Chapter 17 Couple Jacket

2.5K 70 3
                                    

Elyrah pov's

Tumapat kami sa bahay nina Sharina matagal tagal na rin siguro mula ng maligaw ako sa bahay nila. "Dito ka lang ba? O sasama ka papasok sa bahay nila?"

"S-sasama na ako" saka ko tinanggal 'yong seatbealt ko at sabay kaming lumabas sa kotse niya.

Pumasok kami sa bahay nina Sharina at naabutan ko si Tita Nicolai na nagdidilig ng halaman. Nagulat pa nga ito ng makita ako na kasama si Haidee.

"Kumusta na?" tanong niya sa akin.

"Ayos lang po" lumapit siya sa akin saka ako hinalikan sa pisngi. "Kayo po?"

"Mabuti naman mabuti at napadalaw ka dito sa bahay nakakapagtampo na rin ang mga magulang mo" napanguso pa ito kaya bahagya akong napatawa.

"Tita,si Sharina po?"tanong ni Haidee kay tita Nicolai.

"Nasa taas pa baka nakahiga pa 'yon"

"Puntahan ko lang po"paalam nito sumulyap muna ito sa akin bago umakyat sa hagdanan. Ibinalik ko naman ang tingin kay tita.

"Kumusta naman ang parents mo?"excited na tanong ni Tita sa akin.

"Medyo nagiging busy na din po silang pareho actually may business trip po sila at mamaya ang alis"

"May kasama sa bahay n'yo?"kunot noo nitong tanong.

"Meron po si Manang po at saka si H-haidee"

"Kasama mo pala naman si Cute" nakangiti nitong sabi. "You want drinks?"umiling naman ako. " Maiwan pala muna kita dito may tatapusin pa akong diligan kung gusto mong puntahan si Sha sa kwarto niya pangalawa sa kanan"tinap niya ako saka lumabas ng bahay humugut naman ako ng malalim na buntong hininga. Tumayo naman ako at pumunta sa mag hagdanan saka nagsimulang umakyat nang makita ko 'yong pangalawang kwarto agad akong lumapit saka kumatok agad naman 'yong bumukas at nakita si Sharina ngumiti ito saka ako hinila pa pasok sa loob ng kwarto niya.

"Dahan dahan naman" reklamo ko hindi ko napansin si Haidee asan kaya 'yon.

"May hinahanap ka ba?" mula sa aking likuran kaya napalayo ako kinilabutan ako bigla.

"Ang landi n'yong dalawa"simangot na usal ni sharina.

"Maligo ka na nga" utos ni Haidee sa kanya.

"Malamig naman,eh!"

"Tawagan ko kaya si Max para mapaliguan ka" ngising turan naman ni Haidee naglakad naman ako at umupo sa mini sopa sa may tagiliran. Naiwan ko naman sa kotse 'yong cap ko nakita kung sumimangot si Sharina at padabog na pumasok sa banyo.

Umupo naman si Haidee sa harapan ko saka kinuha 'yong libro nag dikwatro pa ito. Pinagmasdan ko 'yong kabuuan ng mukha niya pababa sa labi niya kaya naman napalunok ako.

Ano bang pakiramdam kapag hinalikan ko ang mapupula niyang mga labi? Napatingin ito sa akin kaya napaiwas ako ano ba itong iniisip ko?

"Anong iniisip mo?"

"W-wala"

"Sigurado ka?"

"Oo"

"Fine"

Makaraan ng ilang oras nakaalis na kami sa bahay nina Sharina pumunta kami sa Mall at naglibut libut nasa book side naman ako kunting kembot na lang at magkakaroon na din ako ng sariling libro. "Andito ka lang pala" napalingun naman ako at nakita si Haidee na may dalang paper bag.

"May bibilhin ka pa" tanong ni Sharina na may bitbit na limang shopping bag.

"Wala"

"Book?"

That Girl Is Mine (Santillan Series #2)Where stories live. Discover now