SCHOOL RUMBLE 7

64 1 0
                                    

SCHOOL RUMBLE 7

YVAINE

Uneventful naman yung exam namin sa ethics, may guy na ngayon ko lang nakita, shit CRUSH ko na si Kuya ano kaya name niya? Medyo hawig niya yung authistic na classmate namin pero mas cute siya. Yung accounting naman namin mahirap grabe sana lang talaga kahit kalahati eh nakapasa ako. At palagi kong nakikita si Prof yung mga baliw ko namang friends palagi tinatawag si Prof palagi naman akong nagtatakip ng mukha o kaya naglalakad ng sobrang bilis kapag nag hehello siya sa’kin.

Nakakainis lang, bakit ganun yung reaction ko kapag nakikita ko yun feeling siguro nun may crush ako sa kanya. Kapalmuks lang nun, pero totoo naman na nagkacrush ako sa kanya pero hindi na ngayon. Lab na namin ngayon talaga namang ayoko kapag lab na namin kasi palagi siyang late, tuad ngayon 30 minutes na siyang late. Aga – aga kong pumasok tapos siya late makakatikim talaga yun mamaya. Prof ko yun pero hindi ako takot dun tapos parang student lang ang tingin ko sa kanya para naman kasi talaga siyang student lang kung pumorma kasi siya eh pang student talaga.

“Ang tagal naman ni Sir itext mo na nga yun ang tagal niya kamo”alam na kung sino yun “Why would I text him? I don’t have his number and I don’t want to text him” palagi talaga akong bad trip kay Don’t Panic Prof grabe lang “Ayan na” buti naman naisipan mong dumating na. “Sir, aga natin ah” ngumiti lang ang loko grabe naku masasakal ko talaga Si Don’t Panic Prof. “Oo nga eh traffic kasi kaya maaga ako” sabihin mo tamad ka lang gumising ng maaga nagdadahilan ka lang na traffic.

Hi Yvaine” girl, huwag nang magreact “Don’t you have an alarm clock at home or ordinary clock or something? You’re 30 minutes late in case you haven’t noticed”bwisit talaga siya “Miss me already?” wow ha kapalmuks talaga tong unggoy na to. “Never, why would I even bother missing a monkey like you?”burn baby, burn “Ouch, Sir wala ka pala eh” sabi nung kuya na nakaOJT ngayon. “Pakipot ka pa Yvaine, alam ko naman na namiss mo talaga ako”OhmG grabe na kakapalan ng mukha nito.

You know Prof this will get you nowhere but in the hospital bed”kung pwede lang talaga bugbugin to eh ginawa ko na. “Ya, because I will be there when you give birth to our child”I am speechless in a wrong way “Yan lang pala makakapagpatahimik sa’yo eh” damn you to hell! “You’re so full of yourself, you simpering jackanape I’d rather be a middle aged spinster with forty cats than end up with an arrogant swine like you” just give us an activity so I can finish it and be gone in this godforsaken place called computer laboratory.

Hahaha wala ka pala Zoren eh, sabi nung friend niyang prof din “Sir, kunin niyo na lang po yung gagawin namin kawawa naman kayo eh” sabi ni Ate Wilma hindi pa ako tapos sa Prof na yan bumalik ka dito nang mapatay na kita “Girl, tama na yan kaya trip kang asarin ni Sir, eh kasi pikon ka” hindi na nga lang talaga ako magsasalita. “Income statement, tsaka balance sheet ang gawin niyo"salamat naman at may pinagawa ka na leche ka. “Girl patingin nga nung kopya mo?” sabi ni Ate Wilma dahil na na ako dun sa isa pinahiram ko muna yung kopya ko.

After 1 hour natapos ko na yung pinagawa niya ngayon naman puro Facebook na lang at pag-uupdate ng library ko sa wattpad ang aasikasuhin ko mamaya ko na isasave yun. After 5 minutes ng pagscroll sa home ng fb ko tinamad na ako ni-log-out ko na at ngayon wattpad naman ako. Ang bagal naman ng mga kasama ko ko palibhasa late si Ate Wilma at Ate Betty ka ganyan kami palagi ni Xyra ang maagang dumadating. Late na nga si Don’t Panic Prof eh late pa yung dalawa tapos na din si Xyra fb na lang din ang ginagawa niya.

Yvaine, are you finished?”tanong niya sa’kin girl keep calm “Yes I’m done”  sagot ko na ngiti naman siya anong special dun? Malapit na magtime “Ok, class pakisave na yung mga gawa niyo”ayan na naman yang pagsasave diyan ako nadali nun eh. Shit naman ang hirap isave nito “Sir” ang hirap naman eh pati si Xyra nahihirapan na “Sir, save it” sabi ko “There’s instruction on the board” aba ako naman ang sinungitan ngayon . Uh-uh you don’t do that to me “Sir, save it na kasi” ang hirap kaya ng pinagagawa niya “Ok, it I’ll save it you watch so you can do it on your own”sabi niya whatever Prof “Why would I do it if you can do it for me?” sabi ko natatawa na naman yung buong class “What if I’m not around?” tanong niya.

The OJT students can do it for me” sabi ko natawa siya, usual reaction niya na yun kapag nagkakasagutan or nag-uusap kami. Wait lang pala, nung sinasave niya yung gawa ko last week at ngayon halos yakapin na niya ako. Pasimpleng manyak din tong Professor na to eh, may bago na siyang name ‘Pervert Prof’o kaya ‘Prof Manyakis’ nakakainis talaga. Tinuruan niya naman sunod sila Xyra bakit kasi ako lang yung kilala niya sila Xyra hindi.

Napapaghalata tuloy na may HD yun sa’kin, naman sa ganda kong to marami ang nagkakaganun sa’kin. Kumontra BITTERELLA much haha, makakapagpasaya lang siguro sa’kin eh si CRUSH pero lately hindi na naman siya pumapasok. CRUSH, para sa’kin pumasok ka ha kahit para sa’kin lang naman huwag na dun sa mga malanditera na nasa labas. Ang aarte kala mo naman mga kagandahan eh ubod naman ng KAPANGITAN.

Mayabang ako na sabihin na maganda ako, kasi totoo naman at may mapagmamayabang din ako na talino eh sila? Pangit na nga ubod pa ng arte tapos BOBITA Jones naman, di ba? At least ako maganda talaga ako CRUSH, sila feeling maganda lang kaya sa’kin ka na lang ha. “Girl, kawawa talaga sa’yo si Sir Zoren” talagang kawawa yun sa’kin. “Mas magiging kawawa siguro sa’yo si Sir kapag nagging kayo na nun battered boyfriend ang peg” ew naman yuck, yuck,yuck, No, never in a million years “Like ew, that will never happen you have to take my eyes out, and cut my tongue, pull my voice box out and make me deaf for that to happen” sana naman hindi nila gawin yun hahaha. “Red, huwag magsalita ng tapos”bakit ba feeling ko binubugaw nila ako dun sa Professor na yun lalo na si Ate Betty “Why are you ganging up on me?” as usual nose bleed daw sila.

---

Ranyalove

School Rumble: Miss Panicking vs Don't Panic ProfWhere stories live. Discover now