Chapter 53: Cornered

69.4K 1.1K 251
                                    

Chapter 53: Cornered

Rina's P.O.V

          "Cancel all the negotiations with Rico Villafuerte. Yes. All of it!" seryosong sabi ni JD sa isang lalaking naka-black suit na sumalubong sa amin. "All the meetings, cancel it too! Our share to their company, cancel it!"

          "But Sir we can't just—"

          "JUST GODDAMN CANCEL IT!" malakas na sigaw ni JD dahilan para mapayuko yung lalaking kausap nito at sandaling mapatingin sa amin yung ibang tao bago sila nagsibalik sa mga trabaho nila.

          "R-Right away, Sir Villafuerte." magalang na sagot ng lalaki sabay alis sa harapan namin.

          "Ano ka ba?!" sabi ko sabay hampas sa braso nya. "Bakit mo sinigawan yung tao?!"

          "Because he deserved it! I hate repeating myself and talking to annoying people." sagot nya sabay kuha ulit sa kamay ko at hinila ako papasok sa elevator na naroon.

          Noong una akong ipasok si JD sa napaka laking building na ito, halos lumawa yung mata ko sa karangyaan ng mga gamit nito sa loob maging yung labas nito.

          Kung may lalagpas pa sa Five Star hotel, ito na siguro iyon.

          Yung mga designs ng interior ng reception ng hotel, parang yung mga nakikita ko lang sa mga pages ng international magazine. Pati yung mga gamit mukhang mamahalin. Ultimong basurahan nila mukhang sosyal.

          "Sigurado ka bang dito tayo magchecheck in JD?" alanganing tanong ko matapos sumara ang pinto ng elevator.

          "What do you mean?" kunot-noong humarap sa akin ito.

          "I mean, you know? Mukhang mahal dito. You think kaya mong bayaran yung stay natin dito?"

          Matapos naming magmake out ni JD sa may tambayan nila sa Westside at matapos nya akong alukin na umalis sa mansyon kasama sya, hindi na ako nagdalawang-isip na tumanggi pa.

          Mabilis akong pumayag na sumama sa kanya. After all, ayoko ng malayo pa kay JD.

          Days without him has been hell to me. Kahit na alam kong mali itong desisyong pinili ko, na pwede kong masaktan yung mga magulang namin sa ginawa ko...

          Pumayag pa din ako na sumama sa kanya.

          I think I already suffered a lot. Scarified all the things that I have for those past few years. And I thinks it's about time na pagtuunan ko naman ng pansin yung sarili kong kagustuhan di ba?

          Nakita ko na nag-smirk si JD sa akin then cock his head to the side.

          One of JD's mannerism that I missed and love the most. His cocky, proud and confident smirk.

          "I own this hotel, Rina. Kaya bakit ako magbabayad sa sarili kong hotel?"

          Nakanganga pa rin yung bunganga ko nang tumunog na yung elevator at bumakas na iyon saka kami dinala sa top floor ng hotel—ayon na din sa button na pinindot ni JD sa may gilid.

          "Come on! We still have some things to do so stop idling!"

          "IKAW ANG NAGMAMAY-ARI NG HOTEL NA ITO?!" malakas na sabi ko ko sabay tinakpan ko ng mga kamay ko ang bunganga ko habang napapatingin sa magkabilang side ng corridor para tingnan kung may na-istorbo ba akong tenant.

My Jealous Stepbrother (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon