan. Hindi din ito makikita ng sinuman kung sakaling may tao na pumasok sa inyong mga silid." Dagdag pa nito at trinanslate naman ulit ito ni Jimin kanila Hoseok, Taehyung at sa iba pang mga members na naroroon din.

So magiging invisible pala ang katawan namin. Amazing. Mukang makakahinga ako ng maluwag ngayon dahil kahit papaano walang mangyayaring masama sa katawan ko. 

"Ngunit..." Sambit muli ng monghe kaya naman biglang nagbigay atensyon naman ang lahat sa kanya at naghihintay ng kung anong susunod na lalabas sa kanyang bibig.

"Dalawa hanggang anim na buwan lamang magtatagal ang bisa ng iginawad kong ritwal kung kaya't kailangan niyo ng makahanap ng solusyon upang muli kayong makabalik sa inyong mga tunay na katawan sa lalong madaling panahon."  Paalala ni Monk Yu Shin sa aming tatlo.

Anim na buwan? Medyo matagal na panahon na siguro yon to figure out the solution sa halos imposibleng-maresolbang problema na to. Pero ang inaalala ko ay ang mga magulang namin nila Angel, mahaba man ang panahon namin ay di naman kami mapapakali because of the fact na once our parents find out na nawawala kami, siguradong hindi biro ang pag-aalala ang mararamdaman nila.

"Marahil ay nagtataka kayo kung bakit lahat ng mga kasama niyo ay nakikita na kayo ng malinaw sa dalawa nilang mata subalit wala namang kwintas ang ilan sa kanila." Sambit ni Monk Yu Shin na nagpatigil sa akin sa pag-iisip at dahilan upang muli kong ibaling ang atensyon ko sa kanya.

Nang sabihin niya iyon ay wala parin kaming imik tatlo nila Angel at Steph kahit alam naming kami ang pinapatukuyan niya, naghintay nalang kami ng mga susunod niya pang mga sasabihin.

"Nang kayo ay pumasok sa loob ng bilog na pinalilibutan ng mga pulang kandila na ito ay mas lalong lumakas ang inyong mga dungan o espirito dahilan para mas lalo kayong magliwanag na naging dahilan upang makita na kayo ng mga karaniwang tao kahit hindi suot ang kwintas." Usal niyang muli.

"Subalit, magdadala parin ito ng takot sa mga taong hindi nakakaintindi ng inyong kalagayan sapagkat nakakatagos parin ang liwanag sa inyong mga katawan at aakalain nilang kayo ay mga multo." Dagdag pa nito at mukhang tinutukoy niya ang mga taong makakakita samin maliban syempre sa bangtan na alam na ang sitwasyon namin.

"Kung kaya't dahil doon ay kailangan kong dagdagan ng kapangyarihan ang mga kwintas na kahoy na suot-suot niyo ngayon." Muli nitong sabi.

Ngayon ko lang napansin na kahit isa siyang koreanong monghe ay sobrang tatas niya managalog animo'y tumira siya sa Pilipinas ng matagal, di kagaya ng mga kagaya namin na pilipinong millenials na Taglish kung magsalita.

"Tatanawin ko yan bilang papuri mula sa iyo, Binibining Jerraldina." Sabi ni Monk Yu Shin sa akin na ikinagulat ko at samantalang naconfuse naman ang iba.

Oh gosh! Nakakabasa nga pala siya ng iniisip ng isang tao kagaya ng ginagawa kay Angel kanina. Iwas muna sa pag-iisip ng kung ano-anong-- ah basta. Haha!

"Hindi ko na nais tanungin pa kung anong hindi mo dapat isipin." Pagpapasikat pa muli ng matandang monghe matapos na mabasa ang iniisip ko na mas lalong nagpaconfuse sa bangtan at kanila Steph at Angel.

SERENDIPITY || The Adventures of My Astral BodyKde žijí příběhy. Začni objevovat