Chapter 24

137 15 1
                                    

Sweet moments from small things.


"Sasabayan mo ba akong kumain o hindi?"
mahinahon pero parang may pagbabanta nitong tanong.

"Sige." sagot niya at saka siya ngumiti para mapakalma din ang loob loob niya.

Kinuha niya ang upuan at nagsimula na ding kumain.

Tahimik lang siyang kumakain. Na-aakwardan kasi siya na dalawa lang silang magkaharap kumain.
Maya - maya, kumuha si Adam nang gulay at ipinunta sa plate niya.

Sinulyapan niya ito nang may pagtataka.

"Kumain ka nang gulay para sumigla ka. You look so pale." sabi ni Adam sa kanya.

Mukha kasing haggard ito dahil sa mga nangyare nitong nakaraang araw. May time na hindi siya nakatulog dahil sa pag aalala at paghihintay na magising noon para lang mapanatag siyang okay ito.

'Ang pangit ko na ba masyado para sabihin niya yon? Baka isang araw paalisin niya nalng ako dahil sa naiimbyerna na siya sa itsura ko'
Sa isip sip ni Violet.

"Aray!.." Nasapo niya ang kanyang noo.
Kinatok kasi ni Adam ang noo niya. Tulala na naman kasi ito.

"Kumain ka na hindi kung ano ano ang iniisip mo."

'Mind reader ba siya? Nababasa niya yata ang iniisip ko.'

Pinilig niya ang kanyang ulo para matigil na siya sa pag iisip nang kung ano ano at saka ipinagpatuloy na ang pagkain niya.

"How are you these past few days?" simulang tanong ni Adam.

"Okay lang naman. Sabi ng doctor, temporary lang daw ang amnesia ko."

Chineck kasi siya one time nung doctor at inassess ang kalagayan niya sa pagkakaroon ng amnesia.

"Kaya anytime, pwede nang bumalik ulit ang ala-ala ko. Pag nagkataon, malalaman ko na dinang tunay kong pagkatao. Pag nangyare yun, makakatulong na din ako sa inyo at hindi na ako magiging pabigat."

Makikita sa kanyang ngiti sa mukha na excited ito.

"Ah" tipid na sagot ni Adam.

"Pag ba bumalik na ang ala-ala ko, palalayasin mo ba ako?"  lakas loob niyang tanong. Curious kasi siya, better be prepared na lng sa kung anong pwedeng mangyare.

"You'll see." sagot lang ni Adam saka tumayo. Tapos na pala itong kumain. Samantalang siya, hindi pa nakakalahati sa kanyang kinakain.

"Next time, bring some vegetables, not meat. Damihan mo para madami kang makain."

'What? May next time pa?'


*******************



"Ehem. Ehem. Hindi man lang kami nainform, sa room na pala ni Adam ang bagong dining room."

Natigil siya sa paglalakad. Si John nasa likod niya lang. Pababa na siya ng hagdanan hawak ang mga pinagkainan nila ni Adam. Tinawanan siya nito.

"Xiao! Violet!" Ginulo ni John ang buho niya saka na ito umalis.

"Hayyyy. Aasarin na naman ako nun. Panigurado"


*****************

Adam was bored already. Nagiging okay na din ang katawan niya kaya minabuti niyang lumabas muna ng kanyang room.

Hindi rin siya masyadong nagwworry sa mga responsibilidad niya sa kompanya since meron naman sina Luke na bahala dito.

Nagpunta siya sa may veranda para magpahangin. Ilang minuto palang siyang nandoon nang mapansin niya ang garden. May kalayuan ito pero kitang kita pa rin niya ang mga matitingkad na kulay Lilang bulaklak na nandoon.

Inilibot niya ang kanyang mga mata sa paligid ng mansyon. Matagal na din niyang hindi napagtutuunan ng pansin ang paligid nito simula nung naging busy siya.

Maya-maya, natanaw niya si Violet na lumabas nang mansyon. Sinundan ng kanyang mga mata kung saan ito pupunta. Nagpunta ito sa hardin, diretso sa mga halaman na may kulay Lila ang bulaklak.

Napangiti ng bahagya si Adam.

'Is that what she's doing for these past weeks? Kaya pala lagi siyang nasa labas nang bahay. Hmmmm ' sa isip niya.

Wala pang minuto'y nagbago agad ang isip niya kaya napagdesisyunan niya nalang na bumaba.


*****************


Biglang napalingon si Violet nang marinig na may mga yabag nang mga paa na palapit sa kanya. Nakita niya si Adam na kararating lang sa likuran niya.

Napatayo siya at nagpagpag nang mga kamay. Nagtatanggal kasi ito nang mga damo na nakasingit singit sa mga tanim niya.

"Bakit ka bumaba? Hindi pa masyadong magaling ang mga sugat mo." pag-aalala niya.

"I'm fine." sagot nito saka nilapitan ang mga bulaklak. "Kelan pa 'to?"

"Ahm. Matagal na." kamot ulong sagot ni Violet.

Ang tagal na kasi ngayon lang napansin ni Adam.

"Actually, binili pa namin yan noong unang beses na lumabas tayo. A-ayaw mo ba?" tanong niya.

"No. They're nice... Specially the color."

Lumapit si Violet at kumuha ng lantang mga bulaklak. Pinagtatanggal niya ito sa mga tangkay niya at saka ikinalat sa lupa.

"What's that for?" pagtataka niya habang pinapanood si Violet sa ginagawa niya.

"Para dumami sila." sagot ni Violet

"San mo naman natutunan yan?" - Adam

"Hmmmm. Wala. Naisip ko lang."

Maya-maya, biglang pumatak ang malalaking butil nang ulan. Paisa - isa hanggang sa padami na nang padami. Tatakbo sana si Violet pero naisip niya si Adam. Hindi ito pwedeng gumalaw nang gumalaw nang pabigla bigla. Baka bumuka ang tahi nang mga sugat niya sa dibdib at sa braso.

Tumayo na siya para alalayan at sabayan si Adam. Ang pangit nga naman isipin kung tatakbo siya at iiwan niya ito doon.

"Mauna ka na." sabi ni Adam.

"Hindi na."

"Violet, I can walk by myself. Mababasa ka lang." pag iinsist din niya.

"Hindi. Sasamahan kita" sambit lang niya at di siya pinakinggan.

Sa pagtatalo nila, dumating na din ang mga tauhan ni Adam dala dala ang dalawang payong para sa kanila.

Papayungan sana nang nila si Adam pero kinuha niya ito at sa halip, si Violet ang pinayungan niya.

"Adam. Yung kamay mo." pag aalala ulit ni Violet.

Adam looked at her.

"Will you stop worrying about me. Mas mag-alala ka sa sarili mo. Baka hindi ko pa matupad yung pangako ko sayo."

Ipinatong niya ang kamay siya sa balikat nito at saka bahagyang inilapit sa kanya para hindi ito mabasa nang ulan.

Violet on the other hand feels uneasy.
Tinatanong niya sa sarili niya kung bakit tuwing malapit sa kanya si Adam, bumibilis lagi ang tibok nang puso niya.


******************

I'm so happy 😊
Sana kayo din. Please continue niyo sana ang pagbabasa sa story ko 😊

Salamat sa inyong lahat 😊

The Mafia Series: Adam (#RosesAwardsJune2019)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora