Chapter 43 Yes

2.2K 58 5
                                    

Haidee pov's

  Nakatingin lang ako sa kawalan nakabalik na nga pala ako dito sa bahay. Namimiss ko na tuloy si Elyrah gusto ko talaga s'yang puntahan pero kasama ako nina Gail dito. Pumikit ako narinig ko naman na umingit 'yong pintuan alam ko naman na si Gail lang 'yon tapos bigla na lang akong nakaramdam ng excitement. "Gail,doon ka na muna sa baba" wala naman akong natamong sagut kaya napamulat ako pero wala namang tao. Hindi kaya minumulto na ako –_–|| for real? "Gail?"nagulat na lang ako ng may dumamba mula sa aking likuran.
" What the h—"

"I miss you so much" she whispered tapos napalingun na lang ako sa kanya.

"Ely" bigla ko naman siyang niyakap kaya natumba kami. Isiniksik ko naman 'yong mukha ko sa leeg niya at nanaliti sa tayo namin. Hindi pa kami pero pwede naman 'to hindi ko naman siya hahalikan.



"Hindi ka man lang pumupunta sa bahay" himutok naman niya.




"May pasok naman tayo,ah kaya nagkikita tayo araw araw" giit ko naman.



"Kahit na namimiss kasi kita" napailing naman ako. Isip bata na naman siya hindi bagay sa mukha niya.




"Sagutin mo na kasi ako" natatawa ko namang sambit baka kasi gumana.




"Bakit?"




"Para araw araw na kita isasama"



"Ibabahay mo na ba ako?"



"Hmm,pwede rin kung papayag ka!"




"Baka mabuntis ako" napakunot naman ako. For real? Well sana nga lalaki na lang ako para nabuntis ko na siya pero nasa kanya naman kung magpapagalaw siya sa akin."...isa pa bawal naman,eh! Lagut ka kay mom"




"Pananagutan kita" iniangat ko naman 'yong mukha ko saka siya tiningnan.



"H-hangal ka" namumula naman niyang sambit kaya natawa ako. Umalis ako sa ibabaw niya at umupo sa tabi niya.



"Sina Gail nasa baba 'di ba?"



"Oo"




"Tara na sa baba" akit ko naman sa kanya.




"Ayaw mo bang nandito ako? Hindi mo naman ako namiss,eh! Nakakainis ka talaga" napailing ako saka siya nilingunan nakanguso na naman ito.



"Minsan talaga napakaisip bata mo"



"Bata pa naman ako,ah"



"Yeah!"



"Haidee..."



"Oh!"



"I...want to....kiss you right now" nakapout niyang sabi.




"Bawal yan naku bata pa ako" pabiro ko namang sabi.




"Matanda ka na,eh"





"Fine" nilingunan ko siya sa itinulak agad naman akong pumunta sa ibabaw niya. Honestly,I miss her soft lips the way  i kiss her unang halik na ibinigay ko sa babaeng nasa harapan ko. Hindi ko alam pero wala pa akong ibang kilalang Perez na into girls maliban sa aming dalawa ni Rae. Alam ko na nagulat siya pero agad ding ngumiti napaismid naman ako. Tiningnan ko ang mata niya tapos bigla naman niyang hinawakan ang mukha ko.






"ATE BUMABA NA DAW KAYO SABI NI MAMA KAKAIN NA DAW" mariin naman akong napapikit saka umalis sa ibabaw niya hinila ko naman 'yong kamay niya at hinawakan ang ulo niya.






That Girl Is Mine (Santillan Series #2)Where stories live. Discover now