Chapter 28: The Past Part 1

72.8K 1.1K 173
                                    

A/N: Pagtiisan nyo muna pagmumukha--I mean name ni B.O. Isang chapter na lang syang eepal at tapos wala na sya. Mawawala muna sya sa eksena :D

 Chapter 28: The Past Part 1

Rina's P.O.V

          Ilang oras na magmula ng tawagan ako ni Renji at sabihin kung nasaan si JD.

          Ilang oras na din ang nakakalipas mula ng bantayan ko sya.

          Hindi ko magawang ipikit yung mata ko. Natatakot kasi ako na oras na makatulog ako o kahit kumurap man lang, mawawala sya sa paningin ko.

          Na mawawala si JD sa akin.

          Ilang oras na din ang dumaan ng isugod sya nila Renji dito sa may ospital na ito. At ilang oras na ding walang malay si JD.

          Ang sabi ng mga doktor, baka matagalan pa daw bago magkamalay si JD dahil sa dami ng dugo na nawala sa kanya lalo na sa ulo nya kung saan sya mas natamaan ng kung ano mang bagay na hindi nila masabi sa akin.

          Ilang beses kong tinanong si Renji kung anong nangyari kay JD. Kahit yung iba nyang kaibigan tinanong ko din. Even Third na nandoon din pala sa lugar kung nasaan si JD.

          But no dares to answer me. Lahat sila hindi sumasagot sa mga tanong ko.

          I can see Third anger on his eyes sa hindi ko malaman kung sa tao ba o sa bagay o sa nangyari sa Daddy nya.

          Napakuyom na lang ako ng kamao ko para pigilan yung galit na unti-unting namumuo sa loob ko.

          Nagagalit ako sa lahat! Kay Renji, sa mga kaibigan nya, kay Third, sa mga tanong na hindi nila nasasagot, sa taong gumawa nito kay JD at kay JD na din mismo.

          Ano bang ginawa nya at bakit naging ganito sya huh?

          Kung away ang dahilan, bakit sya nakipag-away? Wala naman akong nababalitaan na may kaaway sya ngayon ah? Magmula ng umuwi kami dito sa Pilipinas, nasa bahay lang si JD o di kaya nasa may Westside, naghahatid-sundo kay Third saka sumama sa mga kaibigan nya sa tambayan nila.

          Wala akong nababalitaang may nakaalitan sya ngayon. Kaya ano bang nangyari?!

          Pero, mas naiinis ako sa sarili ko. Naiinis ako kasi wala akong alam sa mga nangyayari. Naiinis ako kasi wala akong magawa para sa kanya...para kay JD.

          Gusto ko mang saktan ang sarili ko sa pagiging mahina ko ulit, hindi ko magawa. Alam kong wala din namang maitutulong ang bagay na yun sa sitwasyon namin ngayon.

          Dahan-dahan kong inabot yung kamay ni JD na walang nakatusok na dextrox saka napahawak ng mahigpit doon.

          Ilang sandali ko pa syang tinitigan, saka ko marahan inilagay yung kamay ko sa ilalaim ng mga kamay nya saka pinagdikit ang mga kamay namin at hinawakan iyon na mahigpit na para bang nasa kamay nya yung buong buhay ko.

          Unti-unti kong ibinaba ang ulo ko pahiga sa ibabaw ng mga kamay namin na magkahawak saka pinigilan yung luha sa pagpatak mula sa mga mata ko.

          Pero nabigo ako. Bumagsak pa din yung luhang pinipigilan kong lumabas.

          "Bakit mo hinayaan mangyari sa'yo 'to?" kahit yung boses ko parang maiiyak na din. "Malakas ka di ba? Bakit mo sila hinayaan gawin sa'yo 'to huh JD?"

My Jealous Stepbrother (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon