Chapter 35 About Tournament

1.8K 60 0
                                    

Elyrah pov's

Magkasabay ulit kaming pumasok marami ding mga estudyante ang lumalapit sa amin at bumabati. Naghiwalay lang kami dahil nga papunta pa daw siyang Council ako naman papunta sa Locker alam n'yo na may mga note akong ibibigay sa kanya. Alam ko ang kokorni pero bahala na galing naman 'yon sa puso ko. After ko mailagay ang lahat pumunta na ako sa room namin.

"Huy!" napaangat ako ng tingin sa taong nag 'huy'






"Hi?" kunot noo kung usal saka ngumiti nakita ko na naman ang binibining 'to ang ganda naman niya grabe. "Kai?"tumango naman siya sa akin saka ako nilapitan.






"Ang Cute mo talaga"napakamot naman ako." Namiss kita bigla"sabay yakap sa akin.







"Hep! Hep! Ang P.D.A" napalingun ako si Sharina pala saka si Haidee pokerface na naman siya at parang walang pakealam na tumingin sa akin. Inirapan niya ako saka dumiretso sa umupuan niya. "She's getting jealous" tinap niya ako sa balikat saka sumunod kay Haidee.







"Kayo ba?" napalingun ako kay Kai na malungkot ang mukha kaya naman napakunot ako at umiling."But you like her right?"natigilan naman ako kutang kuta ba talaga ako.






"H-huh?" ngumiti naman siya sa akin bigla.







"Paano ba naman nakita ko na may inila—" nanlaki ang mata ko at agad na tinakpan ang bibig niya at hinila palabas."Teka bakit?"








"Shhhh" tiningnan ko 'yong wrisk watch ko mabuti maaga pa. Dinala ko siya palabas ng building dinala ko siya sa malayo."Please 'wag kang maingay" nakita ko naman na ngumiti siya.







"Ikaw pala si Blue na admirer ni Haidee" napakamot ako saka siya tiningnan."Wala na pala talaga akong pag asa"






"P-pag asa?"






"Balak sana kitang ligawan"






"A-akala ko straight ka"






"Ex ko na nga si Sharina"






"Wait! What? How?" takang tanong ko naman sa kanya.







"1 month bago pa maging sila ni Maxine Roxas alam ko naman na simula pa lang wala na talaga akong pag asa pero nagtry pa rin ako tapos bigla naman nalaman ko na gusto mo si Haidee" mahabang litanya niya.






"S-sorry! Matagal ko na kasi siyang gusto tapos pinigilan ko lang dahil akala ko sila pa"







"Napigilan mo ba?"







"H-hindi! Mahirap"






"George Sandoval is Perez enemy" napatingin ako sa mga mata niya pero bakit naging sila ni George."George and Haidee love each other in 2 years but babaero ito na dahilan kung bakit sila nag break 1 day nalaman ko na lang na sila na ulit"mahal pa pala niya ang ex niya kahit magkalaban ang pamilya nila nagmahalan pa rin sila."Akala kasi ni Haidee si Geo na ang the one akala rin niya na ang pagmamahalan nila ang reason para mag kaayos ang mga pamilya nila"patuloy pa nito hindi ko alam pero parang tinutusok ang puso ko paulit ulit so 'yong nakita ko nakikipagbalikan na ba siya kay Geo? Sila na ba talaga ulit? "B-baby blue eyes" ginawa pala talaga nila ang bagay na 'yon."H-hey! I'm sorry"pinahid niya 'yong luha sa mga mata ko bigla nakakainis naman kasi ang rupok ko ang rupok rupok kung tao.







"Ang tanga ko umaasa lang pala ako sa wala"






"Hindi naman tayo sigurado kung sila na ulit,eh!"






"Kahit na" pinahid ko naman 'yong luha ko pero hindi tumitigil sa pagbukal kaya hinila na niya ako at niyakap. Halos isang minuto kami sa ganun tapos gumaan gaan na 'yong pakiramdam ko kaya napahiwalay na ako.







"Bata ka pa nga tulad ng sinabi ni Jade napakarupok" natawa naman ako at pinahid 'yong luha."Malapit na mag bell tara na?"tumango naman ako sa kanya.


---

  Nang makabalik kami sa room nag kaklase na si Sir nagulat pa nga dahil bakit daw parang umiyak ako? Halata ba talaga tinanong naman ako ni Jade pero sinabi ko may ginawa kami tapos bigla na lang akong natamaan ng dumi sa mata. Nag agree naman si Kai sa aking kasinungalingan pero alam ko naman na hindi kumbinsedo si Jade sa sinabi ko. Tapos para pa siyang naghihinala at parang alam na niya ang dahilan.



"Okey class dismiss" napaanga naman ako."Tommorow we have a quiz kaya mag handa kayo sa hindi nakinig bahala kayo"napalunok naman ako ibang klase naman ang teacher namin.
"Before I forget malapit na ang prelim maghanda kayo" saka siya tuluyang lumabas sa room. Napuno naman ng usap usapan ang room namin kaya napalingun ako kay Jade.






"Turuan mo naman ako" tiningnan niya ako ng masama.






"Advance ka 'di ba? Kaya mo na 'yan"







"Hindi ko naman kasi naintindihan si Sir kanina"







"Dahil iba ang iniisip mo" medyo inilapit niya ang mukha sa akin."...Si Haidee ba ang dahilan kung bakit ka umiyak?"seryoso niyang tanong sa akin kaya natahimik ako." Tell me ng masapak ko na kaagad"umiling iling ako.






"Like what i said lately hindi ako umiyak" saka ako nag iwas sa kanya ng tingin. Tumingin ako kay Kai na nakikipagdaldalan sa mga lalaki at babae sa unahan.







"Uhurmmm..." tumayo naman si Maxine sa unahan ngumiti pa ito sa akin bago nagseryoso ang mukha tapos ngiting ngiti pa ang babaeng kasama nito."...to all volleyball player kilangan nating mag handa para sa tournament Ms.Santillan,Ms.Agustin and Ms.Kai may pagmemeeting daw po mamaya sa Gym 3 o'clock"






"Teka who is she? Familliar ka naman sa akin" turo niya sa kasama nito pero agad ko naman naalala siya 'yong babaeng kasama noon ni Ate Claudine sa isang restaurant.






"She is —"






"Ataska Ferrer,right?" tanong ko naman nagulat naman siya ng mapatingin sa akin bigla."...from Aristotle Volleyball captain"saad ko pa.







"Nice to meet you" ngumiti siya sa akin wala na ba sila ni Ate Claudine? I know na bisexual si Ate Claudine at ito ang girlfriend niya pero what she doing here?.






"We have a meeting..."tumingin si Maxine sa akin na at umiiling iling pa sa akin." ....About Tournament" nagpaalam naman na sila kaya naman nagkaroon ng bulong bulungan sa amin.








'Tiyak ako na panalo na ang Harvel'






'Oo naman mga champion kaya ang kalaban nila'






'Papanoorin ko talaga ang labanan nila'








'Hindi ko 'to palalampasin '



Maglalari kaya ako? O hindi na lang? Kaya naman na ni Maxine 'yon ayaw ko naman na panalunin na lang ang Aristotle. Haytsss...



----

That Girl Is Mine (Santillan Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon