Chapter 33

330 17 18
                                    

Chapter 33
T H I R D  P E R S O N

Nanatiling tulala si Raven. Walang pakialam sa mga taong tumatawag sa kanya at nagyayang umalis na sa kinauupuan. Balisa ang dalaga at hindi na alam kung paano pa magpapatuloy sa laban na sinimulan niyang labanan kasama ang lalaking matagal niyang inantay at hinanap.

Umupo sa tabi niya si Shana. Alam niya ang nararamdaman ng itinuturing na nakababatang kapatid, pero hindi rason 'yon para tumigil sa laban at hayaan ang sarili na mamatay na lang.

"Tara na," yaya ng mas nakatatanda. "Kailangan na nating pumunta sa Kanluran ng paaralan."

Hindi kumibo si Raven. Patuloy niyang pinagmasdan ang papalubog na araw habang nakaupo sa bulubundukin na matatagpuan sa tabi ng kagubatan ng Silangan.

"Ilang araw na ba ang nakalipas, Ate Shana? Bakit pa ba ako nabubuhay?"

Malungkot ang boses nito. Sino ba namang hindi?

Muli na namang naalala ni Raven ang pangyayari nang nakaraang linggo. Araw kung kailan nakaharap nila ni Blade ang isang tulad niya na may isinumpang kapangyarihan kung kailan parehas pa silang sugatan dahil kagagaling lang nila sa isang sagupaan.

"Anong meron ka?" nanghahamong wika ng babae. Kasama nito ang mga kagrupo niya na hindi lalagpas sa sampu ang bilang.

"Hindi mo na kailangang malaman," banat ni Raven. Inalalayan niyang tumayo si Blade na may saksak na ang tuhod. "Ikaw? Anong meron ka?"

"Tutal hindi ako kasing duwag mo..." Lumapit ito palapit. "I have Phobothanatos."

'Phobothanatos,' pag-uulit ni Raven sa utak niya. 'Ang taong may ganito ay kaya kang patayin gamit ang kinatatakutan mo.'

Kahit na gano'n ang sinabi ng babae ay hindi nagpakita ng takot si Raven. Tumayo siya nang tuwid at mas lalong inayos ang braso ni Blade na nakasabit sa balikat niya. Hinawakan niya nang mahigpit ang tagiliran ni Blade na dahan-dahan ng dumudulas sa kamay niyang nakakapit para hindi ito bumagsak.

"Kaya mo ba siyang labanan?"

Walang kiming umoo si Raven sa tanong ni Blade. Pilit na tumayo ang huli at umastang may maiibuga pa kahit na nararamdaman niya na malapit na siyang bumagsak sa lupa.

Umatake na ang mga ito. Apat na lalaki at apat na babae kasama ang may cursed Property. Naiwan ilang metro sa kanila ang babae at ang mga kasama lang nito ang lumaban.

"'Wag niyong isiping kakayanin niyo pa kami."

Nalingat lang si Raven ay nakatabi na pala ang babae kay Blade. Sumisigaw ang kapareha niya at hindi niya malaman ang gagawin.

"No! Don't die! Raven!"

Sigaw pa rin nang sigaw si Blade habang nakapikit ang mga mata. Nakahawak sa kanan nito ang babae at panigurado ay ginagamitan niya na ng kapangyarihan ang una kung saan ang nakikita ni Blade ay ang pagkamatay ng babaeng mahal niya.

"P-Please, 'wag si Blade," nauutal na pakiusap ng dalaga.

"Raven!" Blade cried. Dumaloy ang mga luha sa magkabila nitong pisngi at hindi na naitago pa ang paghikbi. "Don't die, please! 'Wag ngayon, mabubuhay ka pa!"

Nascent Internecine: War of TransientsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon