Chapter 2

1.3K 70 1
                                    

Chapter 2
R A V E N

Bumaba ako pasado alas-sais ng umaga para kumain na ng agahan at nadatnan ko silang tatlo sa kusina na marahil ay kabababa lang din. Ramdam ko ang katahimikan na nagingibabaw sa aming apat habang naghahanda ako ng makakain ko. Bukod kila Ate Shana at Ate Kate ay may isa pang babae na nakaupo sa tapat ng mesa. Pinakilala niya na kung sino siya kahapon. Her name is Stephanie.

"Today's your first day. I hope you'll find the Academy great," pag-uumpisa ni Ate Shana. Umupo na ako at tiningnan sila isa-isa. "Masasanay din kayo sa panibagong buhay na 'to."

"Wala kayang mam-bully roon? Like you know, we are freshmen and you are seniors. At baka gamitan nila kami ng kapangyarihan doon."

Hindi ko na naisip ang tanong na 'yan.

Sumubo muna si Ate Kate bago sinagot ang tanong ng kasama namin. "Using Property for bullying, or for invalid reasons is prohibited. After 3 months, the Council will permit us."

"Bakit pagkatapos pa ng 3 months?" sabat ko. Tiningnan naman ako ng dalawang nakatatanda na nandito sa kusina.

"May tatlong buwan kayo para makapag-adjust. Pagkatapos no'n ay magkakaroon na kayo ng sarili niyong Property," wika ni Ate Shana.

"Doon lang namin pwedeng gamitin ang mga Property. If a Lewis breaks the rule, posible siyang matanggal sa pagiging qualifier para mapasama sa Power Ten," dagdag naman ni Ate Kate.

"And what's that Power Ten?" tanong ko ulit pagkatapos uminom sa gatas ko.

The both of them smiled. "Power Ten, obviously, is composed of ten people. They are the highest and strongest student who won against the Destruction. Their rank tells how great they were as a leader."

"Ah," tanging naisagot ko na lang. Hindi pa gaanong gising ang diwa ko kaya ang tipid kong magsalita.

Lumipas ang oras at nakapaghanda na kaming apat para sa unang araw. Nakasuot kami ng parang black sailor outfit blouse na pinaresan ng kulay asul na laso at black pleated skirt na may asul na lining.

Pinasakay kami sa isang droshky na pang-dalawahan lang. Ang kasama ko ay si Ate Shana at ang kasama ni Stephanie ay si Ate Kate.

"Droshky is a horse-drawn vehicle use in Russia before."

I nod as she explained.

Habang nasa itaas ay nilibot ko ang mata sa lugar na kasalukuyang kinaroroonan namin. There were houses similar to us — three-floored. Maya-maya ay napansin ko na nasa ibabaw na kami ng tubig.

Nang makababa na ang sinasakyan namin ay agad kaming nagtungo sa sinasabi nilang gymnasium para doon muna pumila. Maraming mga puno at halaman ang nakahilera sa aming dinadaanan mula sa lugar na pinaglapagan namin. Narating na namin ang pasukan ng gym at paglampas sa pinto ay may kakaibang pakiramdam na bumalot sa akin. Isa pa, kung tumingin ang nasa isang parte nitong lugar ay nakababahala. It was like the people there were examining us through their eyes.

The three girls beside me kept on talking while I continued roaming my eyes around our place.

"Silang nasa kaliwa ay katulad namin. They are also Lewis," pagpapaliwanag ni Ate Shana sabay tingin sa mga taong naka pwesto sa isang bahagi namin. Tinutukoy ang mga nilalang na tila ba kapag tumitig sa iyo ay kinikilatis kung anong meron ka. "Which means that Zerans are on the right."

Kanina pa nila nababanggit ni Ate Shana at Ate Kate ang tungkol sa mga Lewis at Zerans na ‘yan pero pinili kong huwag magtanong hanggang sa magkahiwalay na kami. Nagtungo sila sa lokasyon ng mga ka-level nila samantalang kami ni Steph ay nagtungo sa kanan na bahagi ng gym.

Nascent Internecine: War of TransientsWhere stories live. Discover now