Chapter 21 Confused?

2.3K 64 0
                                    

Elyrah pov's

   Ilang araw na ang nakakalipas gumaling na si Haidee back to masungit na naman ulit. Parang walang nag e-exist sa aming dalawa kahit nasa iisang bahay kami kadalasan lumalabas siya with her friends ako naman iniimbitahan ko lang sina Jade dito sa bahay tulad na lang ngayon weekend wala siya at nagsho-shopping ako naman batad lang dito sa computer ko. Sina Jade at Max kumakain ng chips sa kama ko.

"Hindi ka talaga pinagbabawalan nina Tita na mag batad sa computer" hindi ko naman nilingunan si Jade."Kaya hindi na lumilinaw ang mata mo,eh!"palatak pa nito.

"I agree cousin"

"Pagtulungan n'yo ako" reklamo ko naman pero patuloy pa rin sa pagpindot ng keyboard."Pag asa ko na 'to para sa paggawa ko ng book"

"Kaya naman pala"

"So,kumusta naman kayo ni Haidee dito? Napapansin ko rin na parang 'di kayo magkakilala" binitawan ko naman 'yong mouse saka pinaikot ang upuan ko paharap sa kanila.

"Ewan"

"Gusto mo ba 'yong monster na 'yon?"tanong naman ni Jade sa akin.

Gusto ko na nga ba s'ya? Nitong mga nakaraang araw napapansin ko rin naman na ayos lang ako. Pero kilangan ko na talagang magpatingin sa doctor dahil sa t'wing nakikita ko o nakakadikit siya marami nang nangyayari sa akin.

Baka mamatay ako ng maaga kung magpapatuloy pa ang bagay na 'yon. Baka naman naco-confused lang ako. O baka naman nagugustuhan ko na talaga s'ya. Kasalanan naman niya,eh! Hahalik halikan niya ako tapos hindi niya ako paninindigan.

"Mahal agad?"

"Mahal?wala naman kaming sinabi na mahal mo" kunot noong usal naman ni Jade.

"I-i mean gusto agad" nagiwas ako ng tingin baka kasi 'di ko kayanin ang mga tingin nila sa akin.

"Sira ulo ka talaga"

"Napaghahalataan ka naman"

"Wala nga"

"Wala?"

"Hindi pala"

"Masyado ka pang bata kaya umayos ka" usal naman ni Jade umiral na naman ang pagkastrict niya. Daig pa sina Mom at Mamu sa pagkahigpit sa akin.

"Opo nanay"

"Nanay mo mukha mo"

"Nga pala para naman maiba tayo baka kasi matuluyan na 'tong baby girl na'tin" nginitian naman ako ni Max ng matamis kaya napairap ako."...nag try out ka ba sa volleyball?"

"Hah?"

"H'wag mong sabihin na magta-try out ka baka nakalimutan mo may injured ka pa" taas kilay na sabi ni Jade sa akin.

"E di ipa-check up na'tin"

"Bawal"

"Wala ka bang gagawin,baby girl?"tanong sa akin ni Maxine habang nakanguso sa akin."...hindi mo lang ba ipaglalaban ang passion mo?" parang maiiyak na usal niya kaya binato ito ni jade ng unan.

"Eh!"

"Ang O.A mo talaga hindi ko alam kung may bakit naging pinsan kita"

"Talaga? Dapat nga ikaw ang tanungin ko n'yan kasi namumukod tangi kang ang sungit sungit para kang galit sa mundo"

"Ulol!"

"Ay gago!" ganti naman ni Max.

"Tangina tumahimik ka na nga parang sagmawan 'yang bunganga mo"

"Sabihin mo nga may gusto ka kay baby girl ano?" natigilan naman ako kay Max at napatingin kay Jade na natigilan din."....naku child abuse ka" tumatawang sabi niya.

That Girl Is Mine (Santillan Series #2)Where stories live. Discover now