Prologue

3.7K 120 8
                                    

Prologue

It is now December 31 - everyone's most awaited time.

"Ate! Pakidagdag daw nitong fruit cocktail at saka dagdagan mo na rin daw ng mayonnaise," ani kapatid ko.

Hininaan ko muna ang apoy ng spaghetti sauce bago inabot ang lata at sachet ng mayo. Tiningnan ko ang nakasulat na date at sumigaw. "Ma! Expired na 'tong mayo nang October pa!"

"Just get another one, Darling! 'Di ko na na-check. 'Yan yata 'yong hindi nagamit last year eh!"

"Buti pala ch-in-eck ko kung hindi baka nagloko mga tyan natin bagong taon na bagong taon."

"Masyado ka kasi ate eh! Tss," sabat naman ng kapatid ko kahit na wala naman akong ginagawa.

"Manahimik ka na lang kaya 'no Rhea?" sabi ko. "Gawin mo 'yang pinapagawa sa'yo."

Sinaway kaming dalawa ni Mama. Nakapamewang siyang sumilip sa aming magkapatid na nasa kusina. "Kayo ngang dalawa, tumigil na! Magbabagong taon, ganyan ibubungad niyo?!"

Napatawa naman ako at napatanong sa sarili kung bakit nga ba pinapatulan ko ang kapatid ko na mas bata pa ang pag-iisip kaysa sa akin.

A new year shall be welcomed by grateful hearts and peace instead of quarrel.

Nakita ko si Ate Carol na kumatok muna sa pinto bago tuluyang pumasok sa loob. Nakasuot siya ng puting blouse na may pulang polka-dots at pulang shorts. "Ray! Bridge after, may fireworks na."

"Una ka na lang, Ate," saad ko sa kanya na sinunod naman niya.

Napatingin ako sa mga ihahanda para sa Media Noche. Ayos naman na ang mga pagkain at paniguradong itse-check ni Mama ang mga iyon. Alas-onse na at panigurado ngang may mga fireworks na. It will be a nice view at lagi kong inaantay.

Sinuri ko ang damit na suot at inayos ang mga lukot.

"Ma, doon lang kami nila ate sa tulay," paalam ko sa kanya. Hinalikan ko si Mama sa pisngi.

"Ingat kayo doon. Baka matamaan kayo ng mga paputok!"

Ngumiti naman ako at tumango. Isinuot ko muna ang cardigan na lagi kong ginagamit. Paglabas ng bahay ay nakasalubong ko sina Kuya Azrael at Angelo, mga pinsan ko.

"Tama na yan, inuman na
Hoy pare ko't tumagay ka
Nanabik na lalamunan
Naghihintay, nag-aabang~"

Rinig na rinig ang ingay ng mga homeowners na nasa club house pati ang kanta ng Parokya ni Edgar na "Inuman na!" (Inuman na!) Mabuti na lang at malawak ang 2-storey clubhouse na 'yon dahil doon nila naisipang mag-celebrate ng New Year ngayong taon.

"Kuya Azi, nandoon pa rin ba sila Tito? 'Di pa rin ba sila tapos?"

Nagkibit-balikat siya. Si Angelo, nakasuot ng asul na polo at pantalon, ay busy sa kausap sa cellphone.

"I don't know Ray." Inayos niya ang itim na polong suot, exposing his tanned, masculine arms na kita ko dahil sa mga maliwanag na mga ilaw mula sa mga bahay. "They've been there since morning but it seems like there is no improvement on what they're doing."

Sinuklay niya ang buhok pagilid.

"Baka kasi nahirapan sila. Masyado silang marami roon tapos wala pa talaga silang maayos na plano nang umaga," sabi ko

"Right. They should have created a concrete plan on what to do. They had wasted their time." He was cut by the loud ring of his phone. Kinuha niya ito sa bulsa ng pantalon at sinagot ang tingin ko ay tawag. "Hey, Lantern! What's your problem?!"

Nascent Internecine: War of TransientsOnde as histórias ganham vida. Descobre agora