Chapter 9: Another Day in HELL with HIM

Începe de la început
                                    

“Ituloy mo na di ba magluluto ka pa?” I asked her.

Nanlaki ang mata niya, mukhang nakalimutan niyang may gagawin pa siya dahil sa kakakwento niya at sa kilig niya.

“So? Ano na at bilisan na po natin ayaw ko pang mawalan ng trabaho.” Baka kasi pag nalate ako sisantehin ako ng magaling kong boss.

“Ayun nga hinatid ka niya---.” Kanina pa siya paulit-ulit sa hinatid ka niya hindi na natapos.

Para na siyang sirang plaka na uulitin ang sasabihin kapag huminto siya, ang tagal-tagal sabihin parang sasabihin niya lang kung bakit natatagalan pa siya.

“Mom please lang, please lang skip that ayun nga hinatid ka niya scene eh kanina mo pa sinasabi yan eh kung ganyan tayo aba’y buong araw tayo hindi matatapos sa sasabihin mo.” Parang almost 15 minutes na siyang nagkwekwento kasama na ang kilig niya pero wala pa rin doon yung highlight ng ikekwento niya.

>,<

“Ayun nga dahil hindi ka niya magising binuhat ka niya papunta dito sa kwarto mo.” Direct to the point na sabi niya.

Bakit naman ako binigla ni mommy hindi man lang dinahan-dahan.

Di ba sabi mo kanina paulit-ulit siya tapos ngayon magrereklamo ka na biglaan niyang sinabi sayo. My subconscious told me.

>_________<

Ay sarreh naman ha, sarreh hindi pa kasi ready ang mga laman loob ko sa mga ganyan kaya sarreh ok, sarreh.

“What?”

I heard my mother sighed. “Bingi lang Natalie? Sabi ko binuhat ka niya hanggang dito sa kwarto mo.”

O_________O

“Ano?!!” Sabay napatayo ako sa higaan ko.

Pak

“Aray!!” Hiyaw ko sabay himas sa legs ko.

Paano banaman hinampas naman ni mommy yung legs ko nung bigla akong tumayo.

“Pwede bang wag kang magulat anong gusto mo dalhin ka niya sa bahay niya dahil hindi ka magising o di kaya naman ay doon ka matulog sa kotse niya?”

“Gising pa kayo nung dumating kami? Naalala ko kasi traffic kagabi so late na ako nakauwi kung ganun.” Takang tanong ko kay mommy.

Kaya lang naman ako dinalaw nang antok sa kotse niya kagabi ay dahil nga traffic at isa pa nakakaantok ang lamig kasi pinalakasan ko sa kanya yung aircon. Another reason ay nakakapagod ang mga pinapagawa niya sa akin.

Hindi na nga ako nakakain di ba? Kasi ang magaling kong boss pinaulit ulit ang ginawa ko. Talagang wala siyang heart ay meron naman pala kasi kung wala siyang puso ay hindi niya ako papakainin kagabi at nanlibre pa talaga siya.

“Ako gising pa ako kasi hinihintay kita, pero dahil ang tagal mo tinawagan kita at siya yung sumagot nung tawag ko sa iyo.” Tumango-tango naman ako kay mommy.

“Tapos?”

“Ayon sabi niya tulog ka daw at hindi ka niya magising so I asked him where were you, he said the both of you are outside our house. Kaya ang ginawa ko nilabas ko kayo dahil tulog na ang daddy mo at kapatid mo naki-usap ako sa kanya na kung pwede buhatin ka niya, so being a gentleman himself wala siyang nagawa at binuhat ka hanggang dito.” Kinikilig na sabi ni mommy.

Ang sweet naman ni sir pero monster pa rin ang ugali niya period.

“Oh sige na, maligo ka na baka malate ka pa.” Paalala niya sa akin

The Kissing MonsterUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum