"No! That's not true!"

Paulit-ulit akong umiling. Naninikip na ang dibdib ko at nag-uumpisa ng magkaroon ng malaking bara sa lalamunan ko. Nahihirapan akong lumunok at lalo pang lumalala ang nararamdaman ko dahil sa mga naiisip ko.

"Raven, 'yon ang katotohanan!" Malakas niyang hinampas ang mesa. "Alam mo ba kung bakit nagte-training kaming Lewis? Alam mo ba kung bakit uhaw kami sa pagkapanalo? Dahil gusto naming mabuhay, Raven! Dahil gusto naming makabalik sa totoong mundo!"

Iniwas ko ang tingin sa kanya. Mas lalong bumibigat ang pakiramdam ko.

"Raven." Kinuha niya ang kamay ko at nagsalita sa kalmadong boses. "This is the world we knew as fantasy but you need to keep in mind, our feelings are real — the pain, the happiness. Use those feelings you felt in this world in order to survive and get back before we let this world be our reality."

Sa kabila ng nararamdang kalungkutan ay nakuha kong tumango.

"Raven, I joined not to be your enemy. I am your ally and always remember that." She caressed my hand and smiled. "No matter what happens, don't die, okay? Just please, don't die. Lose everything, but not your life. Do you understand?"

I pursed my lips and took a deep breath. I slowly nodded my head and give her a reassuring smile. "I don't need to lose anything when all of us can win. Sinong nakakaalam ng gagawin ng mga nakakataas? Nasa sa atin kung paano tayo makakaligtas at iyon lang ang kailangan nating gawin — ang mabuhay."

"You have no idea of what you're saying," she added. "We are all enemies. We will kill each other sooner."

Niyakap ko siya bago ako tumayo. Hinawakan ko ang kamay niya. "None of us are enemies. We are all allies. Thank you, Ate Shana."

Nilapag ko ang kamay niya sa mesa at binigyan siya ng ngiti para mapanatag na siya. Bumalik ako sa kwarto ko upang mag-ayos. Kinuha ko ang bag ko atsaka lumabas ng kwarto. Nagtungo ako sa plaza para doon magpahatid papuntang akademya.

Habang naglalakad papuntang meeting place ay nakasalubong ko si Kiel. Matagal-tagal na rin pala buhat noong huli kaming mag-usap.

Nagpupunas siya ng kanyang noo at mukhang nagpapahinga lang sa labas.

"Kumusta?" Sinubukan kong alisin lahat ng hindi magandang bagay na nararamdaman ko kanina para lang batiin siya.

"Ays lang, babe," pilyo niyang sagot. "Ikaw?"

"Papunta pa lang ako ng gym," sagot ko. Tiningnan ko ang likod niya kung may mga kasama siya. Siguro ay sa ibang lugar sila nag-eensayo. Sabagay, may umokupa nga rin pala nitong Open Area. "Saan kayo?"

Tumingin rin siya sa likod. Naintidihan niya yata kung anong hinahanap ko. Tinuro niya ang direksyon ng gym.

"Sa gym?" taka kong wika. Amin 'yon, hindi ba?

Natawa siya. "Sa Up Burn Field, babe."

"Edi naiinitan kayo do'n?"

Nakanguso siyang tumango. Ngayon ko lang napansin na medyo nangitim na nga si Kiel.

"I'm tanned babe, but still muscular." He flexed his biceps and kissed them.

Mukhang bukod sa pangingitim ay napasukan din ng hangin ang utak ni Kiel. Masyado pa namang mahangin doon sa field. I wonder kung hindi sila nahihirapan na roon mag-ensayo lalo na kung naka-on ang gravity controller.

Nagpaalam na ako kay Kiel at naglakad na.

"Sige, babe, tutal magpapahinga pa ako."

Nakalimutan kong hindi nga pala kami sa gym ngayon. Blade reserved the Combat Hall for us. One week just for us. Dahil sa ito pa lang ang unang pagkakataon na hiniram namin ang Hall sa loob ng limang buwang training na nagdaan ay walang naging angal ang ibang grupo.

Nascent Internecine: War of TransientsWhere stories live. Discover now