Chapter 14: Under [REVISED]

Start from the beginning
                                    

"Would you f**king shut up!?" Gigil na suway nito sa akin gamit ang halos pabulong na boses sabay sipa sa aking hita. "You do not want to wake the neighbors, would you!?"

Sa pananalita't itsura nito ay para akong nabunutan ng tinik dahil nakumpirma kong buhay pa ako, ngunit agad ding nag-init ang ulo ko. "Aha! Ikaw na naman? Ikaw 'yung-- aray ano ba!? Nakakasakit--"

"I said shut up!" Suway at sipa na naman nito sa akin. Nakakailan na 'yan ah. Alam niyo, itsura lang talaga pagkakahawig namin nito eh, pero ang layo ng ugali namin sa isa't isa. "Now get up before I lose my cool."

Iritable man ay tinulungan ko na lang ang sarili kong tumayo tulad ng sinabi niya. Pareho kaming nagbatuhan ng matatalim na tingin sa isa't isa. Naalala ko tuloy ang una naming pagkikita, ganitong-ganito rin ang nangyari noon at nauwi lang sa pagbabasag-ulo. Hindi na ako magtataka kung mangyayari ulit 'yon.

Umiling na lang siya saka naglakad papasok sa isang malaking gusali. Laking pagtataka ko naman nang himinto siya sa entrance nito saka lumingon sa akin. "What-- did I hit you too hard you can't lift a leg?" Imbis na sumagot ay sinimangutan at tinitigan ko lang siya. Doo'y lumapit siya sa akin at laking gulat ko nang marahas niyang hinablot ang braso ko. "You're not getting away this time. You're coming with me."

"Huh? Bakit naman--" Akmang manglalaban na sana ako nang magpatay sindi ang ilaw malapit sa amin kasabay ng paglitaw ng mga kuryente sa kabila niyang kamay. "Oh eto na nga susunod na. Can't you joke? I kidder, relaxation."

Kitang-kita ko kung paano nagbago ang ekpresyon ng mukha niya mula sa galit papunta sa pandidiri matapos ang sinabi ko at agad akong binitawan. "Damn, your mouth and breath punch harder than you."

Kasamaan talaga ng ugali. Pasalamat siya wala akong lakas ngayon. Kung nagagamit ko lang talaga lightning magic ko, papalagan ko 'to eh. Iyon lang at tinalikuran niya na ako upang pumasok sa loob ng gusali. Sinundan ko na lang siya tulad ng gusto niyang mangyari total wala na rin naman akong cho-- choic-- chores. Basta 'yon, ako masakit na ulo ko ah. Sino kaaway ko?

Pareho lang kaming tahimik ng kasama ko habang sinusundan ko siya. Sa kung anong kadahilanan ay hinayaan ko lang ang sarili ko na magpatianod sa nangyayari. Hindi ako makaramdam ng pagkabahala na baka may gawin lang siyang masama sa akin tulad ng mga taong nakasalamuha ko magmula noong mapadpad ako rito sa Castrafort. O baka napagod lang ako sa lahat nangyayari magmula nang mangyari lahat ng 'to. Depresyon na ata 'tong nararanasan ko.

"If what you said to me back then is true, then you're lucky I was the one who found you lying on the dumpsters and not the soldiers." Bahagya akong nagulat nang basagin niya ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Doon ko lang din naalala ang nangyari sa akin bago ako mawalan ng malay.

"Ay oo nga!" Bulalas ko sabay palakpak dahilan para lingunin na naman ako nito nang nakasimangot. "Hanep na babae 'yon may mind magic, ginamitan ako ng ilusyon kaya ako nakatulog!"

"Mind magic-- just how dumb are you, huh!?" Pag-iinsulto nito sa akin na hindi ko na lang binigyang pansin. Kung hindi niya ako paniniwalaan, edi hindi. Nagsawa na ako ipaintindi sa mga tao rito ang lahat. If it's not you, it's me. Ganoon lang 'yon kasimple. Basta nalalapit diyan 'yung gusto kong iparating.

Huminto siya nang marating ang isang pinto. Akmang bubuksan niya na ito nang matigilan siya. "Hey, dumb sh*t," tawag nito sa akin saka humalukipkip. Tinignan ko siya nang may nagtatakang mukha. "Why don't you open the door?"

"Huh? Bakit ako pa? Hindi ka ba marunong magbukas ng pinto?" Sarkasitko kong tanong dito nang humahagikgik. Nahagip ko ang pagtaas ng kilay niya, senyales na nainis siya sa sinabi ko. Buti nga sa kanya.

IdenticalWhere stories live. Discover now