Chapter 12

575 33 7
                                    

Chapter 12
R A V E N

Mabilis na lumipas ang araw at mula ngayon ay ilang araw na lang bago matapos ang buwan ng Marso. Papasok na ang buwan ng Abril.

"Buwan ng Abril at Mayo, 'yan ang ilalaang oras para pag-aralan kung anong meron kayo."

Naalala ko pa ang sinabi ni Master Sue nang nakaraang linggo kung saan mas ipinaliwanag niya pa ang mga mangyayari maging ang magiging schedule namin sa darating na buwan. At ngayon nga na patapos na ang March, akala ko ay wala na akong poproblemahin. Sa susunod na linggo kasi ay pagsusulit na pero heto at mali na naman ako. Hindi ko pa pala talaga alam kung ano-ano ang mga mangyayari sa loob ng paaralang ito.

Please enter your Name. Classification. Section.

Nakapatong sa mesa ang mga hologram pad namin at nakalagay doon ang tungkol sa botohan. Kasalukuyang nagaganap ang pagboto para sa magiging representative ng mga Lewis at Zerans sa Ascentine Council. Sila ang magiging kaagapay nila Blade, Keisly at iba pa sa pamumuno sa mga estudyante. At sa ayaw ko man o sa gusto ay wala na akong magawa. Isa ako sa napiling kandidato para tumakbo bilang representative.

Tahimik kaming lahat habang nakatutok sa mga glass pad namin.

Tinipa ko ang aking pangalan.

Raven Milan. Zeran. Leader. (Zerans' Candidate).

May lumabas pagkatapos no'n.

Click the person you would like to be the Zerans' representative.

Sa hologram pad ay lumabas ang apat na kandidato mula sa iba't ibang section. Isang mula sa Lead Section kung saan itsura ko ang nakalagay katabi ng pangalan. Mula sa Codex Section, Head Section at Craft Section.

Raven Milan of Lead Section

Ayesha Montalban of Codex Section

Greg Baltazar of Head Section

Francine Abilon of Craft Section

Bago ang araw ng botohan ay nangampanya muna kami para makilala ng ibang estudyante at aaminin ko na lahat silang kalaban ko ay magagaling. May kanya-kanya silang potensyal na magagamit kapag nanalo.

Hindi ko gustong manalo pero hindi ko rin gugustuhin na ako mismo ang magpatalo sa sarili ko. Pinindot ko ang pangalan ko.

Thank you for your cooperation!

Nang mag-angat ako ng tingin ay saka ko lamang napansin na ang tagal kong nag-isip kung sino ang iboboto. Lahat sila ay nakatingin sa akin at nag-aalala. Manalo o matalo, ang mahalaga sinuportahan nila ako.

"Panigurado namang mananalo ka, Ray. Mas magaling ka kaya nang nangampanya kayo," pangungumbinsi ni Serina na sinang-ayunan ng mga kaklase ko.

"Ba't ba kasi may pagan'to pa?" tanong ko para man lang mawala ang kaunting kaba na namuo sa dibdib ko kanina pa.

"Basta Ray, mananalo ka! Ramdam ko!"

Lahat sila ay patuloy ang pagpapalakas sa loob ko. Nagpasalamat ako sa kanila.

"Listen everyone," Blade's voice echoed in the room. "As of now, we are all done voting our candidate. We will not prolong the waiting. The winners are already posted."

Napahinga ako ng malalim. This is it. Muli kong tinipa ang pangalan ko sa glass pad at pinindot ang Announcement button. Kinakabahan ako habang inaantay. Ang unang lumabas ay ang sa Lewis.

Andrei Malicdem of Leader Section - 27 votes

Tracy Mendoza of Codex Section - 13 votes'

Nascent Internecine: War of TransientsWhere stories live. Discover now