Chapter 33 Iloveyou

2.2K 61 4
                                    

Haidee pov's

   I am Haidee Jave Perez 18 years old. Campus President in Harvel University and Queen bee. George Sandoval is my Ex-boyfriend in 3 years he is Campus Crush ultimate babaero. Minahal ko naman siya in 2 years pero niluko niya lang ako dahil sa mga babaeng yun. I give him a second chance pero ang panahon na 'yon ay lukuhan na lang. Tutul rin kasi si Mama sa relasyon namin dahil na rin magkalaban ang kompanya namin at kompanya nila. Akala ko nung una kami ang aayos sa alitan ng dalawang kompanya pero mali pala ako nang akala dahil kagaya lang niya ang mga magulang nila tapos may fiancé na pala.

Tumingin lang ako sa madilim na kalangitan matapos ang ilang araw naming pagsesemenar napag usapan na namin ang pagbalik sa pilipinas dahil na rin sa pandudumog kay Elyrah ng mga tao dito. Ngayon ko lang nalaman na sikat na sikat silang dalawa pati ako nadadamay kung isa rin daw ba akong model alam ko naman na maganda ako pero hindi ko pinangarap ang maging model.


"Ayos ka lang?"tanong niya sa akin saka ako tinabihan.


"Yeah!" sagot ko pero nanatili akong nakatingin sa mga bituin.


"Queenbee ka sa Harvel University hindi ba?" nilingunan ko naman siya nakatingin lang ito sa akin.


"For real"



"Pero bakit ang bait mo? Sa nakilala kong ibang Queenbee ginusto lang nila ang mga bagay na makakapagpabagsak sa kaaway o kalaban nila" nag iwas ito ng tingin natawa naman ako sa sinabi niya sa akin.


"Nangbully din ako noon pero hindi na ngayon dahil bilang President sa University dapat maging isang mabuting halimbawa ako"



"Mabuting Halimbawa?"sarkastiko niyang tanong kaya inirapan ko ito at tumingin na lang sa labas ng mansyon nila.


"Sa tingin mo ba masama pa rin ako?"


"Nambully ka parin naman"


"Hindi na ngayon"



"Nangyari pa rin 'yon" ano ba kasing pinaglalaban niya? Ay oo nga pala dahil naging biktima rin siya.


"Pinagsisihan ko naman 'yon" hinawakan ko naman ang kamay niya bigla kaya alam ko rin na ikinagulat niya iyon."Saka wala sa plano ko ang pumatay"natigilan naman ito saka ako hinarap nanatili namang hawak ko ang kamay niya.






"Pinsan mo si Kai 'di ba?" napakunot naman ako.




"Bakit nasali ang babaeng 'yon sa usapan natin?"nakasimangut ko namang tanong sa kanya." H'wag mong sabihin na cru—"



"Yes"




"WHAT?" react ko naman na ikinangiwi niya hinigpitan ko 'yong kapit ko sa kamay niya saka hinila palapit akin."That's true?"




"Yes, Kaya pwede bang bitawan mo ako?" kahit hindi ko kita halos ang kabuuan ng kanyang mukha alam ko na namumula siya. Ako kaya weakness niya.yieeeee.


'Kapal'








"Hindi pwede 'yon akala ko ba ako lang ang crush mo"




"M-may sinabi ba ako?" mas lalo ko pang hinigpitan ang kapit sa bewang niya at pigil hingang inilapit ang mukha sa mukha niya."A-ano bang ginagawa mo?"




"I want to kiss you"




"A-ano?" hiniwakan niya ako sa balikat saka lumayo."B-balak mo ba talaga kunin ang lahat?"tarantang tanong niya sa akin na ikinangisi ko naman bigla.





"Papayag ka ba?" mapangakit na bulong ko sa kanya. Kahit ako kinikilabutan sa ginagawa ko pero I like it naman. Mas gusto ko siyang mahalikan.



"H-haidee,A-ano ba?" anas na sambit niya kaya natawa na lang ako at binitawan siya pero mas lalo akong natawa dahil nahulog siya sa sahig.



"Goodnight" saka ko siya akmang iiwan sa terrace.



"ILOVEYOU" she shouted kaya naman natigilan ako sa paghakbang at nilingunan siya."...CANADA"




"Tsk" palatak ko saka padabog na pumasok sa loob ng bahay. I hate her talaga nakakainis.

---

Elyrah pov's


"I LOVE YOU" sigaw ko naman bigla pero bago ko pa sana ituloy tumigil at nilingunan ako."...CANADA"dugsong ko pa para makalusot sa katangahang sinabi ko.



"Tsk" saka siya padabog na pumasok ganti ko na din 'yon dahil ibinagsak niya ako. Pati na rin sa pagiging pafall niya kung umaasta man ako na paasa wala akong pake alam. I like this game at kung sasali siya magiging exciting kapag nafall ako ng tuluyan talo na ako. But honestly I'm already fallen matagal na akong talo.

Tumayo ako saka pinagpagan ang pwetan saka ngiting pumasok nakita ko naman na nakaupo lang siya at may binabasa. Napakaperfect niyang tingnan sa malayo lalo na sa malapitan napatingin ito sa akin saka ako dagling inirapan. Ano kayang mangyayari kung sabihin ko 'tong nararamdaman ko? 'Yong walang halong kalukuhan maging seryoso kaya siya? Pero nung sinabi niya kay Synder 'yong 'That girl is Mine' totoo kaya 'yon? O baka naglalaro lang siya bigla naman akong nalungkot.

Humiga na siya at inayos ang tayo ako naman umupo lang muna sa gilid ng kama at tiningnan ang aking facebook account hanggang sa mag pop-ups 'yon may nagchat pala at si Jade 'yon.

Jade:

Kumusta ka na d'yan? Ginugulo ka ba ni Monster? Sabihin mo lang guguluhin ko rin ang buhay niya pagbalik niyo ng pilipinas.

Natawa na lang ako sa aking nabasa hanggang sa tumayo ako at idinayal ang kanyang number lumabas naman ako para hindi magising ang baby ko.

"Hello"sagot mula sa kabilang linya tapos napansin ko na medyo maingay pa.




"May gyera ba d'yan? Tell me"




"Wala ang gulo lang nitong si Maxine"paliwanag naman niya.




"Mukhang maraming tao d'yan"




"Sharina,Jemillo,Kai,Sky,ako at si Max kami kami lang"napatango tango naman ako close na kaya silang lahat? "Elyrahhhhhh,kumusta na kayoooo d'yan? Shut up ang iingay n'yo..Kinukumusta lang" natawa naman ako at napahikab na lang.




"Matutulog na ako,bye" saka ko ini-end call. Isinara ko na din 'yong pintuan ng terrace at mga bintana mahirap na baka may makapasok at ayaw ko namang maging biktima ng Rape. Pagkuway pumunta na rin ako sa kama si Haidee naman tulog na pinagmasdan ko lang muna siya. At mapaklang ngumiti kailan ka kaya magiging akin? Bakit ba parang close sila ng Ex niya? Bakit sila nag uusap? Sila na ba ulit kaya wala akong epekto sa kanya?

Alam kung mali kang mahalin pero bakit naman kasi ganun? Sana hindi ka naman nakipagbalikan sa kanya dahil hindi ko kakayanin. Baka mawasak ako napahawak ako sa ulo ko ano ba naman kasi itong kadramahang pinagsasabi ko sa kanya?

Napadako ang tingin ko sa mga labi niyang mapupula what if I kiss her? Madali lang naman isa pa tulog siya hindi naman niya malalaman 'yon. Isa lang talaga promise. Tinuktukan ko naman 'yong ulo ko saka natawa baka magising 'to nabasa ko kasi noon kina snowhite,tapos sleeping beauty isang halik lang nagising na 'yon. Pero hindi naman si Snow white o sleeping beauty 'to kasi Monster si Haidee. Hindi na ako nag isip pa at agad siyang hinalikan at katulad ng sinabi ko kanina matagal ang pagkalapat ng labi namin. Sabi ko mabilis lang pero namagnet na ata hanggang sa ilayo ko na nahumaling lang tuloy ako. Siguro nga Bisexual na ako dahil alam ko na nahuhumaling ako sa mga lalaki pero hindi,eh,kay Haidee lang ako nagkaganito sa nag iisang Haidee lang.






"I love you" bulong ko naman saka tuluyan nang humiga sa tabi niya.





---

A/n: Snatcher ng halik😂nalalinan na yata ni Haidee si Elyrah😂

And for those people who read my works. Thank you so much.




That Girl Is Mine (Santillan Series #2)Where stories live. Discover now