Chapter 32: Still In Love

81.3K 1.2K 227
                                    

Chapter 32: Still In Love

Rina's P.O.V

          Friday. Isang araw bago ang birthday ni Third. Damang-dama na sa loob ng mansyon ng Villafuerte ang tensyon para sa paghahanda para sa magiging party bukas.

          At si JD Villafuerte? Yung kakauwi lang sa bahay matapos mawala ng dalawang araw, ayun! Parang walang pakialam sa magiging birthday ng anak nya.

          At alam nyo ba kung ano pang mas nakakainis? Yung panonood na naman nya ng mga walang kwentang business channel sa TV! Samatalang kami halos masiraan na ng bait sa kakaisip ng pwedeng ibigay na regalo kay Third.

          Hindi ako mahilig sa mga parties. Pero para kay Third, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para mabigyan sya ng isang maayos na birthday party. After all, he deserve something like that in return for all his hardship.

          At isa pa, nasabi sa akin ni Papa na bukas din daw pormal na ipapakilala si Third bilang isa sa mga Villafuerte sa media.

          Oo. Imbitado din ang media sa birthday party ni Third. Mahigpit aking tumanggi sa idea na iyon ni Papa pero nagpumilit sya. Na kailangan daw ipakilala si Third sa lahat bilang susunod na tagapagmana sa mga ari-arian ng mga Villafuerte.

          Tinapunan ko ng masamang tingin si JD doon sa panood nya sa sala ng mga boring na palabas.

          Hanggang ngayon malaking pala-isipan sa akin yung panood nya ng mga palabas na may kinalaman sa business.

          Nang hindi pa din makaramdam si JD sa mga masasamang tingin ko, inis akong tumayo mula sa pagkakaupo ko sa may counter ng kusina saka lumapit sa lugar nya at inagaw mula sa kamay nya yung remote sabay pinatay ko ang TV.

          "What was that for huh?!" inis na sabi nya.         

          "What was that for?!" ulit ko sa sinabi nya. "It's for my peace of mind!"

          Wala na akong pakialam sa iba pa naming kasama sa bahay tutal naman nasa business trip si Papa ngayon kasama si Mama at nasa school pa si Third kaya hindi ko ba kailangang mag-alala kung magtaas man ako ng boses o hindi.

          "Go sleep and have some peace of mind." tipid na sabi nya saka balak agawin ulit sa kamay ko yung remote pero hindi ko iyon binigay sa kanya sa halip tinago ko iyon sa likuran ko.

          "Hindi ka ba tutulong sa pagpaplano sa party bukas huh?!" hindi makapaniwalang sabi ko.

          "Why should I? I hate planning and party so why will I bother myself? It will be a waste of time."

          "Waste of time?!" malakas na sabi ko. "It's your son's birthday for Pete's sake!"

           I think he was moved sa sinabi ko. Nakita ko ang panlalaki ng mata nya for a few seconds tapos bumalik na din sa normal nyang itsura yung mukha nyang laging walang ekspresyon.

          "You cursed." that wasn't a question. Just plain statement. "You stop that, Rina." he give me a warning tone and look.

          "Did I curse? No I wasn't! That was just an expression!"

          Nagawa pa nya akong pagbintangan na nagmumura. Ang hilig talaga gumawa ng away ng JD Villafuerte na 'to! Nakakainit sya ng ulo!

          Tinitigan nya ang mukha ko ng ilang sandali. Hindi ko alam kung anong nakita nya sa mukha ko at naglabas sya ng isang malalim na buntong-hininga.

My Jealous Stepbrother (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon