SR.21

31 1 0
                                    

Yvaine

Damn, ang sakit ng ulo ko kasalanan to nung walanghiyang yun eh. May importanteng meeting pa naman ako with a client.

"Ricka, nandiyan na ba si Mr. Majid?"

Late na ako sa meeting, shit. Ano ba naman Yvaine dumating lang yung asungot na yun nawala na ang focus mo?

"Kadadating lang po Ma'am" naligo na ako tapos nagbihis hindi na ko mag-aalmusal para hindi ako malate ng todo.

"Ma'am, nakasimangot na ang gwapo pa naman tapos sisimangot lang"

Sakalin kaya kitang lukaret ka? Hindi na inalala ang boss niya. Oh em, ang gwapo nga bet ko.

"Mr. Majid, I am so sorry for being late something came up" ang galing magdahilan haha.

"I will let it slip for now, now down to business. Our company chose you because your designs fit our style and because of the quality . . . . "

Naman, ang laking client nito makakabuti para sa negosyo ko. Dapat makuha ko to.

"Ikaw ang exclusive na magsusupply ng shoes na gagamitin sa Paris at New York fashion week. At the same time ang mga shoes na idedesign mo para sa'min sa fashion week ay exclusive din na mabebenta sa stores namin worldwide"

Wow, ang laki naman pero keri yan para sa fashion haha. Mapopromote din ang business ko niyan.

I love it na.

"Thank you, dahil ako ang napili niyo Mr. Majid hindi ko po kayo bibiguin." All smiles yun pero poker face pa rin siya.

"Huwag ka munang magthank you Ms. Gyllenhaal dahil malalaman natin matapos ng fashion show ang resulta. Tsaka ka na lang magthank you kapag maganda ang feedback ng press. By the way make sure na hindi maaoutshine ng shoes yung clothes"

Yes, I got it haha!

"Kailangan ko pong makipagcoordinate sa designer niyo para naman fit yung designs ko para sa damit"

"My secretary will fax you everything you need" after nun nagpirmahan na kami.

"Ms. Gyllenhaal, welcome to the House of Eclaire" shake hands tapos umalis na siya.

Yehey, nakuha ko yung project may 8 months pa naman ako bago magNew York fashion week after a week naman ang Paris fashion week.

Sapat na panahon yun para sa pagdedesign ko at sa production.

"Wowza, ang gwapo nung papa bago mong jowabels? No, paano na si Zoren niyan?" OA ni bakla.

"OA mo, bagong client natin yun VP ng house of Eclaire si Mr. Majid"

Kung makatili naman si bakla kala mo nirarape.

"Talaga? Big time ka na bakla, di magcecelebrate tayo niyan? Manlibre ka naman madame" mukha tong libre.

"Hindi, bwinisit mo ko eh"

"Madame, naman minsan ka na lang manlilibre eh. Sige na hindi na kita kukulitin tungkol kay Papa Z"

1 message received

From: +63932*******

Love knows no bounds.
Giving up is never an option

- ZOREN SEBASTIAN

Bwisit, ang ganda na ng mood ko kanina eh kasi nakikita ang ng hot papa pero ngayon hindi na.

"Oh, bakit biglang umasim ang mukha mo bakla? Oh em ang sweet naman ni Papa Z"

Bakit ba nagiging bitter ako bigla?

"Walanghiyang malanding kalabao ka, bakit binigay mo sa kanya number ko?" Bwisit nasan ba loyalty niya?

"Madame naman sorry na, ang gwapo niya kasi basta na lang kumilos yung mga daliri ko"

Napakalandi talaga ng kalabao na to

"At FYI lang ha, sa ganda kong to tatawagin mo kong kalabao mahiya ka naman sa nail polish ko"

"Eh kung ilibing kaya kita ng buhay sa pagawaan ng fertilizer. Bwisit kang bakla kalabitin ka lang lumalandi ka na daig mo pa babaeng manok"

Like ew bakit ba yun ginawa kong example! I have a severe phobia kaya pagdating sa mga manok, ducks, geese basta lahat ng birds.

"Kaya nga sorry na madame di ba? Huminahon ka nga baka magkawrinkles ka ng maaga niya sige ka ikaw rin"

Sa bwisit ka sinabutan ko si bakla habang sabunut ko siya lumibot kami sa office ko.

"Ouchies, naman my friend ang daming namatay na brain cells niyan. Sige ka mawawalan ka na ng maladiyosang accounting director niyan"

Manakot pa, itong baklang to may araw din to sa'kin

"Sinong tinakot mo? Pwede naman ako maghire ulit ng bagong accounting director"

Maasim na rin mukha ni Baklang Saulo.

"Whatevs madam, inggit ka lang sa beauty ko kasi ako maganda ikaw ampalaya"

Tumakbo ka na bakla bago ka pa mamamatay ng maaga.

"Sorry na nga madam, tara na ilibre mo na ko gutom na aketch gorabels na tayels"

"Wapakels baks"

Nagpunta na nga kami ka sa isang fine dining restaurant dito sa metro. Lalo pa yata akomg nabitter ah.

"Hi Papa Z, buti nakarating ka" talagang iniinis ako ng baklang to ah.

"Hi Yvaine"

Tae naman, sinabi niya na yung favorite catch phrase niya. Bakit ba affected ako?

"Saulo De Alba, be ready to die. Run and hide because when I find you it's gonna be a blood bath"

Ang bwisit na bakla nagtago sa likod ni Zoren. Mapapatay ko silang dalawa ngayon.

"Yvaine, kalma lang maganda ka kapag nagtataray ka pero kalma lang ha. Mahal pa rin kita kahit na mukha kang monster"

Talagang pinagtutulungan ako ng dalawang to ah. "Monster? Ang ganda ko namang monster niyan"

Feel na feel ko haha

"Alam ko naman yun kaya nga nafall ako di ba?"

Ew man ew. Ewness overload.

"Whatever, ang lame mo hoy bakla may kasalanan ka pa rin sa'kin."


_____________
shinriah

School Rumble: Miss Panicking vs Don't Panic ProfOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz