Epilogue

85.7K 1.8K 237
                                    

UN-EDITED. DI NA-EDIT. HAPPY READING!

Epilogue

            "Rina! Rina! Rina!"

          "Bakit po?"

          Bigla akong napatakbo palapit sa kaibigan ko na si Paul.

          "Tingnan mo 'to dali! Nahanap ko na siya!"

          "Huh? Sino?"

          Hindi na niya ako sinagot sa halip napatingin na lang ako doon sa harap ng laptop niya saka niya ako inalalayang makaupo sa harapan noon saka pinakita sa akin yung isang website kung saan siya nagsesearch kanina.

          "Tingnan mo! Ayana na siya! Siya yung customer mo  kagabi!"

          "Saan?" Ako naman ngayon at biglang natarantang napatingin sa monitor ng laptop niya.

          "Ayan o!"

          Pagsabi ni Paul noon, bigla niyang tinuro yung isa sa mga mukha sa group picture na nasa harapan ko.

          My eyes turned wide nang makita ko siya.

          'Siya na nga iyon!'

          "Grabe! Bigatin pala talaga yung gustong bumili sa'yo kagabi!" malakas na sabi ni Paul. "Hindi ko akalain na bilyonaryo pala ang pamilya ng Jasper Dwane Villafuerte na yan! Maloloka ang matris ko sa kanya!"

          "Wala ka namang matris ah? Lalaki ka di—"

          "Gaga! Babae ako! Ikaw lang naman ang nag-iisip na lalaki ako!" sabi niya sabay irap sa akin. "Hmp! Diyan ka na nga! Nakakaloka ka! Kung di ka lang pinabantay sa akin ng magaling mong nagmamalditang kakambal, kanina pa ako nagwalk-out sa'yo eh! Babush! Diyan ka na!"

          Napangiti na lang ako habang sinusundan ko nang tingin Paul habang papalabas ito ng bahay.

          Si Paul nga pala yung naging emcee kagabi sa Casa Mariposa at siyang nagligtas sa akin para makalabas sa club na iyon.

          Grabe! First time kong matakot nang ganoon sa tanang buhay ko!

          "Nakakainis ka talaga kahit kailan, Mina!"

          Gusto ko sanang tawagan na yung magaling kong kakambal nang mapagalitan ko siya sa uri ng trabaho na pinapasok niya kaya lang natigil lang din ang plano ko na iyon nang mapatingin ulit ako sa monitor nang laptop ni Paul.

          Muli akong umayos ng upo sa harapan ng laptop saka ko zi-noom yung picture ng apat na lalaking iyon para mas makita ko pa nang mas malinaw ang mukha nang lalaking nanalo sa subasta kagabi.

          Wala sa loob na bigla kong nakapa sa bulsa ng pantalon ko yung cheke na inabot niya sa akin saka ako napatingin doon.

          "Jasper Dwane Villafuerte..." basa ko sa pangalan niya saka ako muling napatingin sa screen ng monitor ng laptop ni Paul.

          Sa itsura pa lang niya, obvious na yung pagiging mayabang at arogante niya. Yung paraan pa lang ng pagkakadikit ng kilay niya habang nakatingin siya doon sa katabi niyang lalaki na wagas kung makangiti sensyales na hindi siya natutuwa na makuhanan siya ng litrato kasama ang mga lalaki na iyon.

My Jealous Stepbrother (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon