Chapter 59: Confrontation Part 1

55.7K 1K 317
                                    

Chapter 59: Confrontation Part 1

Rina's POV

            Marahas kong iniling ang ulo ko nang maramdaman ko na may nagtatanggal na ng piring na nasa mata ko.

          Agad kong tinapunan ng masamang tingin ang mga lalaki na nakatayo sa harapan ko matapos mawala ng tela na tinakip nila sa mata ko para hindi ako makakita ng ilang oras.

          "Sino kayo huh?! Saan nyo ko dinala?! Bakit ako nandito?!" malakas at galit na sabi ko habang pinipilit kong hilain ang mga kamay ko mula sa pagkakatali noon sa likuran ko sa upuan na pinaglagyan nila sa akin.

          Imbes na matakot ako sa kanila, mas lalo lang akong nakakaramdam ng galit.

          Ilang beses na ba ako na-kidnap? Ilang beses na bang may nagtangka ng masama sa akin? Halos hindi ko na mabilang.

          Magmula nang makasama ko si JD, lagi na lang ganito ang nangyayari sa akin. Sa tingin ba nila masisindak pa nila ako sa pagkuha nila sa akin ngayon?

          Huh! Kung akala nila matatakot nila ako, pwes nagkakamali sila!

          "Ano ba?! Pakawalan nyo ako dito!" malakas na sigaw ko sa kanila.

          Lima sila na nakatayo sa harapan ko at lahat sila sa akin lang nakatingin.

          "Kung may balak kayong gawing masama sa akin, pwes gawin nyo na at nang makaalis na ako dito!"

          Pinilit ko ulit na alisin yung pagkakabuhol ng tela sa mga kamay ko pero hindi ko pa din iyon maalis.

          "Chill ka lang, Miss! Wala kaming gagawing masama sa'yo."

          Biglang napaangat ang tingin ko sa lalaking nagsalita. Siya yung naninigarilyo sa kanilang lima at nakatayo sa mismong harapan ko.

          "Walang gagawing masama? Eh ano ba yung ginawa nyo sa akin kanina huh?! Hindi ba iyon masama?!" sabi ko saka hinila ulit yung mga kamay ko.

          Kailangan kong makaalis dito. Kailangan kong makita si JD at magpaliwanag sa kanya.

          Kailangan ko ng sabihin sa kanya ang totoo ngayon.

          "Miss, pinatulog ka lang namin sandali. Wala kaming makitang masama doon." sagot ulit nung lalaking naninigarilyo saka nito tinapon sa sahig yung sigarilyo nito at inapakan iyon.

          Tinapunan ko ng masamang tingin yung lalaki na iyon.

          "Pakawalan nyo ako dito kung hindi masasaktan lang kayo kay JD!"

          "Huh? JD? Sino yun?" sabi nung isa sa kanila.

          Bigla akong natigilan sa sinabi nung isang lalaki. "H-Hindi nyo kilala si JD?"      

          "Hindi. Bakit? Sino ba 'yun? Syota mo?"

          Muli na naman akong natigilan sa sinagot nila sa akin.

          Kung hindi nila kilala si JD, ibig sabihin hindi sila kaaway ni JD?

          "S-Sinong nagpakuha sa akin at nagpadala dito?" tanong ko saka ko inikot yung paningin ko sa paligid ko.

          Nasa loob ako ngayon ng isang kwarto. Hindi ko masasabing pang mayaman ang kwarto na ito pero tingin ko nasa loob ako ng isang kwarto sa isang mumurahing motel. Malinis at maliit lang.

My Jealous Stepbrother (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon