Introduction (Part II)

25.5K 747 91
                                    

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko, at nangangatog ang mga tuhod ko sa kaba at pinilit na buksan ang doorknob ng pinto. Naiiyak na ako sa nangyayari, ang tanging nasa isip ko lamang ang makalabas sa impyernong pamamahay na 'to.

Ngunit naramdaman ko ang mahigpit na pagkakahawak sa buhok ko na ikinabitaw ng pagkakahawak ko sa doorknob. Naramdaman kong mahigpit niyang hinawakan ang magkabila kong braso na tila malulusaw ang mga buto ko sa sobrang higpit

"S-S-Sir b-b-bitawan m-mo 'k-ko! N-N-Nasasaktan a-ako s-s-sir!" Pilit na pagmamakaawa ko sa kaniya ngunit walang awa niya pa rin akong kinaladkad.

"Shut the fuck up!"

Naramdaman ko na lamang na binuhat niya ang katawan ko na parang isang sako af inilagay sa kaniyang balikat. Nagsisisigaw na ako at pilit na kumakawala ngunit sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa katawan ko at hindi ako makawala.

Napaluha na lamang ako sa mga nangyayari. Bakit niya ginagawa sa akin ito? Nagkaroon ba ako ng atraso sa kaniya upang gawin niya sa aking 'to?

Naghahalo ang mga katanungan sa isip ko habang naglalakad siya, hindi na rin ako nagpumiglas dahil nagsasayang lamang ako ng energy.

Narinig ko na lamang na nagclick ang doorknob at ang kaninang madilim na paligid ay mas lalong dumilim nang pumasok kami. Nang isara niya ang pinto ay nagulat ako ng bigla niya akong ihagis sa sahig.

"Ahh... A-Aray!"

Napadaing ako sa sakit nang tumama ang likod ko sa sahig. Napakagat ako ng labi nang tumama ang siko ko sa gilid ng drawer at tila nalusaw ang buto ko sa hapdi.

Mangiyak-ngiyak ko siyang nilingon na kasalukuyang nilock ang pinto, humarap siya at sumalubong sa akin ang kaniyang nanananliksik na mga mata.

Bumuhos ang mga luha ko. "S-S-Sir... B-Bakit?!" Pagmamakaawang tanong ko sa kaniya, ngunit wala akong nakuhang sagot.

Nanghihina man ay sinubukan kong tumayo, kahit sobrang sakit ng likod ko. Hanggang sa naramdaman ko ang presensiya niya na papalapit sa akin.

Nagsimula akong humakbang paatras. "S-S-Sir M-M-Marcus..." Unti-unti siyang lumapit sa akin habang ako ay paatras ng paatras, hanggang sa maramdaman ko ang matigas sa pader sa aking likuran. He cornered me at nagulat ako nang hawakan niya ng mahigpit ang panga ko at sinalubong ako ng nananaliksik niyang mga mata.

"S-S-Sir, n-n-nasasaktan p-po ak---" Naputol ang sinasabi ko nang isang gawad ng malakas na sampal ang natanggap ko mula sa kaniya.

Halos humiwalay ang kaluluwa ko sa lakas ng pagkakasampal niya sa akin, kaya hindi ko naiwasan na mapaiyak. Muli niyang hinawakan ng mahigpit ang panga ko at pwersahang ipinaharap sa kaniya.

"I don't fucking care!" Mangiyak-ngiyak ko siyang tinitigan sa mata ngunit wala akong nakita ni katiting na awa sa kaniya.

Bakit ba napakawalang-puso niya?!

Muli niyang sinubukang buhatin ang katawan ko, ngunit nagpumilit akong magpumiglas. Pinilit kong itulak ang kaniyang dibdib ngunit tila nagtutulak lang ako ng matigas na pader.

Hanggang sa maramdaman ko ang pagtama ng isang malakas na kamao sa aking tyan halos ikinahina ng katawan ko. Napaubo na lamang ako sa sakit at hindi ko namalayan na sunod-sunod na pala ang mga luhang rumaragasa sa pisngi ko.

Abused by the Deceptive Professor [BxB]Where stories live. Discover now