Chapter 6

756 43 12
                                    

Chapter 6
R A V E N

Pagdating sa meeting place ay itinapat ko ang palad ko sa sinasabing mesa.

Beep!

Nag-flash sa ibabaw nito ang pangalan ko maging ang classification ko.

Raven Milan. Zeran. Leader.

Hinanap ko ang mga kaklase ko at natagpuan si Serina. Sunod naming hinanap ang iba pa naming kaklase para makapila na. Mabuti't magkakasama na ang iba sa kanila at hindi na kami mahihirapan.

"Head count, Leaders. I'll start with 1," pauna kong sabi.

"Two."

"Three."

"Four."

"Five."

"Six."

Nagtuloy-tuloy ang pagbibilang na sinimulan ko na natapos sa 18. Ibig sabihin ay may dalawa pang wala sa pila namin.

Napabuntong hininga ako. Inaantok pa ako at masakit din ang katawan ko dahil sa kahapon pero mas mainam na mai-report ko kila Blade na may kulang pa sa amin.

"Ire-report ko lang na may kulang pa tayo. Kung papaunahin kayong sumakay ay mauna na kayo. Huwag niyo na akong hintayin dahil baka makaabala pa tayo at ma-delay ang byahe."

Tumango naman silang lahat sa akin kaya nag-umpisa na 'kong tumakbo para hanapin si Blade. Ramdam ko ang pananakit ng kalamnan ko sa bandang hita. Kung magtatagal pa ang takbo ko ay paniguradong muling mangangatog ang tuhod ko.

Madilim pa ang buong paligid at tanging ang mga ilaw lang mula sa mga poste sa gilid ang pinakanagbibigay liwanag. Napakaraming estudyante ang nakakakalat.

Dumiretso ako sa unahan dahil doon ko sila nakita kanina. Nahirapan pa akong patabihin ang mga nakaharang. Maraming estudyante ngunit wala sila roon. Naglakad-lakad pa ako ng kaunti at umaasang makikita sila.

Sa wakas!

Nakatalikod pa siya sa akin kaya inagaw ko muna ang atensyon niya. "Good morning, Blade."

"Is there a problem?"

Naghabol muna ako ng hininga bago sumagot sa kanya. "I am from Lead Section and from the last headcount we had, we were only eighteen. Obviously, there are two from our section who haven't arrived yet."

Tumango-tango siya. Sa kaliwang kamay ay may inilabas siyang maliit na itim na bola. Ini-slide niya naman ang kanang kamay sa hangin at lumitaw doon ang may sapat na sukat na hologram pad. May pinindot siya doon at lumabas ang profiles ko at ng mga kaklase ko. "Based from the checklist, ang mga kaklase mong nagngangalang Vanessa at Cielo ang wala pa sa pila ninyo."

May pinindot pa ulit siya sa pad at lumabas ang bird's eye view ng kinaroroonan namin. Nakita kong tinype niya ang pangalan nila Vanessa at Cielo at sa gilid ng screen ay lumabas ang profile nila. Maya-maya ay may dalawang tao na pinaka-hinahighlight sa larawan. Ang mga kaklase ko marahil iyon. Z-in-oom in niya ang screen at muling nag-swipe sa hangin. May lumabas naman doong hologram pad na kasingsukat ng cellphone.

"Call Stanley."

Nag-flash ang profile ni Stanley.

"Stanley, lead the two girls at your 1 o'clock to their line. They are both from Lead Section named Vanessa and Cielo. Thank you."

Ako naman ngayon ang binalingan niya. "Thank you for informing me. You can now go back to your line and kindly assist your section."

Go back? Mga sampung minuto ang kakailanganin ko para marating ang pila. Limang minuto kung tatakbuhin pero sa ngayon ay pagod na pagod pa ako. Kung hindi ako tatakbo ay posible namang maiwan ako.

Nascent Internecine: War of TransientsTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang