Chapter 50: Rina

70K 1.1K 319
                                    

Chapter 50: Rina

Renji's P.O.V

          "Hoy mga kapwa ko pogi! Kumusta na—"

          Biglang nahinto yung balak ko sanang pagpasok sa loob ng tambayan nang may bigla na lang lumipad na upuan sa direksyon ko.

          "Tae! Ano iyon?! Kailan pa nagkaroon ng lumilipad na upuan sa tambayan natin huh?!"

          "Pre tama na yan!"

          "Bitawan nyo nga ako!"

          Kumunot yung noo ko nang makita ko na magulo yung loob ng tambayan. Halos wala na akong makilala sa mga gamit namin sa loob.

          Nakakainis naman o! Galing pa namang Japan lahat ng bagong gamit namin dito tapos sinira lang nila?!

          "Hoy! Sino nanira sa mga gamit ko ah?! Mahal 'yan! Magsibayad kayo!"

          "SHUT THE FUCK UP!"

          Bigla akong yumuko nang may bigla na namang lumipad na bagay sa direksyon ko. Usong-uso ngayon nagliliparang gamit dito ah! Saka bakit sa akin lang lahat ang punta?!

          "Ano bang problema dito?" tanong ko kanila Sean at Ronan nang bitawan na nila yung nagwawalang si JD.

          Napatingin yung dalawa kay JD na naupo doon sa may sofa sa gitna ng kwarto ng tambayan at lumalaklak ng alak.

          "Ilang araw na syang ganyan. Vitamins na nya alak." sabi ni Ronan.

          "Eh anong bago doon? Yan naman talaga vitamins nya?"

          "Sira! Wala na syang ibang ginawa kundi uminom!" sagot naman ni Sean.

          "Wee? Eh ano ba yung pag-upo nya? Yung pagtayo? Yung paghinga? Yung pagsasalita? Di nya ba ginawa yun?" 

          "Wag ka ngang pilosopo!" sabi ni Ronan sabay batok sa akin. "Seryosong usapan tayo dito!"

          "Eh ano ngang nangyari? Bakit ba sya nagkakaganyan?"

          "Tsk! Para namang si mo alam!" sabi ni Sean. "Ang hilig mo kasing magbalik-balik sa bansa nyo kapag may problema dito! Ang galing talaga ng timing mo eh no? Pag may problema dito bigla kang nawawala tapos lakas pa ng loob mo magtanong? Upakan kaya kita dyan?!"

          "Ganoon talaga!" pang-aasar ko kay Sean sabay nagpeace sign pa. "Para naman magtrabaho din kayo ano! Pero ano nga nangyari?"

          "Nalaman na nila Tito tungkol sa kanila ni Rina." seryosong sabi ni Ronan sabay tingin na naman kay JD. "Kaya ayan! Nagwawala yung isa! Di nya kasi mahanap si Rina. Nilayo ni Tito."

          "Sus! Para namang big deal si Rina! Babae lang iyon ano!"

          "Hindi lang sya basta-basta babae, fucking bastard!" galit na sabi ni JD sabay harap sa amin.

          Ngumisi ako sa sarili ko saka ko pinagkrus yung mga braso ko sa tapat ng dibdib ko.

          "Bakit? Ano ba si Rina? Transgender?"

          "I don't have time to do some fucking shit talk with you, asshole!" sagot ni JD sabay bato sa amin ng bote na hawak pero sabay-sabay namin iyong nailagan nila Sean at Ronan.

          Ganyan talaga pag mga tunay na pogi! Galing umilag!

          "O anong gusto mong gawin ngayon? Uminom na lang habang-buhay? Sige! Gusto ko yan! Kapag namatay ka, sa akin mo pamana yung mga yaman mo ah? Don't worry! Hindi ko papabayaan yung pamangkin kong bayawak. Bibigyan ko sya ng one million pang-College."

My Jealous Stepbrother (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon