Chapter Twenty Two

Start from the beginning
                                    

"Now, let's talk." Seryoso niyang sabi bago humarap sa akin. Hindi ko siya pinansin, kinuha ko lang ang phone ko para madistract pero bigla niya iyong hinablot sa kamay ko.

"I said, we need to talk! Kaninang nag-tetext ako sa'yo, hindi mo ako nirereplayan ngayong magkasama tayo, hawak-hawak mo phone mo! Ginagalit mo talaga ako, Heena. You know me when I am mad, you really know me." Saad n'ya habang seryosong nakatingin sa akin.

"Bakit mo ba ako dinala dito?" Mahinahon kong tanong sa kanya pero sa totoo lang, nagwawala ang sistema ko dahil sa presensya n'ya.

"You really asking me that question? After ignoring me? You'll ask that fvcking question?!" Tumaas ang tono ng boses n'ya kaya biglang napakunot ang noo ko.

"Stop cursing! Kung anu-ano na lang nalabas d'yan sa bibig mo!" Naiinis kong sabi sa kanya. Bigla namang sumilay ang ngiti sa kanyang mukha.

I suddenly frowned, what the hell is his problem? Magagalit siya tapos bigla naman siyang ngingiti!

"You still care for me, huh." He said in a mocking tone. Bigla ko siyang tinignan ng masama.

"Bakit? Sa tingin mo ba wala na akong pakielam sa'yo? At bakit mayroon kang sigarilyo? Hindi ba't sabi ko h'wag kang maninigarilyo! Nakakainis ka na! Kapag hindi ako nakapagtimpi sa'yo, sasapakin kita!" Seryoso kong sabi. Pero para lang siyang walang narinig at mas lalo pa siyang ngumiti.

"Ano ba!" Naiinis ko nang sabi.

"Nagseselos ka ba kay Thalia?" Bigla n'yang tanong na nakapagpatigil sa akin.

"B—Bakit ako magseselos kay Thalia?" Sabi ko at tsaka ako nag-iwas ng tingin sa kanya.

"Wala, I just imagined that you are my wife and you're being jealous because I had a date with someone." He said while smilling broadly. Inirapan ko lang siya.

"Wife mo mukha mo!" Sabi ko sa kanya sabay irap.

"We're not yet done but this time, ikaw naman ang idedate ko." Sabi n'ya at tsaka n'ya pinaandar ang sasakyan n'ya.

Hindi na lang ako nagsalita at itinuon ko na lang ang atensyon ko sa mga dinaraanan namin.

"Talk to me." Narinig kong sabi ni Axcel habang nakatingin pa rin sa kalsada. Nilingon ko naman siya at nakita kong seryoso lang siyang nag-dadrive.

"What?"

"I said, talk to me. Aantukin ako kapag wala akong kausap." Sabi niya. Inismiran ko lamang siya. Bahala siyang antukin diyan.

Ayoko siyang kausapin dahil hindi siya sumunod sa gusto ko. Isa kasi sa mga pinag-usapan namin noon na ititigil na niya ang paninigarilyo pero hindi pa rin siya sumunod. Iniisip lang kasi n'ya ang nararamdaman n'ya at hindi ang nararamdaman ko. Hindi man lang niya inisip na magagalit ako kapag sumuway siya sa usapan naming dalawa. Gusto kong sigawan siya pero hindi ko magawa dahil nangingibabaw pa rin ang pasensya ko sa kanya.

"Sweetheart, talk to me." Malumanay n'yang sabi. Huminga ako ng malalim bago magsalita.

"Tell me, naninigarilyo ka pa rin ba kapag wala ako?" Diretso kong tanong sa kanya.

"No." Sagot n'ya.

"Bakit mayroon kang sigarilyo sa bulsa mo kung hindi ka na naninigarilyo?" Naiinis kong tanong sa kanya. Halatang nagsisinungaling siya at alam ko 'yon dahil kilala ko na siya.

Bigla naman siyang natigilan at hindi agad nakasagot sa tanong ko.

"N—Naiwan lang ni Travis 'yon noong nakaraang nakisabay siya sa akin." Nauutal niyang sabi.

"Axcel." Seryoso kong sabi.

"Oo nga! Naiwan n'ya lang 'yon sa sasakyan ko at balak kong—"

"I'm serious, Axcel." Mariin kong sabi.

"Okay, fine! Naninigarilyo pa rin ako para mawala ang stress ko pero hindi na ako madalas manigarilyo. Ngayon na lang." Saad n'ya. Hindi ko siya kinibo. Ayokong magalit sa kanya dahil sa napakababaw na dahilan, pero hindi ko mapigilang mainis kapag naiisip kong hindi siya tumupad sa usapan naming dalawa.

"I'm sorry, hindi na ako uulit." Dagdag pa niya.

"Akala ko ba nagkaintindihan tayo? Hindi ba't sinabi ko na sa'yo noon na h'wag kang maninigarilyo? Mahirap bang intindihin 'yon, Axcel? Kapag ba ibang tao ang nagsabi sa 'yong h'wag manigarilyo, susunod ka? Siguro kapag si Thalia ang nagbawal sa'yo, susunod ka agad. Siguro kapag siya ang—"Bigla siyang nagpreno sa gilid ng kalsada kaya napatigil ako. Kung wala siguro akong seat bealt, marahil ay sumubsob na ang mukha ko sa harapan. He suddenly looked at me and I met his fierce stares.

"Will you stop talking about her?! Hindi ka man lang ba nagseselos sa kanya?! Kaya mo bang isipin na mayroon akong kasamang ibang babae? Na mayroon akong ibang babaeng hinahalikan? O may iba akong babaeng mahal? Kasi ako? Hindi ko ata kayang maisip na may ibang lalaking lumalapit sa'yo o humahawak sa'yo. Na maisip ko pa lang na may lalaking malapit sa'yo, gusto ko nang pumatay. Kaya kapag tayong dalawa lang, tayo lang. Walang iba, ikaw at ako lang!" Hindi ako nakasagot sa biglang pagsasalita n'ya ng ganoon. Binalot ng nakabibinging katahimikan ang loob ng sasakyan at wala ni-isa sa amin ang nakapagsalita pero agad din iyong naputol ng magsalita siya.

"Damn, I don't know what I am saying." He said to himself. Itinikom ko na lang ang mga bibig ko at hindi na ako nagsalita pa.

He's right, he really don't know what he was saying and I really don't know what I am feeling right now. This is bullshit, this is all wrong. Alam kong kapag nagpatuloy pa itong nararamdaman ko para sa kanya, masasaktan at masasaktan lang kaming dalawa.

Pinaandar niyang muli ang sasakyan at wala nang nagsalita pa sa aming dalawa. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko kanina. Gusto kong malaman kung ano nga ba ang mararamdaman ko kung sakaling mayroong ibang babae sa buhay n'ya. Gusto kong malaman kung maapektuhan ba ako o hindi. Kanina, sabi niya na hindi n'ya ata kakayanin kung sakaling may ibang lalaki sa buhay ko. Hindi ko alam kung bakit n'ya iyon sinabi. Siguro dala lang ng galit niya at inis n'ya pero bakit isinisigaw ng isipan ko na hindi? Na dahil niya iyon sinabi ay dahil mahal niya ako.

Sa kanya na mismo nanggaling ang lahat. We do not need to take our relationship seriously. Humahanap lang kami ng tamang panahon, tamang oras, at tamang pagkakataon para sa lahat.

I know that we will just end up taking different ways in the end.

Naputol lahat ng pag-iisip ko ng biglang magsalita si Axcel na mas lalong nagpabilis sa tibok ng puso ko.

"Heena, I'm jealous."

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  


Just If (What If It's Love, Published Under Summit Media) Where stories live. Discover now