Maruja

41 2 0
                                    

———

Si Maruja ay isang babaeng diborsyada sa edad nitong dalawampu't limang taon gulang. Nakipaghiwalay ito sa kaniyang asawa na si Ruberto matapos malaman na may ibang babae ang lalaki.

Labis na pagdurusa ang sinapit nito sa piling ng asawa. Simula nang malaman nila na hindi siya maaring magbuntis ay nag-iba na ang pakikitungo nito sa kaniya. Naging mainitin ang ulo nito, lagi siyang sinisigawan at pinagbubuhatan pa ng kamay. Pero tiniis ni Maruja ang lahat ng iyon dahil sa pagmamahal n’ya sa lalaki. Ngunit nang kaniyang malaman na may iba na pala ito, hindi iyon natanggap ni Maruja kung kaya't nakipaghiwalay siya rito.

At ngayon nga ay maga-apat na buwan nang naninirahan nang mag-isa si Maruja. Nakatira ito sa pinakaliblib na probinsya na iyon ng Iloilo, kung saan halos iilan lang ang mga pamilyang makikita na naninirahan.

Tuwing sasapit ang umaga, lagi itong nakikita sa harapan nang nakabukas na pinto ng kaniyang bahay. Halos lahat ng taong nagdaraan sa tapat ng bahay nito'y napapalingon sa kaniya. Sa loob ng apat na buwan, ganito lagi ang eksenang makikita sa bahay ni Maruja. Siya, habang nakaupo sa tapat ng pinto at nakatulala.

"Maruja, ayusin mo naman ang sarili mo. Iniwan ka lang ng asawa mo pero hindi pa katapusan ng mundo!" litanya ng kapitbahay n'yang si Kusing. Hindi n'ya ito binigyan ng pansin, ni hindi n'ya man lang ito nagawang lingunin dahil puno pa rin ng problema ang kaniyang isipan, "tingnan mo nga iyang sarili mo, ni hindi ka pa yata naliligo! At ang bahay mo, ang gulo-gulo na, ang baho pa!"

Naipikit nang mariin ni Maruja ang sariling mga mata. Alas singko na naman sa hapon, malapit nang sumapit ang gabi. Makikita sa pagmumukha ng babae ang takot at pangamba sa isiping magtatakip-silim na naman.

"O sige, tutal ay parang wala ka naman balak makinig sa akin, uuwi na ako. Hay naku!" nang marinig ang sinabi na iyon ni Kusing ay mabilis na nagmulat ng mga mata si Maruja. Namimilog ang mga mata nitong tumitig sa papaalis na babae.

"Kusing! Sandali lang," pigil ni Maruja sa kapitbahay nito, "h-hindi ba maaring samahan mo muna ako? Kahit ngayon gabi lang," pakiusap n'ya rito.

Nangunot ang noo ng kapitbahay nitong babae. Iniisip nito kung bakit kailangan pang magpasama sa kaniya ni Maruja.

"At bakit naman, Maruja... hindi ka pa rin ba sanay nang nag-iisa? Aba'y, apat na buwan ka na rin namang nag-iisa, ah."

Natigilan si Maruja sa tinuran ng babae. Muli na naman nanindig ang kaniyang mga balahibo sa katawan. Isipin pa lang na isang gabi na naman ang lilipas nang nag-iisa siya'y nilalamon na ng takot ang puso n'ya, ngunit hindi nakalagpas kay Maruja ang mga sinabing iyon ng kapitbahay.

"Sabihin mo lang kung ayaw mo, hindi iyong marami ka pang satsat!" sigaw n'ya sa babae bago padabog na sinarado ang pinto ng kaniyang bahay.

Mabilis n'ya iyon kinandado at nagmamadaling umakyat sa pangalawang palapag ng bahay. Dalawa ang kuwarto ng bahay na iyon, ang isa sa kanan ay ang kuwarto nilang mag-asawa noon, habang ang sa kaliwa naman ay ang kuwarto sana nang magiging anak nila. Agad na nagkandado ng kuwarto si Maruja, mabilis itong humiga sa kama at pinilit ang sarili na matulog.

Nagising siya dahil sa init na nararamdaman. Namilog ang kaniyang mga mata nang makitang walang ilaw ang buong kuwarto.

Brownout!

Mula sa liwanag na nagmumula sa buwan na tumatagos sa kaniyang bintana ay tanaw n'ya ang malaking orasan na nakasabit sa pader ng kaniyang kuwarto— alas-tres!

Eksaktong alas-tres na naman sa madaling araw! Mabilis siyang nagtago sa ilalim ng kaniyang kumot habang ramdam ang panginginig ng sariling katawan. Kailangan n'yang makatulog ulit, hindi puwedeng hindi siya makatulog agad.

Espasiyo ng PusaWhere stories live. Discover now