Chapter 66: Moving On

63.1K 1.2K 115
                                    

UNEDITED. DAMI TYPO. TAMAD MAG-EDIT. HAPY READING!

Chapter 66: Moving On

Rina's POV

          "O, ito! Uminom ka muna."

          Matipid akong ngumiti sa kanya saka marahang inabot yung baso ng tubig na inabot niya.

          "Salamat, Nozomi."

          "Sus! Ano ka ba! Parang tubig lang 'yan ano!" sabi niya saka naupo sa sofa na nasa tapat ko. "Grabe na talaga ang JD Villfuerte na 'yun! Matapos namin siyang tulungang bawiin ka sa parents niyo, ito pa gagawin niya sa'yo?! Huh! Sana pala talaga hindi na lang ako tumulong sa kanya! Nakakainis siya!"

          Matapos naming magkita ni JD sa may hotel kung nasaan may condo ni Renji, agad akong dumerecho sa condo ni Nozomi.

          At pagkadating na pagkadating ko dito, bukas-palad akong pinapasok ni Nozomi at hindi niya ko tinanong kung anong nangyari sa akin. Ako na ang kusang nagsabi sa kanya nang buong pangyayari mula doon sa nangyari sa Casa Mariposa at sa may elevator ng hotel.

          "Sa susunod na magkrus kami ng landas ng lalaki na iyon, sisipain ko siya nang malakas sa pinaka masakit na parte na katawan ng lalaki at saka ko siya ipapapatay sa mga mafia!" gigil na gigil na sabi ni Nozomi. "Naku talaga! Pakiramdam ko tuloy ang sama-sama nang ugali ko dahil tinulungan ko ang tao na iyon sa'yo!"

          Marahan kong nilapag yung baso ng tubig sa ibabaw ng mesa sa pagitan namin ni Nozomi bago nagsalita.

          "Pasensya ka na pala Nozomi sa bigla kong pagpunta dito huh? Wala na kasi akong mapupuntahan eh."

          "Ano ka ba Rina! Di ba best friends tayo?" sabi niya saka kinuha yung dalawang kamay ko at mahigpit na hinawakan iyon. "Ang magbest friends, hindi lang magkasama kapag masaya sila. Magkasama din sila sa oras ng problema."

          Hindi ko napigilan na maluha doon sa narinig ko. Marahang binitawan ni Nozomi yung kamay ko saka siya lumipat at umupo sa tabi ko saka niya hinaplos yung likod ko.

          "Tama na, Rina." naaawang sabi  nito. "Wag mong iniiyakan ang lalaki na iyon because he's a big ass jerk!"

          Tumango na lang ako bilang sagot saka pinunasan yung mga luha sa mata ko gamit yung likod ng kamay ko.

          "Mabuti na lang at si Renji nakakuha sayo. Kung sa ibang kabarkada ka niya napunta, nako! Panigurado na ibabalik ka nila sa sira-ulo na 'yun!"

          Hindi na muna ako nagsalita. Kinakalma ko pa kasi ang sarili ko.

          Is being emotional also a sign of being pregnant o sadyang hindi pa ako tapos iyakan si JD?

          Hindi ko pala sinabi kay Nozomi yung tungkol sa pagbubuntis ko. Nahihiya akong ipaalam sa kanya ang tungkol sa bagay na iyon kahit pa nga na best friends kami. Maybe someday sasabihin ko rin sa kanya.

          Pero hindi pa ngayon. Hindi ko pa kaya ipahiya ang sarili ko.

          Na nasa loob ko yung bunga ng pagkakamali na ginawa ko with JD. Na nasa loob ng tiyan ko yung isa sa mga reckless decision na nagawa ko sa buhay ko.

          I know that my baby is not at fault. I just blame myself for letting myself get pregnant regardless of my very complicated situation with JD Villafuerte.

          "Nozomi," tawag ko sa atensyon niya. "Can I stay here? Kahit ilang araw lang muna?"

          "You can stay here with me forever, Rina." mabilis na sagot ni Nozomi. "At wag kang mag-alala. I have no ill intension na sabihin sa hayop na JD Villafuerte na iyon na nandito ka."

My Jealous Stepbrother (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon