Chapter 37: Meeting the Gang

74.4K 1.2K 181
                                    

Chapter 37: Meeting the Gang

Rina's P.O.V

          "You're saying that you'll be working with that bastard, is that it?"

          Madiin yung hawak ko sa sandalan ng inuupuan ni JD. Nandito nga pala kami sa may greenhouse ng mansyon. Sa paboritong lugar ng Mama nya.

          Alam kong magagalit si Tita na nasa langit dahil ginamit ko yung pinaka espesyal na lugar sa bahay para kumbinsihin na papayagin si JD na hayaan akong makapagtrabaho bilang model sa company ni Xander alang-alang sa graduation ko.

          Dito ko sya dinala matapos ko syang puntahan doon sa kwarto nya at makipag-usap.

          Sinabi ko na nga din pala sa kanya yung totoo. Pero hindi ko sinabi yung pagdala sa akin ni Xander sa may gym at maging yung  naging pag-uusap namin doon. Mahirap na. Baka mas lalo lang dumagdag sa posibleng galit ni JD ngayon kapag nalaman nya ang tungkol sa bagay na iyon.

          Mas pinili kong masabi ng kaunting totoo kaysa magsinungaling kay JD dahil alam ko higit na kanino kung gaano nagagalit ang isang JD Villafuerte oras na magsinungaling ka sa kanya.

          Hindi ko makita yung reaksyon ng mukha nya matapos kong ikwento yung tungkol sa final project namin. Nasa likuran nya kasi ako at nakahawak doon sa may sandalan ng upuan. Alam nyo na? Bilang suporta at pampalakas ng loob para masabi kay JD na magkakasama kami ulit ni Xander sa iisang lugar at trabaho.

          "And you're telling that you have no choice but to go with the idea, am I right?"

          Dahan-dahan syang lumingon sa akin. Lihim akong napalunok at mas napadiin yung hawak ko sa may sandalan nang makita ko yung madilim na mukha ni JD.

          Hindi sya natutuwa sa mga sinabi ko.

          "Pero JD naman! Intindihin mo naman na kailangan ko si Xander para—"

          "What?" putol nya sa mga sinasabi ko. "Did you just tell me that you need that jerk?!"

          Napalunok ulit ako nang magtaas na ng boses si JD saka sya tumayo at humarap sa akin.

          "You're telling me that you need that guy over me?!"

          "Hindi naman sa ganoon..."

          Ang hirap nya talaga pakiusapan kahit kailan. At ang hirap nya ding kausap!

          Sabagay, ano pa bang aasahan ko? Eh si JD Villafuerte 'tong kausap ko?

          The self-centered, just-matured-but-happens-to-be-I'm-just-imagining-this-thing, hot temper warlord stepbrother of mine.

          'Ano ba kasing naiisip mo Rina? Na basta-basta na lang papayag si JD na sumama ka at magmodel para doon sa ex-boyfriend mo huh?!' kastigo sa akin nung boses sa utak ko.

          Well, alam ko na naman na iyon pero hindi naman masamang umasa sa himala di ba?

          "JD, I need this! Kailangan kong makagraduate! Intindihin mo naman!"

          Kulang na lang lumuhod ako sa harapan nya mapapayag lang sya. Kung kanila Mama at Papa wala akong naging problema, kay JD malaki. Sobrang laki.

          Nagtataka siguro kayo kung bakit sobrang big deal para sa akin na papayagin si JD tungkol sa bagay na ito eh hindi naman sya nagpapaaral sa akin.

My Jealous Stepbrother (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon